Chapter 34 Ang Babaeng Walang Panty

17 0 0
                                    


Nagising akong tulog pa rin si Razzo kaya malaya kong pinagmasdan ang mukha niya. Hinaplos ko na rin ang papatubo niyang balbas.


Nangingiti ako sa tuwa habang tinitingnan ko siyang natutulog.

Ang napakaguwapo mo talaga. Napakaswerte ng babaeng mapapangasawa mo. Wala na siyang hahanapin dahil na sa iyo na lahat Razzo. Kaya naman kilig na kilig akong pinagmamasdan siyang tulog sa tabi ko.

Nakaramdam ako ng panggigigil sa kanya. Matapos niya akong pagurin magdamag at heto tulog na tulog siya.

Padampi ko ngang sinasampal-sampal ang pisngi niya. Sa sobrang gigil ko ay napapalakas na ang sampal ko. Natatawa ako sa sarili ko dahil hindi siya magising-gising. Tulog na tulog ang mokong.

. Pagod yarn?


Salbahe ka. Kagabi parang hindi ka galing sa lunuran ng alak, wala kang kapaguran. Ang lakas-lakas mo tapos ngayon hindi ka magising-gising ng sampal ko.

Hindi na ko nakuntento sa pagsampal-sampal sa pisngi niya. Nagawa ko na din pisil-pisil ang kanang tengga niya.


Gusto ko ngang sakalin pero nagpipigil lang ako dahil baka maalimpungatan at masaktan ako ng di sadya.

Napagmasdan ko rin ang kanyang mapupulang labi. Ilang beses na din akong pinapasabik ng mga labi niya. Hihipuin ko sana ang mga labi niya nang magulantang ako ng tawag sa phone niya.

"Razzo gising may tumatawag. Hoy!" Halos yugyugin ko na nga si Razzo dahil tulog mantika ang loko-loko.

"Hoy Razzo gising may tumatawag." Hinatak ko ang kumot na nakatakip saking katawan upang maabot ko ang phone niya na nakalagay sa night stand.

Tiningnan ko ang rumerehistro pangalan sa screen...

"Franco..." mahinang basa ko.

"Razzo may tumatawag sayo. Franco ang pangalan." Nang subukan ko siyang gisingin ulit.

Laking gulat ko nang biglang dumilat at napabalikwas siya ng bangon.

"Sino tumatawag?" Gulantang niya.

"Hello Cus napatawag ka?" Saad ni Razzo nang maiabot ko na sa kanya ang phone niya.

"What your here? Hindi nga?" Dinig kong sabi ni Razzo.


Para pa siyang nagulat sa kausap niya.

Nakatingin lang ako sa kung saan habang pasimpleng nakikinig lang kay Razzo.

Napatingin ako nang maramdamang kong ibinaba niya agad ang phone. Nakatawag ng pansin sakin si Razzo na may tinitingnan siya sa phone niya.

"Anong mayroon?" Tanong ko naman.

"Love you need to go right now. He's coming here." Sabi niya sakin.

"Ha bakit? Sino?" Tanong ko.

"Si Franco, pinsan ko. He's coming over here. Hindi ka niya puwede makita." Napansin ko itsura ni Razzo na parang ibinabad sa suka.


"Teka bakit nga? Bakit hindi niya ako puwede makita?" Pagtataka ko.

"Love saka ko na ipapaliwanag sayo. What's important is hindi ka niya makita." Sagot sakin ni Razzo.

Tiningnan na naman niya ang phone niya nagtataka kung bakit panay tingin niya sa phone niya. Nakitingin na rin ako dahil naiintriga na ko sa maya't maya niyang pagtingin sa phone niya.

Book 2 of FD 'MGIFD'   Fuckboy Crazynes 'Loving Again My Godess'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon