Chapter 1 Encounter with Manyakis

69 1 0
                                    

Melanie Pov...

"Miss kay Mr. Zachary Montreal." Sabi ko sa receptionist.

Ngayong araw ang nakatakdang pagkikita namin ng nakikilala ko sa isang event. Mahigit isang buwan din kaming nag-uusap at marami kaming nalaman sa isat-isa. Pinangakuan niya ko na bibigyan ng trabaho dahil naawa siya sakin kaya gusto niya ko tulungan.

"Miss sabi ko kay Mr. Zachary Montreal." Muli kong sabi ng tingnan lamang ako ng babaeng receptionist.

Bahagya akong nainis nang tingnan pa ako nang hindi maganda nitong receptionist. Batay sa kanyang pagkakatingin sakin mukhang hinuhusgahan ata ako ng babaeng. Maayos naman ang suot ko, nakalongsleeves ako ng puti at ang short ko ay may kaiksian nga lang. Kailangan ko kasing maging mapang akit sa nakilala kong VIP sa isang event ng mga mayayaman. Kung sa pagandahan lang naman ang pagsasabasehan, hindi hamak mas maganda naman ako dito sa babaeng maputla na malapit nang maging espasol dahil sa itinapal na foundation sa mukha niya.

"Just a minute." Simpleng sagot sakin receptionist sabay ismid.

Pinaglakihan ko ng mga mata ang babaeng receptionist, nabigla ang nagmamalditang babae kaya hindi na nito makatingin saking muli.

"Please proceed to 11th floor." Wika ng receptionist.

"Thank you." Mariing sabi ko habang hindi kobpa rin hinihiwalayan ng tingin ang receptionist.

Nakahalata naman ang receptionist na tinitigan ko siya ng matalim kaya hindi na niya nagawa pang tingnan ako.

Kinuha ko ang phone ko sa bag ko para tawagan si Zachary Montreal bago ako sumakay ng elevator. Ngunit hindi niya sinasagot ang tawag ko.

Nagsisimula na kong mainis nang hindi pa rin sinasagot ng ang tawag ko.

"Tss, scammer naman tong mokong na to'. Akala ko pa naman mabait siya at naiiba sa lahat ng naging guest ko. 'Yon pala hindi. Ewan ko ba sa sarili ko kung bakit nagdrama ako sa taong yun para hingan ng tulong na makahanap ng trabaho, mukha kasing bigtime eh. Ikinuwento ko pa ang kaawa awang talambuhay ko at ng pamilya ko sa kanya. "

"Nakakainis! nakakainis!" Bulong ko habang malapit na kong mainis. Nakakahalata na kong pinaasa lang ako.

Ramdam ko na sa noo ko ang pagsalubong ng kilay ko. Patuloy pa rin akong sa pagdial sa keypad ng mumurahin kong phone na nai-snatch

Gusto ko lang naman makahanap ng matinong trabaho hindi yun ganitong minsanan lang sa mga raket ako nagkakapera. Kailangan kong makaipon dahil nangangailangan nang maoperahan si Nanay sa puso sa lalong madaling panahon.

Nang hindi pa rin ako sinasagot ng mokong na yun ay nagpasya na akong magtungo sa elevator. Hindi ako nakahabol sa papasarang pinto ng elevator kaya naghintay ako sa pagbukas ng iba pang elevator ngunit paakyat din ang ibang elevator. Sa paghihintay ko ay napansin kong may isang lalaki din ang naghihintay na makakasabay ko sa elevator. Ipinasok ko na sa bag ko ang phone ko nang mapansin kong tinitigan akong mabuti ng lalaki. Matangkad, sobrang guwapo may manipis na balbas sa kanyang panga na lalong nagpalitaw ng kanyang kagwapuhan. Disente naman kung pagmamasdan ang lalaki ayon sa kanyang suot na coat at naka necktie pa. Malapad ang balikat nito at halatang may magandang hubog ng katawan. Pasok sa estandards ko sa mga hinahanap kong klase ng mga lalaki. Yun macho at may abs ganern!

Natigil ang pagpapaptansya ko sa kanya nang mapansin ko na matindi ang pagkakatitig niya sakin. Medyo nakakailang kung paano niya ako tingnan. Tila sinusuri niya kong mabuti nang hagudin niya ng paningin ang buong katawan ko.

Napalayo ang tingin niya nang mapansin niyang hinuhuli ko ang bawat pagnakaw niya ng sulyap sakin.

"Excuse me, gagamit ka din ba ng Elevator?" Tanong ko sa kanya.

Book 2 of FD 'MGIFD'   Fuckboy Crazynes 'Loving Again My Godess'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon