Chapter 25 sino ako?
Apollo's POV
*/Tok tok tok
Magkakasunod na katok ang narinig ko, ipinagtaka ko iyon dahil wala naman kaming inaasahang bisita dahil kakaalis lang din ng nanay ni Rian kanina bago dumilim.
Gusto ko sanang tawagin si Rian para siya ang magbukas ng pinto dahil kabilin-bilinan nito na huwag akong magpapakita sa kahit na sino dahil wala pa akong naaalala.
Ngunit, mukhang abala ito sa kusina kaya ako na ang kusang nagbukas ng pinto upang alamin kung sino ang kumakatok.Nang mabuksan ko ang pinto ay pilit kong itinago ang labis na pagkagulat ng makita ngayon sa harapan ko ang babaeng buntis na nakita ko noong isang araw sa party na nadaanan ko sa kabilang parte ng hotel kung saan din kami nagdi-dinner ni Rian. Kasama nito ang isang babae at lalaki, naalala ko ang mukha ng babaeng kasama niya na sinabuyan niya ng confetti sa mukha noong araw ng party. Sunod kong ipinagtaka ang labis na pagkamangha sa mukha ng buntis na babae nang makita ako.
Nagtama ang mga mata naming dalawa dahilan para kumabog nang mabilis ang puso ko sa hindi ko malamang dahilan."L-love?" nanginginig ang labi niyang sinambit iyon na hindi ko rin naman maintindihan kung bakit niya ako tinawag ng gano'n. Ngunit ang marinig ang tinig niya na sinasabi ang katagang iyon ay tila ba hinahaplos ang puso ko.
Wala akong maalala kaya pinilit ko ang sarili ko na itago ang emosyon at magkunwaring naguguluhan. "Sino kayo at anong kailangan niyo?" tanong ko sa mga ito.
Nakita ko ang sumilay na gulat sa mga mukha nila nang itanong ko kung sino sila, nababasa ko sa mga mata nila na mukhang kilala nila ako pero sila ay hindi ko makilala.
"Love ako ito ang asawa mo, hindi mo ba ako nakikilala? Love ilang buwan ka naming hinanap, at patuloy kaming umaasa na buhay ka." Lumapit ang buntis sa akin saka ako hinawakan sa kamay ngunit agad ko na iyong binawi, kitang-kita ko sa mga mata niya ang lungkot na tila ba gustong-gusto niya akong yakapin ngunit bahagya na akong lumayo at sunod na pagkadismaya ang nakita kong sumilay sa mukha niya. "Ako ito si Angel ang asawa mo." nagpakilala ito sa akin na nagbigay kaguluhan sa utak ko.
Sinong paniniwalaan ko? Gayung ang alam ko ay si Rian ang asawa ko.
"Hindi kita asawa." mariing itinaggi ko iyon dahilan para makaramdaman na ako ng awa sa babae, bakit parang pakiramdam ko ay labag na labag sa loob kong sabihin iyon dahil ngayon tila ba nadudurog ang puso ko habang nakikita ang napakalungkot na mga mata ng buntis na nasa harap ko.
Ikinagulat ko na ang biglang pagsulpot ni Rian at humarang na sa harap ko.
"Wala kayong mapapala rito, umalis na kayo." balisang saad nito at magmamadali na itong hinila ako pabalik sa loob at pinipilit pa niya akong sinyasan na magtago ako pero hindi ko siya sinunod.
Bago pa maisara ni Rian ang pinto ay isang sampal ang natanggap nito mula babaeng buntis."Pot*ng*na mo Marian, ano masaya ka na ba ngayon na angkinin ang asawa ko, wala kang kasing sama, baliw kang hayop ka!" galit na saad pa ng babae habang si Rian ay hindi na nakagalaw.
Marian?
Sinong Marian, eh hindi naman Marian ang pakilala ni Rian sa'kin.
Ngunit bago pa isipin iyon ay mabilis ko nang nilapitan si Rian dahil mukhang nasaktan ito ng sobra sa pagsampal ng babae sa kaniya."Hindi ikaw ang asawa ko," diretsong saad ko sa buntis. "Kaya p'wede ba kung pumunta kayo rito para manggulo umalis na lang kayo." wala sa sariling nasabi ko pa iyon upang paalisin na sila.
Ang mga katagang iyon ay labag na labag sa loob kong sinabi dahil tila ba sinisigaw ng puso ko na huwag silang umalis.
"Kuya ano bang nangyari sa'yo?" matapang nang nagsalita ang babaeng kasama ng buntis.
Kuya?
Anong ibig niyang sabihin at sino ba talaga sila, sino siya para tawagin akong Kuya. At kaano-ano ko ang buntis?Tiningnan ko ng may pagtatanong ang babaeng tumawag sa akin ng Kuya habang nakaharang na ako kay Rian.
"Bakit hindi mo kami maalala? Anong nangyari sa'yo? Ilang buwan ka naming hinanap." dagdag ng babae.
"Sino ba kayo? Sino ako?" pagtatanong ko sabay na nagkatinginan ang tatlo dahil sa tanong ko.
Biglang sumabat si Rian. "Mahal, huwag kang maniniwala sa kanila ako ang paniwalaan mo, ako ang asawa mo." pagmamakaawa nito sa akin.
"Mahal? Eh tarantado ka palang hayop ka, kailan ka pa naging asawa?" bulyaw ng buntis kay Rian sunod ay malungkot itong tumingin sa'kin. "Pol, ako ang paniwalaan mo kinidnap ka ng babaeng iyan at inilayo sa akin matapos nating ma-aksidente. Apollo Vera ang totoo mong pangalan, matagal ka na naming hinahanap. Ako si Angel ang asawa mo Love, please alalahanin mo lahat kailangan kita Love, kailangan ka ng magiging anak natin." nangingilid na ang luha sa mata ng buntis sunod akong napatingin sa tiyan nito. Kung totoo ang sinasabi niya ibig sabihin ay ako ang ama ng ipinagbubuntis niya.
"Rian anong ibig sabihin nito?" bumaling ako kay Rian na nagsimula nang umiyak at hindi na magawang makatingin sa'kin ng diretso. "Ang sabi mo sa'kin Apol Mendoza ang pangalan ko, anong kagaguhan ito? Kasinungalingan lang ba lahat ng mga sinabi mo?"
"Totoo iyon lahat ako ang asawa mo ako ang paniwalaan mo." pagmamakaawa niya.
"Hoy! Hindi ikaw ang asawa niya, Kuya baliw ang babaeng iyan binibilog niya lang ang utak mo. Marian ang totoo niyang pangalan at hindi Rian sa amin ka maniwala, ako si Mia ang kapatid mo."
"Minsan nang muntik masira ang pamilya ko ng dahil sa babaeng iyan, Kuya Pol sa amin ka maniwala matagal ka naming hinanap at kung hindi pa ako nagpa-imbistiga hindi pa namin malalaman na itinatago ka ng babaeng iyan," pagsasalita ng lalaking kasama nila.
"Paano namin mapapatunayang kami ang pamilya mo Pol?" nagtanong na si Angel. Iyon ang sinabi niyang pangalan niya eh.
Paano ko nga ba malalaman iyon kung hindi ko nga maalala ang lahat.
"Kung sasabihin mo ngayon na magsuntokan kami ng babaeng iyan, gagawin ko. Hindi ako magpapatalo dahil mas deserved kong manalo at babawiin kita sa haliparot na iyan." panghahamon niya.
Kalokohan, mukhang siya yata ang hindi nag-iisip ng matino, paano siya makikipagsuntukan eh buntis siya.
"Sira ulo, buntis ka paano ka makikipagsuntokan aber?" tanong ng nagpakilalang kapatid ko.
"Makikipagsuntokan ako kung gugustuhin ko, mabawi ko lang ang asawa ko."
"Umuwi na kayo, hindi ako sasama sa inyo. Hayaan niyo muna akong makapag-isip at kapag naalala ko na ang lahat saka ako babalik kung talagang pamilya ko nga kayo," saad ko sa kanila.
"So sinasabi mo ngayon na hindi ka naniniwala sa amin, at mas pipiliin mo ang baliw na babaeng iyan. Pol isipin mong kailangan kita, sa amin ka sumama bago pa patuloy na lasonin ng babaeng iyan ang isip mo." nakiusap na ito sa'kin.
"Babalik ako kapag nakaalala na ako."
"At paano kapag hindi, habang buhay ka na sa babaeng iyan?" malungkot na tanong nito.
"Teh tara na, walang saysay pala ang ilang buwan na paghahanap natin kung ayaw naman bumalik sa atin, hayaan na natin sila magsama ng baliw na iyan. Hindi mo deserved na ipaglaban ang taong tinutulungan na nga ayaw pa," saad ni Mia.
Sunod na nitong hinawakan si Angel sa braso at hinila na palabas ng bahay, wala na akong nagawa pa ng tuluyan silang makaalis. Muli ko na namang naramdaman ang kirot sa puso ko na madalas ay kulang na lang patayin ako sa sobrang sakit.
Napalugmok na lang ako sa sahig kasabay ng pag-unahang pagtulo ng luha ko sa mata, hindi ko rin malaman sa sarili ko kung bakit ako naiiyak kahit wala naman akong maalala.
Sino nga ba talaga ako?"Mahal, ako ang paniwalaan mo dahil ako ang asawa mo. Wala lang magawang matino ang mga iyon kaya nanggugulo." saad ni Rian o Marian, ewan ko ba kung anong totoong pangalan niya.
"Tumahimik ka na p'wede ba!" malakas kong bulyaw sa kaniya kasabay ng galit kong nararamdaman. Yayakapin na sana ako nito ngunit marahas ko nang hinawi siya sa harap ko saka ako tumayo at diretsong naglakad patungo sa kwarto at doon kinulong ang sarili ko kasabay ng pag-iisip.
BINABASA MO ANG
Castillo-Vera (Book 3)
RandomAngel Castillo living her dream life with the man she chose to marry. A perfect life had not yet an happy ending. One day they plan a vacation to celebrate their 2nd wedding anniversary, they had an accident and her husband Apollo Vera suddenly disa...