Chapter 7

5 0 0
                                    


Chapter 7 - Nagdadalang Tao

Mia's POV

Alas dos ng hapon ang eksaktong oras sa orasan ng masulyapan ko iyon sa ding-ding ng kwarto. May kung ano sa'kin na hindi mapakali kahit wala naman akong nararamdaman. Balak ko na sanang lisanin ang kwarto at bumama para makapag-meryinda ay biglang tumunog ang cellphone ko. Mabilis kong binalikan ang cellphone ko na kasalukuyang nasa side table nakalapag.

Isang unregistered number ang tumatawag, pinag-isipan ko pa muna kung sino ang maaaring tumawag sa akin ng ganitong oras bago ko iyon sinagot dahil wala rin naman akong hinihintay na tawag.

Hinintay ko munang magsalita ang nasa kabilang linya bago ako sumagot.
"Hello this is Mezi from Batangas Provincial Hospital, sorry to disturb you, but this is an emergency." Pagsasalita ng nasa kabilang linya, hindi ako nakasagot at agad na kinabahan kahit wala pa namang sinasabi ang babae sa totoong pakay nito kung bakit siya tumawag.

"Isa po kayo sa VIP contact ng pasyente kaya kayo ang isa sa tinawagan namin, maaari po bang malaman kung ka-anu-ano niyo po si Mrs. Angel Vera?" tanong nito na ikatindig ng balahibo ko sa katawan.

Angel Vera? Si Angel lang naman ang kilala kong Angel pero hindi naman Vera ang apelyido niya. Ay deputa asawa na nga pala siya ni Kuya kaya Vera na ang apelyido niya ngayon.

"Hello, ako si Mia sister-in-law ako ni Angel ano ho bang nangayri?"

"Na-aksidente po siya ma'am, muntik nang malunod ngunit naagapan naman. Nasa Batangas Hospital po siya ngayon at wala pang malay."

"Ang asawa niya? Kasama niya ang asawa niya bakit kailangan ako ang tawagan niyo? Tell me ayos lang ba silang dalawa?" magkakasunod ko nang tanong rito.

"Sorry ma'am pero hindi ko masasagot ang tanong niyo, katawan lang po ni Mrs. Angel ang isinugod dito sa hospital at ang sabi ng mga awtoridad ay nawawala ang katawan ng asawa niya at hanggang ngayon ay pinaghahanap pa."

"What?" Gulat na gulat na tanong ko kasabay ng malamig na pawis sa noo dahil sa hindi ko inaasahang maririnig kong sagot.

"Maaari po ba ninyong puntahan siya, dito na lang po tayo mag-usap."

"Sige, sige pupunta ako after an hour nasa Manila pa ako at medyo malayo pa ang biyahe. Do everything para mailigtas niyo si Angel."

"Gagawin namin lahat ng makakaya namin ma'am."

Pinatay ko agad ang tawag na iyon at halos liparin ko ang taas ng hagdan sa labis kong pagmamadali para lang hanapin si Kyle.

"K-kyle!" Nanginginig ang labi kong tawag sa asawa ko dahil sa mga oras na ito labis na takot na ang nararamdaman ko dahil sa nalaman. Paano malulunod ang mga iyon, anong kalokohan naman ang pinaggagawa nila mga walang'ya naman oh pinapakaba ako ng malala.

"Babe anong problema at kung makasigaw ka naman jan talo mo pa sa bundok." Salubong ni Kyle sa'kin na kalalabas lang ng kusina kasama ang anak namin.

Napahilamos ako sa sarili kong mukha gamit lang ang mga palad ko habang ramdam ko na ang pangingilid ng luha ko sa mata. Hindi ko mahanap ang salita para isa-tinig ko sa kanya ang mga nalaman ko, nagsimula nang manginig ang mga kamay ko sa takot.

"Hey calm down, anong problema sabihin mo?" Nilapitan na ako ni Kyle sabay nitong hinawakan ang pisngi ko habang pilit akong pinapakalma.

"Kyle samahan mo'ko kailangan natin pumunta ng Batangas may nangyari kina Kuya." Tuluyang nasabi ko iyon kasabay na ng pagragasa ng luha sa mata ko.

"Iha anong problema?" sumulpot naman si Manang sa likuran ni Kyle na kakagaling lang din sa kusina. Alam ko kasing naghahanda sila ng pang miryenda namin kaya sila naririto sa kusinang tatlo ng anak ko.

Castillo-Vera (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon