Chapter 42 His Crazyness Part 2

21 0 0
                                    


      "As your manager I have all the rights para i-secure na hindi nahaharass or nababastos  ang talent ko." Sabi niya.

       "Anong harrass ang sinasabi mo? Hindi naman ako nababastos ha. Malamang nagsasayaw kami kaya di maiiwasang magdikit kami." Sagot ko naman sa kanya.

       "Well sa tingin mo hindi pero kaming mga lalaki taking advantage na iyon para samin. Halos yakapin ka na nga nun Bruno punta ng Mars na yun." Giit niya.

       May pagkaluko loko din pala itong lalaking ito. Palitan ba naman ang  pangalan ng lodi ko. "Punta daw ng Mars".

        "Alam mo nagpapaka propesyunal lang ako. Eh ano naman kung yakapin ako ng lodi ko. Ang swerte ko pa nga dahil sobrang sikat niya eh. Mantakin mo 'yon isang Bruno Lars lang naman ang yumayakap sakin. Abay bibihira lang mayakap ng sikat na tao nuh."

       "I can't believe on your mindset that all because of fame inonormalize mo na ang panghihipo sayo. What the f*ck."

       Kitang kita sa itsura ang sobrang pagkainis. Tulad ng dati namumula tengga niya sa tuwing nakukunsume sakin. Pero sa totoo lang nakakaramdam lang siya ng selos.

        "Ang sabihin mo nagseselos ka lang kaya nagkakaganyan." Saad ko sabay irap ko sa kanya.

        "Oo nagseselos ako. Inaamin ko nagseselos ako. Gusto mo ipagsigawan ko pa sa lahat na nagseselos ako." Sagot niya.

        "Hoy anong ginagawa mo?" Reaksyon ko nang biglang ilagay niya mga kamay niya sa bibig niya para lalong ipagsigwan sa lahat na ngseselos siya.

        "Nagseselos ako! Nagseselos ako sa ginagawa ng girlfriend ko at ni Bruno Lars!" Patuloy na sigaw niya.

        Hirap man akong maghahakbang sa tuyong buhangin ay nilapitan ko si Razzo para patigilin.

      
        Nakita kong natutuwa pa siya sa ginagawa niya.

         Nababaliw na talaga.

        "Tumigil ka na nga. Nababaliw ka na!" Sabi ko nang mahatak ko siya pabalik sakin kinatatayuan namin kanina.

       Hindi ko akalain na magagawa niya iyon kaya tuloy pinagtitinginan kami lalo ng mga tao dito sa beach.

        "Oo nababaliw na talaga ako. I admit it I'm so crazy about you. You know why? Ginagawa ko lahat para sa atin, ginagawa ko lahat para lang makasama kita. Even if I know done I'm doing wrong that sooner or later that I might be in trouble." Wika niya habang patuloy na nakatitig sakin. "I'm still fighting for the two of us tapos bigla mo lang akong iiwan ng ganoon-ganoon lang."

       Ano iyon bakit bigla siyang nagdradrama? Bakit parang nakokonsensiya ako sa mga sinasabi niya. Ano bang pinagdadaanan niya? Sa lahat ng mga bagay na ginawa niya sakin katulad ng pagpapahospital sa inang ko, pagbigay niya ng bahay sa pamilya ko, para sa career ko. Bakit parang lumilitaw na gumagawa siya ng malaking mali? Bakit ngayon lang niya sinasabi sakin na nahihirapan siya sa sitwasyon niya.

       Kung pera man mukhang hindi pa naman siya mababankcrupt dahil sakin. Nagpapagawa pa nga sila ng ibang branches ng hotel niya sa Cebu at Baguio. Bukod dun may narinig pa nga akong ipinapatayong skyway sa Olongapo.

        Pero bakit parang hirap na hirap siya sa sitwasyon namin? Anong bagay iyon na nagpapahirap sa kanya? Hindi ko maintindihan.

     
         Ito na siguro ang pinoproblema kong hindi ko pa siya kilala ng lubusan.

         "Ahemm Bebe boy and Ate Girl tapos na ba kayo sa pagdradrama niyo. Baka puwede na natin ituloy ang shooting?"

         Ngek!!!!

Book 2 of FD 'MGIFD'   Fuckboy Crazynes 'Loving Again My Godess'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon