Chapter 52 Dagok

14 1 0
                                    


      Nagpaalam na sakin ang dalawang empleyado na kinuha kong tatao sa business kong food stall. Ito ang naisip kong hanapbuhay upang mapalago ko ang natitirang perang hawak ko.

       Pagkaalis ng dalawang empleyado ko ay saka ko nailabas kay Laarni ang sakit na nararamdaman ko sa dibdib ko.

      "Paano na gagawin ko Laarni? Ano na lamang sasabihin nila nanay at tatay kapag nalaman nilang wala na kong trabaho? Natatakot akong malaman ni Tatay ang nangyari sakin, ayaw kong malaman na naging kabit ako."

      Umiiyak ako ngayon sa harapan ng kaibigan ko. Hindi ko na alam kung paano ko na ipagpapatuloy ang buhay ko.

      Napakahirap mawalay kay Razzo. Parang gumuho ang mundo ko nang magpasya akong hiwalayan siya. Mahal na mahal ko si Razzo ngunit wala akong magagawa kung hindi hiwalayan siya. Parang sinasaksak ang puso ko sa tuwing maaalala ko si Razzo.

       Lahat ng masasayang ala-ala namin ay nagbabalik.

      "Bess kung gusto mo pa ng dagdag n kita matutulungan kita. Puwede kita irekomenda sa pinapasukan kong maliit na bar. Tungkol naman kay Inang at Itang mo, dapat siguro ipagtapat mo na sa kanila na hiniwalayan mo na yung amo mo." Saad ni Laarni.

       "Hindi puwede Laarni, magtataka sila kung bakit naghiwalay kami ni Razzo ng ganoon kabilis. Magagalit sakin si tatay kapag nalaman niyang pagiging kabit ko ang dahilan kung bakit kami naghiwalay. Wala ko maisip na dahilan para ipaliwanag sa kanila kung bakit iba na naman takbo ng buhay ko ngayon."

        Mas malaking dagok  pa ang dumating sa buhay ko ngayon. Kung anong taas ng nakamit ko noon nang makilala ko si Razzo ang siya naman hirap ng pinagdadaaan ko ngayon.

        "Hindi mo kasalanan ang nangyari Melanie nagmahal ka lang ng tao. Lahat naman dumadaan sa ganyang sitwasyon na akala mo siya na pero hindi pa pala."  Giit ni Laarni.

        Naiintindihan ko ang pinupunto ni Laarni na habang mas maaga pa ay masabi ko na ang buong katotohanan sa  pamilya ko.

        
        "Pero ang inaalala ko si Itang noon pa ay ayaw na ayaw niya kay Razzo. Tiyak na hindi siya makakapayag na ganito lamang ang mangyayari sakin matapos niya akong lokohin."

      Nilapitan ako ni Laarni at naupo saking tabi. Pinunasan niya ang mga luha kong walang patid sa pagdaloy.

       "Wala kong lakas ng loob na gawin iyon Laarni alam mong itatakwil ako ni tatay kapag nalaman niyang nagpaloko ako sa taong may asawa na. Hindi ko kayang mawalan ng pamilya, mahal nq mahal na mahal ko si Inang at mga kaptid ko."

      Hinawakan ni Laarni ang dulo ng buhok ko. "Sadyang napakabuti mo Melanie lahat na ng hirap dinanas mo.  Lahat ginagawa mo para itaguyod mo ang pamilya mo.... pero hindi mo deserve lahat ng paghihirap mo kasi..."

       Napatingin ako bigla sa sinabing iyon ni Laarni.

        "Anong sinasabi mong hindi ko derserve lahat ng paghihirap ng dinadanas ko?" Tanong ko kay Laarni.

        Nagtaka ako nang bigla siyang umiwas at tinabunan na ng malaking net ang food cart.

       "Laarni ano 'yong sinasabi mo? Lahat gagawin ko para sa pamilya ko alam mo 'yan kahit maghirap ako. Nagtataka ako sa sinasabi  mong hindi ko deserve ang tulungan ang pamilya ko."
     
       "Ah kuwan, ano kasi... tawag dito... ano." Pasensya na nagkamali ako ng sinabi kalimutan mo na lang 'yung nasabi ko."

      Halatang umiiwas si Laarni sa tanong ko.

        "Laarni bakit hindi mo masagot ng diretso ang tinatanong ko sa'yo. Sagutin mo ko!"

Book 2 of FD 'MGIFD'   Fuckboy Crazynes 'Loving Again My Godess'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon