Chapter 29

0 0 0
                                    

Chapter 29 desisyon

Kyle's POV

Alas tres na ng madaling araw kami nakauwi, patuloy na naghihintay si Angel sa amin umaasang magtatagumpay kami sa plano. Pareho ring naghihintay sa amin si Lyn na siyang kasama ni Angel bukod sa lola niya.

"Mabuti naman at ligtas kayo." Salubong ni Angel sa'min habang magkatuwang kami ni Mia na binubuhat ang walang malay na katawan ni Kuya Pol.

"Lyn, tulungan mo nga muna si Audrey na ipasok si Raf." pautos na saad ni Mia kay Lyn siguradong hindi iyon kakayanin mag-isa ni Audrey.

"Bakit ano ba nangyari kay Raf?"

"Mamaya ka na magtanong Lyn tulungan mo muna," saad ko naman kaya napatango na lang si Lyn habang kami naman ay tumuloy na ng bahay sunod na inihiga namin si Kuya Pol sa mahabang sopa. Lumagpas pa nga ang mga paa nito dahil sa tangkad niya, ngunit dito muna siya pansamantala hanggang sa magising ito dahil mahihirapan kami lalo kapag inakyat pa namin ito sa kwarto.

Hindi ko na mabasa sa mukha ni Angel kung masaya ba ito o nag-aalala, habang sinuri pa niya ang kabuuan ng katawan ni Kuya para alamin kung may galos ito. Mas concern pa siya sa dinukot kisa sa'min na napagod mangdukot, hindi niya alam ang hirap na dinanas ko at nakatanggap pa ng suntok, tsk.

Sunod na pumasok sina Audrey at Lyn habang hirap na hirap sa pagbubuhat kay Raf. Kung gaano kami ka-ingat kanina na ilapag si Kuya Pol sa sopa kabaliktaran naman ang nangyari kay Raf. Dahil ibinagsak lang ng mga ito si Raf sa sahig na may makapal na carpet na parang isang walang kwentang bagay lang at patapon na.

"Hoy tao 'yan maawa naman kayo," pilit kung inawat ang dalawa kahit ang totoo wala rin naman akong pakialam, amplastic.

Kumuha ako ng throw pillow sa isang sopa at nilagyan ng unan sa ulo si Raf para maging kumportable naman ang tulog niya kahit sa sahig, kawalanghiyaan ba naman ang inuna kaya magdusa siya. Bukas na siya magsisi pag gising niya.

"Bakit ba nakatulog din ang isang ito?" nagtanong si Angel habang nakatayo ito sa pagitan ni Kuya Pol at ni Raf na nasa sahig.

"Inamoy niya ang panyo na nilagyan niya ng pangpatulog, para daw malaman kung effective ayan kita niyo naman subrang effective 'di ba." kamot ulong sagot ko saka natawa ang mga ito.

Mabigat ang katawan kong napaupo na sa isa pang mahabang sopa kung saan nakaupo si Mia, may dalawang mahabang sopa at apat na single sopa ang nakapalibot sa salang iyon ng bahay nina Angel. Malawak ang sala nila tamang-tama para sa maraming bisita.

"Bading, teka napano iyang kanang mata mo at namamaga, nasuntok ka ba?" nagtataka nang sabi ni Mia habang hinawakan pa ako sa pisngi para suriin.

Ito na nga ba sinasabi ko eh, napansin na niya siguradong bukas black eye ko na ang sunod na makikita niya.

Kinapa ko ang kumikirot sa sakit na kanang mata ko. "Ahh nabunggo lang ako sa pinto kanina kasi madilim," pagsisinungaling ko.

Mas ayos na magsinungaling kisa pagtawanan niya ako dahil sa nasuntok ako ng kapatid niya.

"Oh si Raf din namamaga ang kaliwang mata, siguradong magiging black eye ito. Pareho ba kayong nakabunggo sa pinto?" pagtatakang tanong ni Angel at unang nakapansin kay Raf dahil nasa harap niya ito.

"Ewan kung anong nangyari jan, baka nakabunggo rin siya sa pinto." maang-maangan ko habang pinipigilan ko na ang sarili kong huwag matawa dahil kagagawan ko kaya nagka ganoon ang kaliwang mata niya.

"Hindi iyan mamamaga ng ganyan kung nakabangga ka lang, sabihin mo nga nagsuntokan ba kayong dalawa ni Raf?" pagpapaamin ni Mia sa'kin.

"Gago, sinong matino ang makikipagsuntukan jan. Kung magsusuntukan man kami baka hindi lang tulog ang inabot niyan, baka tuluyan pa siyang nagpahinga habang buhay."
Tang*nang kasinungalingan Kyle ang lupet mo talaga.

Castillo-Vera (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon