Chapter 53 Mr. Chinito

19 0 0
                                    


       Sinenyasan ako ni Angge na puwede na akong pumasok sa ICU para bisitahin si Inang.

       Suot ang protective gown ay niyakap ko kaagad si Inang na walang malay at may nakapasak na tubo sa kanyang bibig. Hinalikan ko ang ulo ni Inang ramdam ko ang paghihirap niya. Lumalaban na naman siya sa kamatayan. Napaiyak ako sa labis na awa kay Inang.

       Kasalanan ito lahat ng asawa ni Razzo. Dinamay niya pa si Inang. Sobra-sobra na ang ginawa niya saking ito. Kung gusto niyang magdusa ako sa labis na paghihiganti niya sakin dapat ako na lang, huwag na si Inang.

      Paglabas ko ng ICU ay nilapitan ako ni Angge.

       "Ate Melanie sabi ng nars kailangan daw natin bayaran yun mga ginamit kay Inang nung nagsagawa sila ng operasyon." Naluluhang sabi ni Angge.

       Hinawakan ko sa magkabilang balikat si Angge, "Huwag kang mag-alala gagawa ako ng paraan na makabayad tayo. Aalis muna ako bantayan mo nang maigi si Inang, kung ano mang mangyari tawagan mo agad ang mga nars at duktor doon sa nurse station. Kaagad mong tawagan sila Itang ha."

       "Ate natatakot ako para kay Inang,"

       "Babalik agad ako hahanap ako ng paraan para makakuha tayo ng pera ng ipangbabayad sa hospital."

       Una kong naalalang tawagan si Sir Patrick nagbaka sakali akong makakahiram ng pera sa kanya. Awa ng Diyos ay pauutangin niya ako Sir,  pinayuhan na din niya ako na magbalik sa pagmomodelo dahil maraming projects at raket ngayong panahong ito. Dagdag solusyon iyon sa problema ko.  Nabuhayan ako ng loob dahil may Sir Patrick pa na sumagip sakin.

      Nakipagcoordinate din kami kay Ms. Montecalvo na maisingit sa line up fashion show sa Lay Naked Philippines na gaganapin pa naman sa susunod na buwan. Sa una ay galit sakin si Ms. Montecalvo pero naawa naman siya sakin kalaunan. Gagawan daw niya ng paraan na mapakiusapan ang Creative Team ng Lay Naked Philippines pati Fashion Director. Nagalit daw di umano sila sakin nang umalis ako sa Lay Naked Philippines dahil pinatigil na ako ni Razzo sa pagmomodelo.

       Kinabukasan matapos ang nakakapagod na gabi kabi-kabilang meet up namin ni Sir Patrick sa mga Brands o mga Produkto ieendurso ko heto sasabak ako sa pictorial ngayon sa isang malaking Hotel and Garden Resort. Mga bridal gown ang isusuot namin sa pictorial.

      Kaagad kong hinanap ang coordinator na dapat kong lapitan para ako'y maayusan. Malayo pa lang ay nakita kong nakasimangot siya sakin, palibhasa kasi ay pinakiusapan din sila na maidagdag ako sa mga modelo magtratrabaho para sa kanila.

      Naiintindihan ko naman sila ayaw na ayaw nila na may biglang dadagdag sa matagal na nilang plinanong projects. Ni hindi man lang ito nakipag beso-beso sakin sa sobrang inis sakin.

      "You are Zuleika Brightheart right?" Tanong sakin ng coordinator.

       Tumango naman ako dahil nagpanggap akong ako si Zuleika Brightheart, ang namatay na fiance' ni Razzo.

      "Mukha kang haggard hala sige pumasok ka na sa tent na 'yon para maayusan at malagyan ka na ng make-up." Bulyaw niya sakin.

      Hindi lang siya ang may malalang pakikitungo sakin. Mas malala pa ng pumasok ako sa loob ng maluwag na tent. Tinatarayan ako lahat ng mga make-up artist at wardrober na nandoon nakakarinig ako na salitang "Isiningit na nga, late pa". Halos tumulo ang luha ko sa mga oras na iyon pero pinigilan ko dahil ayaw ko gumawa ng issue. Ayaw ko na may makararating kay Sir Patrick na naging problema.

      Kailangan ko itong trabaho na ito, kailangan ko ng pera para kay Inang.

      Mabilis akong nilagyan ng make-up mabuti na lamang at tila may magic ang make-up. Magmula sa mukha ko kaninang puyat at stressed dahil sa mga nagdaang problema at pagpapahirap sakin ng asawa ni Razzo naging fresh ang mukha ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 23 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Book 2 of FD 'MGIFD'   Fuckboy Crazynes 'Loving Again My Godess'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon