This book is already a book 3 everyone.
Kung hindi niyo pa nababasa ang nauna, I recommend you to read the book 1 and 2 para makilala niyo ang mga character sa book na ito. Hindi ko na kasi sila ide-describe isa-isa dahil masyado nang mahaba kaya balikan niyo na lang ang dalawang book kung hindi niyo pa nababasa para makilala niyo sila before you proceed to this book.Mababasa ninyo ang dalawang libro nito sa NOVELAH, FINOVEL and STORYON search my username Author Yham or the title mentioned below...
Book 1: Diary ng Babaeng NBSB
Book 2: Ang Bading kong AsawaTo those who already done reading the previous books, sana matino pa rin kayo at nakaya niyong magpatuloy sa ikatlong libro... I can't promise you all that this book is perfect, but I was hoping that you well enjoy it.
If you can't love this book at least appreciate it, thank you.Chapter 1 Mamatay ka sa Gutom
Angel's POV
ALAS saez na nang gabi nang makauwi kami ni Pol galing sa trabaho, halos apat na taon na rin akong nagta-trabaho sa hospital bilang nurse habang si Pol ay anim na taon na sa parehong trabaho nauna lang ito sa akin ng dalawang taon sa pinagta-trabahuhan namin at siya rin ang tumulong sa'kin noon na makapasok sa hospital. Hanggang sa araw-araw naming madalas na magkasa ay tuluyan na akong nahulog rito hanggang ang ligawan nauwi sa kasalan.
Matapos makapagbihis ay sunod kong tinungo ang kusina upang makapaghanda ng hapunan naming mag-asawa, mag-dadalawang taon na rin kaming kasal ni Pol at bumukod na ng sariling bahay. Kulang na lang ay anak sa'min para matawag kaming buong pamilya.
Taon na kasi ang lumipas ngunit hindi pa rin kami nabibiyayaan ng anak, hindi naman kami nagmamadali kasi alam naming darating din ang araw na iyon.
Nang marating ko ang kusina ay agad kung tinungo ang lagayan ng bigas upang makapag-saing, hobby na nating mga pinoy na laging may kanin sa hapag. Ngunit, panlulumo ang sunod na bumalot sa buong katawan ko ng makitang wala nang laman ang lagayan na iyon kahit isang takal manlang sana na pwedeng isasaing ngayon.
Lang'yang buhay ito mukhang matutulog na lang ako ng dahil sa gutom.
Mabilis kong naisip na may kapit-bahay nga pala akong mahihingan ng tulong, ito na lang ang pagasang meron ako para maitawid ko ang gutom sa gabing ito.
May bintana sa likod ng kusina kaya binuksan ko iyon at agad na idinungaw ang ulo ko bago ko sinimulan sumigaw ng ubod ng lakas umabot lang sa kabilang bakod ang boses ko.
"Mia pahiran nga ng pera pambili lang ng bigas!" Umalingawngaw ang sigaw kong iyon para lang paabotin ang boses ko sa kabilang bakod ng bahay kung saan naroon naman ang bahay nila Mia.
Magkatabi lang ang bahay namin dahil dito namin parehong pinili ni Pol na magandang place para bumuo ng sariling pamilya kalapit ng mismong bahay nina Mia at Kyle. Halos metro lamang ang layo ng pagitan ng bahay naming dalawa ni Mia kaya siguro akong sa lakas ng boses kong iyon ay narinig niya ako.
"Mga ulol ayan na nga ba sinasabi ko eh, hindi kayo mabubuhay ng letseng pagmamahal na iyan! Mga pala desisyon kayo sa buhay tapos ngayon wala kayong makain!" Hindi ko inaasahan ang makalas na sigaw rin nitong tugon sa akin kaya mula sa bintana ng kusina ay mas lalo pa akong dumungaw roon upang sagutin siya.
"Inamo ka Mia, nasasabi mo 'yan palibhasa MAYAMAN ang asawa mo!" sigaw ko pa rito na pinakadiinan pa ang salitang mayaman. "Palit kaya tayo ng sitwasyon oh, ikaw dito ako jan palit tayo ng asawa!"
Narinig ko ang malakas na pagtawa pa nito sa kabilang bakod.
"Animal ka Angel baka nakalilimutan mong kapatid ko ang asawa mo paano ko aasawahin 'yan?"
BINABASA MO ANG
Castillo-Vera (Book 3)
RandomAngel Castillo living her dream life with the man she chose to marry. A perfect life had not yet an happy ending. One day they plan a vacation to celebrate their 2nd wedding anniversary, they had an accident and her husband Apollo Vera suddenly disa...