Chapter 10 Strange Feelings

32 3 0
                                    


"Here we are, kakain na rin tayo ng dinner dito."


Pagkapatay ng makina ng sasakyan ay inaya na ko ni Mr. Epal na pumasok sa loob ng malaking restaurant.

Napansin kong may pagkasosyalin ang restaurant. Mayayaman at mga alta sa siyudad ang mga kustomer na pumapasok. May nakasabay pa kaming babae at lalaki sa parking na parang kami lang ni Mr. Epal na magkasama. Ang sosyal-sosyal nilang tingnan. Blonde na kinulot-kulot ang ayos buhok ng babae. Sobrang iksi at hapit ang dress ng babae sa kanyang katawan kaya bakat ang mga kurbada nito. Samantalang yun lalaki guwapong guwapo sa kanyang suit. Kumapit sa braso ng lalaki ang babae.

Nakaramdam ako ng pagkailang dahil sa ginawang iyon ng babae. Ayaw ko ibaling ang paningin ko kay Mr. Epal dahil naaalangan akong gawin din namin yun ginawa ng babae at lalaki.

Aatras sana ako nang bigla kong maramdaman ang kamay ni Mr. Epal sa likod ko.

"Just relax," aniya.

Napansin niya ata na di ako sanay sa ganitong lugar.

Pagpasok namin sa malaking pintuan. Kinausap ni Mr. Epal ang dalawang lalaking sumasalubong sa customer. Sinabi ni Mr. Epal na may reservation siya.

Matapos 'yon ay sinamahan kami ng isa sa mga lalaki para i-guide kung saan kami mauupo.

"Thank you."

Magkaharap na couch at isang lamesa ang inupuan namin ni Mr. Epal.

"Tingnan mo yun menu tapos pili ka ng gusto mong food." Utos sakin ni Mr. Epal.

Sinunod ko naman ang utos sakin ni Mr. Epal. Ang problema hindi ko alam kung ano ang mga pagkain na nasa menu. Ang isa pang pinoblema ko ay hindi ko alam kung paano basahin o bigkasin ang mga pangalan ng mga pagkain.


"Pumili ka na, parating na sila." Saad ni Mr. Epal na abala sa kakalikot ng cellphone.

"Ma'am can I take your order please,"


Nagulantang ako bahagya nang biglang magsalita sa gilid ko ang isang waiter. Hindi ko sinasadyang matabig ang isang mataas na baso.

Mabuti na lamang at nahawakan agad ni Mr. Epal ang baso bago pa ito mahulog sa lamesa.

"Are you alright? Parang wala ka sarili mo?" Tanong sakin ni Mr. Epal.


"Ah okay lang ako. Puwede bang ikaw na lang ang umorder. At saka kailangan kong magban..."

"Restroom." Sabi niya.

"Yon nga 'yon. Pupunta ako ng restroom," pagkatapos ko magpaalam ay tumayo na agad ako para magtungo sa restroom.

Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sakin. Nahihilo ako na kinakabagan ang tiyan ko. Hindi sa nakakakita ako ng mga prospect o mayayamang puwede kong dukutan kung hindi ay nalulunod ata ako sa kasosyalan ng mga tao sa paligid. Hindi ako sanay na makasama ang mga mayayaman. Umiikot ang paniningin ko sa mga chandelier, mga nagmamahalang brilyante nakapalawit sa mga hikaw at kuwintas ng mga babae. Parang tinatawag ako ng mga mamahaling relo na suot ng mga lalaki.

Kaagad kong isinara ang banyo at pumikit.

"Umayos ka Melanie, pigilan mo sarili mo."

Huminga ako ng malalim para ikalma ang sarili ko.


"Huwag na huwag kang gagawa ng bagay na ikakagalit ni Mr. Epal, tandaan mo 'yon mga ipinapayo niya sayo. Hindi pa ko nakakapangdekwat sa loob ng isang mamahaling restaurant." Sabi ko sa sarili ko habang nagbabawas sa trono.

Book 2 of FD 'MGIFD'   Fuckboy Crazynes 'Loving Again My Godess'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon