Chapter 37 Ang Mga Pangitain ng Paroa

11 0 0
                                    

Ang Nakaraan simula nang muling mabuhay si Reyna Zuleika...

       Sa isang malaking silid ng palasyo,  kung saan mapapansin ang makalumang istraktura. Ang istrakturang ito ay kahalintulad sa Mount Olympus. Yari sa malalaking tipak na bato ang dingding at sahig na kasing tibay ng mga kabundukan sa Avarlone. Makikita sa gitna ng silid  magarbong higaan kung saan mahimbing na natutulog ang anak ni Zuleika.

       Pinagmamasdan maigi ni Zuleika ang kanyang anak. May malaking pagkakahawig ang kanyang anak sa mortal na si Razzo.

      Matapos halikan sa pisngi ang kanyang anak ay kinuha ni Zuleika ay phone sa isang treasure chest. Ibinigay ito sa kanya ni Razzo noon namumuhay pa siya sa mundo ng mga mortal. Tandang tanda niya noong araw na ibinigay sa kanya ni Razzo ang phone.

      "I want to use this. I felt like Im being  tortured whenever hindi tayo magkasama. I would gonna be crazy sa pag-aalala ko sayo. Just call me right away kapag may hindi magandang nangyayari wifey." Sabi ni Razzo matapos iaabot sa kanya ang phone.

      
       Nakahiga noon si Lyka sa dibdib ni Razzo. Simula nang malaman ni Razzo ang tungkol sa pagiging diyosa ni Lyka, pinangako niyang proprotektahan niya si Lyka sa lahat ng oras.

        Matagal nang panahong hindi binubuksan ni Lyka ang phone niya. Itinago niya ito sa maliit na treasure chest upang hindi makita ng kanyang anak. Nagpasya si Lyka na kahit kailan ay hindi nito malalaman ang tungkol sa kanyang ama. Ayaw niyang matulad ang kanyang anak sa sinapit nilang dalawa.

       Bukod doon ay pinag-iingatan nang mabuti ng  diyosa na huwag mapahamak ang kanyang anak. Ang anak niyang si Rocket ang nagdugtong ng kanyang buhay nang mapaslang siya ni Razzo.

      Ang pintig sa kanyang sinapupunan noong ipinagbubuntis niya si Rocket ang siyang naging dahilan upang mabuhay siyang muli. Kaya labis-labis ang pagmamahal niya kay Rocket, para sa kanya sapat na anak niya para mamuhay silang malayo kay Razzo. Tahimik at matatag ang kanyang pamamahala bilang reyna ng Emerald Kingdom at ng buong Avarlone.
   

       Matapos alalahanin ang tagpong iyon ay tiningnan naman niya ang picture ni Razzo sa kanyang phone. Hindi niya maiwasang maluha sa sobrang pagka miss niya kay Razzo.

        Ilang taon na rin ang nakalipas simula nang maganap ang kahindik hindik nilang paglalaban na nagtapos sa  kanyang kamatayan.

       Napatingala siya upang mapigilan ang mga luhang pumapatak sa kanyang pisngi.

       Napapunas siya ng mga luha nang marinig niya ang anunsiyo ng bantay-kawal ng kanyang silid. Hindi niya inaasahan ang pagbisita sa kanya ng Paroa at ni Wiseman.

       Tumango siya sa mga tagapagsilbi upang pahintulutan makapasok ang kanyang mga bisita.

         "Isang pagpupugay para sa marangal at mabuting reyna ng Avarlone ang aming iniaalay." Pagbati ni Wiseman kay Lyka.

         "Dakilang Wiseman at Paroa. Nasisiyahan akong makita kayo." Saad ni Lyka matapos magbigay galang sa kanya si Wiseman at Paroa.

        Nagbigay galang din ang Reyna sa dalawang mahalagang nilalang ng Avarlone. Si Wiseman na tagapayo ng kaharian at si Paroa na madalas hingian ng tulong ng mga taga Emerald Kingdom. Malaki ang naging bahagi nila sa buhay ni Lyka. Kaya labis-labis ang pasasalamat ng diyosa sa kanila.

 
        Yumakap nang mahigpit si Lyka kay Wiseman dahil matagal na siyang nasasabik na makita ang matandang kaibigan. Simula nang magising si Lyka sa pagkakahimlay sa kamatayan ay ngayon lamang sila nagkita. Naging abala si Wiseman sa pagtatayo tore para sa pananaliksik ng karunungan at mahika na magagamit sa pag-unlad ng Avarlone.

Book 2 of FD 'MGIFD'   Fuckboy Crazynes 'Loving Again My Godess'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon