Chapter 37

0 0 0
                                    

Chapter 37  Kinakalimutang katotohanan

Apollo's POV

"Mahal, nakabalik ka na saan ka galing?" masayang ngiti ang sumalubong sa akin mula sa labi ni Marian ngunit galit ang nararamdaman ko ngayon para sa kaniya. Nagagawa niyang magkunwaring ayos ang lahat kahit na alam naman niyang hindi.

Walang salita na lumabas sa bibig ko at nilagpasan ko ito saka ko padabog na hinubad ang sapatos ko na nakaapak ng tae sa daan.

"Mahal, nakahanda na ang pagkain kumain na tayo ng pananghalian." usal parin nito saka hinawakan ako sa braso ngunit marahas akong nagpumiglas.

Gulat sa mukha niya ang nakita ko, marahil nagtataka na siya kung bakit nagiging marahas ako ngayon sa kaniya dahil madalas naman pananahimik ang ginagawa ko at pilit nagtitimpi ng galit.

"What's w-wrong?" nauutal at lakas loob siyang nagtanong sa'kin. Ganito lagi ng eksena niya, nagkukunwaring walang alam kahit na mulat na siya sa katotohanan na hindi kami okay.

"Bakit hindi mo itanong iyan sa sarili mo, alam ko na ang lahat Marian! Naalala ko na ang lahat!" nanatili ang gulat sa mukha niya.

"You made me believed in your lies! Hindi ka ba nagtagumapay noong muntik mo nang sirain ang kasal ng kapatid ko kaya pamilya ko naman ngayon? Marian anong nagawa kong mali, bakit pilit mo parin ipinipilit ang sarili mo sa akin... kahit na alam mo namang wala na..."

Nagsimula nang tumulo ang luha niya dahil sa mga sinabi ko.

"Kasi mahal kita, sapat na ba iyong sagot para sa'yo? Ginagawa ko ito kasi mahal kita at gusto kong bumalik ka sa'kin."

Mapait akong napangisi. "Mahal? Kung mahal mo ako sana noon pa lang inisip mo na ang mararamdaman ko at hinayaan mo na lang akong maging masaya."

"Hinayaan naman kita ah, ngunit ang makita kang masaya sa piling ng iba ay parusa sa akin." humikbi nitong sabi.

"Ngayon mo pa ba isisi sa'kin lahat ha? Marian ilang taon na ang lumipas, ilang taon na pero bakit hindi mo pa rin matanggap na tapos na."

"Ilang taon na nga ang lumipas, pero 'yung sakit at 'yung pagmamahal ko sa'yo nandito pa rin Pol. Mahal parin kita kahit ang sakit-sakit na." hindi humupa ang luha sa mga mata niya at nagpatuloy lang ito sa pag-agos ngunit kahit gaano pa kalungkot tingnan ang mga mata niya wala na akong pakialam.

"Umpisa pa l-lang..." nanginginig na ang labing usal ko. "Ikaw ang babae na nakita kong makakasama ko hanggang sa pagtanda ngunit binigo mo'ko."

"Alam ko naman iyon eh, Pol kung sana lang binigyan mo ako ng kahit saglit na oras noon para ipaliwanag sa'yo lahat... sana tayo parin ngayon. Pol hindi ko naman sinadya lahat eh. Pol patawarin mo'ko." daing niya ng patawad habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko.

Mabilis na akong umiwas ng tingin bago pa ako mahawa sa malungkot niyang pagluha. Oo, hindi ko maitatanggi na ang babaeng nasa harap ko ngayon ay minsan kong ginawang mundo, centro ng buhay ko at kasama sa mga pangarap ko ngunit naglaho na iyon lahat ngayon. Ibang-iba na ang sitwasyon kisa sa dating pantasya ko na kami ang magkakatuluyan. Aaminin ko, isa man sa mga paliwanag niya noon wala akong pinakinggan dahil nilamon na ako ng galit at pagsisisi dahil ipinagpalit niya ako sa mismong best friend ko. Hanggang sa natuto na lang ako at gumising isang araw na nakalimutan ko na ang lahat ng sakit at nakatagpo ng bagong pag-ibig.

"Kung binigyan kita noon ng oras para magpaliwanag anong sasabihin mo sa'kin? Paulit-ulit at walang katapusang SORRY dahil niloko mo ako, iyon lang naman lahat 'yun 'di ba? kaya bakit pa ako makikinig sa paliwanag mo!" galit kong sumbat sa kaniya.

Expected naman na puro sorry ang sasabihin niya ano pa bang bago.

"Nakunan ako, Pol... namatay ang baby ko at sobrang sakit noon para sa'kin, pero wala akong ibang naging kakampi kun'di ang sarili ko."

Natigilan ako sa sinabi niya saka gulat na tumitig rito. "Anong sabi mo?"

"Oh bakit? pag sinabi ko bang ikaw ang ama noon maniniwala ka, 'di ba hindi. Oo Pol ikaw ang ama noon." Nanlambot ang mga tuhod ko sa narinig kong iyon na sinabi niya, naramdaman ko na ang lamig ng sahig na umaakyat sa buo kong katawan dahil wala naman na akong kahit anong sapin sa paa, hindi na ako nakapagsalita at pinilit ang sarili na kayaning pakinggan ang mga sinasabi niya.

"At sa mga oras na iyon Pol ikaw ang pinaka-kailangan ko, sinubukan kong ipaliwanag sa'yo ang lahat pero hindi mo ako pinakinggan. Kasi ang tanging nasa isip mo na lang noon ay galit dahil sinaktan kita at ipinagpalit sa best friend mo. Ikaw ang kailangan ko ng mga oras na tila ba pinapasan ko ang mundo, ikaw ang pinaka kailangan ko pero binalewala mo na lang lahat sa isang iglap." tila ba kutsilyong tumatarak sa puso ko ang mga sinabi niya. Sobrang sakit.

"Patawad kung trauma ang dinulot sa'yo ng panluluko ko, pero para malaman mo ginawa ko lang iyon para hindi kita masaktan kasi baka hindi mo ako matanggap. Natatandaan mo ba noong ibinigay ko sa'yo ang sarili ko noong gabing pareho tayong lasing at may nangyari sa'tin? Doon simulang nagkalamat ang relasyon natin kasi akala mo niloloko kita dahil alam mong ikaw ang unang boyfriend ko pero nang may mangyari sa atin hindi na ako v*rgin... Pol sinubukan kong ipaliwanag sa'yo ang lahat pero natatakot akong aminin sa'yo ang totoo na ginagahasa ako ng tito ko bago pa may mangyari sa atin."

"Tang*na, Marian." mapamura ako sa galit. "Kaya ba nagawa mo akong lukohin imbes na sabihin sa akin ang totoo?"

Humahagulgol siyang napatango. "I'm so sorry, wala na kasi akong ibang maisip na paraan kaya ginawa ko iyon upang ikaw na ang kusang bumitaw sa relasyon natin, pero hindi ko pala kaya na wala ka."

"At paano ka nakakasiguro na ako nga ang ama ng bata?" malamig kong tanong.

"Baog ang tito ko kaya alam kong hindi siya ang ama ng anak ko at ang gabing may nangyari sa atin nag bunga iyon. Ngunit pinili kong saktan ang damdamin mo kasi akala ko hindi mo ako tatanggapin. Pol pinagsisisihan ko ang lahat ng iyon at sobra-sobra pa sa sakit na naranasan mo ang naranasan ko noon nang mawala ang batang nasa sinapupunan ko na magiging dahilan sana para magkabalikan tayo... pero nabigo ako."

"Kalokohan lahat ng iyan, Marian. Kalokohan lahat ng iyan!" nagsimula na rin akong maluha dahil sa mga nalaman ko. Wala sa sariling napa-atras ang mga paa ko hanggang sa huminto ako ng maramdaman kong pader na ang nasa likod ko sunod akong napasandal sa pader na iyon.

"Pol hindi, totoo ito maniwala ka naman sa'kin oh ilang taon na akong nababaliw dahil sa kunsiya ko kung paano ko ipapaliwanag sa'yo ang lahat, ito ang katotohanan na pilit kong kinakalimutan kasi ayaw kong makagulo pero wala akong magawa para tumakas sa mga nangyaring iyon na kahit taon na ang lumipas nananatili sa akin ang takot at sakit. Pol, pinipilit kong ayusin ang sarili ko para mahalin mo akong muli, pilit kong ginawa ang mga bagay na alam ko para balikan mo'ko pero tuluyan akong nawalan ng pag-asa ng malaman kong nag-asawa ka na.
Pol, ginawa ko ang lahat para maging sapat pero hindi nangyayari, anong kulang sa'kin Pol? anong kulang sa akin na kahit anong gawin ko hindi ko siya magawang palitan jan sa puso mo?" mas humagulgol na ito ng iyak habang ako naman ay tuluyan nang napaupo sa sahig na iyon habang lumuluha.

"Ginawa ko ang lahat para tuluyan mo siyang makalimutan pero bakit siya pa rin?
Pol mahal na mahal kita, alam kong iyong anak natin... iyong anak natin hindi na maibabalik kaya patuloy akong umaasa na kahit ikaw na lang ang bumalik sa akin... Pol mahal na mahal kita."

Sunod na mga hikbi naming dalawa ang nagbigay ingay sa buong paligid na iyon. Bakit ngayon ko lang nalaman ang lahat ng ito, puro katanungan at mga paano ang sunod-sunod na pumasok sa isip ko.

Paano kung pinakinggan ko lang sana siya noon ano kayang nangyayari sa amin ngayon?
Paano kung sinabi niya sa akin lahat ng nangyayari sa kaniya kami pa rin kaya?
Paano kung... kung hindi niya ako niloko magiging kami ba ni Angel.

Sobrang hirap at gulong-gulo na ako. Bakit ngayon ko lang nalaman.

Paano kung hindi siya nakunan noon tatay na kaya ako ngayon?

Tang*na bakit ang sakit. Ang sakit-sakit.

Castillo-Vera (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon