Chapter 20

1 0 0
                                    


Chapter 20 confrontation

Mia's POV

Matapos ang ilang araw na pagpapa-imbistiga ay nalaman namin kay Nick na nasa pilipinas parin si Marian, ngunit hindi malaman kung saan ito ngayon nakatira. Mag-isa raw nakatira ang nanay nito sa dati nilang bahay at hindi nito kasama ang anak.

Isang paraan na lang ang kailangan namin gawin ngayon para malaman ang kinaroroonan ni Marian at para malaman iyon kakausapin namin ang nanay niya, pipilitin namin na paaminin ito kung talaga ngang wala silang kinalaman sa pagkawala ni Kuya.

Magkasama kami ngayon ni Kyle at pinuntahan namin ang dating bahay nina Marian. Sinadya namin na hindi sabihin kay Angel itong ginagawa naming pag-iimbistiga dahil baka mas lalo lang itong umasa, mas mabuting ang pagbubuntis niya ang pagtuunan niya ng pansin kisa ang isipin pa ang tungkol dito kaya hanggang hindi pa kami sigurado ay kaming dalawa lang muna ni Kyle ang may alam.

Tatlong katok ang ginawa ni Kyle sa pinto at hinintay namin na pagbuksan kami ng may-ari.
Saglit kaming naghintay hanggang sa makarinig kami ng yabag ng paa papalapit at sunod na bumukas ang pinto saka tumambad sa amin ang gulat na itsura ng ginang at kung hindi ako nagkakamali siya ang nanay ni Marian, nakita ko na kasi ito dati noong sunduin niya ang anak sa simbahan noong nanggulo ito dati sa kasal namin. Medyo tumanda lang ang itsura nito kaya hindi ko masabi kong tama ako na ito nga ang nanay ni Marian.

Umukit ang labis na pagkagitla sa mukha niya na kahit hindi pa kami nagpapakilala ay mukhang kilala na niya kami. Nakita ko pa na ilang beses itong napalunok at halata sa mukha na kinakabahan na ito nang makita kami. Sa ikinilos niyang iyon ay mas naghinala na ako na p'wedeng may itinatago siya.

"Anong kailangan niyo?" kinakabahang tanong nito sa amin na hindi na magawang tumingin manlang ng diretso sa mga mata ko.

"Baka p'wede niyo muna kaming patuluyin kahit saglit, gusto lang namin kayong maka-usap." naki-usap si Kyle.

Sunod kong nakita ang panginginig ng kamay niya kasabay ng pagiging balisa.

"Hindi ako p'wedeng maka-usap ngayon."

"Bakit naman po?" tanong ko naman at sinikap ko pang gawing magalang ang pananalita para huwag ipahalata sa kaniya na pinaghihinnalaan ko siya.

"Ah ano kasi... Ahm may l-lakad ako ngayon n-nagmamadali ako," utal-utal na sagot niya na mukhang hindi nagsasabi ng totoo dahil kita naman sa suot niyang bistida na pang bahay lang iyon.

"Saglit lang naman po may itatanong lang sana kami, sana masagot niyo."

"Ah aalis nga ako, bumalik na lang kayo sa susunod na araw," saad pa nito.

"Aalis ka nga ba o gusto mo lang kaming iwasan?" maawtoridad na tanong ni Kyle na hindi na inisip na matanda ang kausap niya para kausapin ng ganoong paraan.

"B-bakit ko naman kayo iiwasan?" kinakabahang ani pa rin ng Ginang.

"Sa ikinikilos mo nagkaroon lang kami lalo ng ideya na may itinatago kayo sa amin, hindi kami nagpakilala sa inyo pero sa asal ninyong iyan halatang kilala niyo na kami," saad ko.

"Wala akong itinatago, oo kilala ko kayo dahil minsan ko na kayong nakita noon at alam ko rin na kapatid ka ni Pol," tugon nito sa akin na hindi makatingin ng diretso.

"Kung kilala mo kami makitungo ka ng maayos, hindi naman kami naparito para manggulo may itatanong lang naman kami sa inyo eh," ani ni Kyle rito.

"Ano bang itatanong niyo?" napipilitang tanong nito.

"Nasaan ngayon ang anak mo?" diretsong tanong ko.

Binalot kami ng katahimikan ng hindi na nagawang makasagot ng Ginang sa tanong kong iyon, tila ba pinag-iisipan pa niya ang magandang idadahilan sa amin para lang hindi namin siya mabuko.

Castillo-Vera (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon