Chapter 46

0 0 0
                                    

Chapter 46  bagong simula

Audrey's POV

Stress free and new beginning. Nakakatuwa rin naman talaga maranasan minsan ang ganito sa buhay. Iyong wala kang iniisip na problema habang nagrerelax na mag-isa.

I admit, I feel free right now. Para bang nararamdaman ko na nakamove on na ako totally at lumabas na sa madilim na lungga ng kahapon. Ang mga kaibigan ko masaya na ulit kaya dapat na rin akong maging masaya, hindi ko deserved makulong sa sakit na pinagdaanan ko, kakalimutan ko na iyon lahat sa nakaraan. At hihintayin bumukas ang bagong pinto ng simula.

Ganoon naman ng proseso ng buhay kapag may pintong sumara may panibagong magbubukas.

Malamim akong napabuntong hininga at ngumiti sa hangin, buti na lang at walang masyadong tao rito sa isang milktea house baka pag may nakakita sa'kin iisipin na baliw ako dahil natatawa ako mag-isa.
Kinuha ko ang milktea ko sa table saka sinipsip ito, sobrang sarap at nakakagaan sa pakiramdam ang tamang tamis at lamig noon.
Mag-isa ako ngayon, pero ayos lang iyon. Hindi ko na kailangan abalahin pa ang mga kaibigan ko para lang samahan ako dahil pare-pareho na rin naman silang mga abala sa buhay.

Masaya naman mag-isa hindi ba, parang time ko na rin ito for myself. Masaya mag-isa pero bakit tila yata may hahadlang sa kasiyahan ko. I didn't expect to see Kimbert in this place at sunod kong ikinagulat nang makita itong tinatahak ang daan papalapit sa'kin.
Naka move on na ako alam na alam ko iyon sa sarili pero nang makita ko siya ngayon para bang nagdilim ang paningin ko at gustong-gusto ko siyang saktan, mas masakit pa sa ginawa niyang pananakit sa'kin.

"Hi," mahinang tinig niya na binati ako ngunit nagkunwari akong walang narinig. At pinagpatuloy ko ang pagsipsip sa milktea ko.
"May kasama ka ba?"

Ito iyong tanong na pinaka-ayaw ko eh, kapag nalaman niyang wala akong kasama ay sasamahan niya ako, ano bang mahirap intindihin na gusto kong mapag-isa.

"Huh? Ako ba kausap mo?" kunwari ko pang tanong kahit na obvious naman dahil walang ibang tao malapit sa'kin at nasa medyo gilid na parte na rin ako ng milktea house. Medyo tahimik kasi sa part na ito kaya dito ko pinili maupo habang tanaw mula rito ang entrance.

"Can we talk? Kahit saglit lang please, I just want to say sorry for everything, pinagsisihan ko naman ang lahat eh alam kong kailangan mo'ko, please sana bumalik pa tayo sa dati." nagmakaawa siya na dahilan naman para magtiim ang bagang ko sa galit.
Pabagsak kong binitawan sa mesa ang cup ng milktea ko saka ko siya tinangnan na harap ko habang nakatayo siya at nanatili naman akong nakaupo.

"Oh yes kailangan kita, kailangan kita NOON pero hindi na ngayon... Ano pakatapos mo akong talikuran at humanap ka ng ibang putahe iniisip mo manlang ba ang mararamdaman ko. Huwag mo akong itulad sa pagkain tang*na mo, huwag mo akong itulad sa pagkain na kapag hindi ka nasarapan sa bagong putahe babalikan mo ang unang patahe. Potang*na, tama na Kim dahil kung isa ka rin namang pagkain maikukumpara kita sa tira-tira, HINDI NA AKO KUMAKAIN NG TIRA-TIRA. Sana malinaw na sa'yong ayoko na." Pinilit kong kumalma upang hindi ipahalata sa kaniya na nasasaktan ako.

Kapag sinuswerte ka nga naman, jackpot mukhang nakaisip agad ako ng paraan para lubayan ako nitong Kimbert na jerk na ito.

"Kung tinatanong mo kung may kasama ako, well yes may kasama ako, I'm with my new boyfriend, handsome than you at tanggap ako sa kung ano ako hmp." Mataray kong sabi habang nakatingin na sa isang kakilala ko na nakatayo malapit sa may entrance habang palinga-linga sa buong paligid.

"Hey, come here!" Tumayo na ako at saka tinawag ang lalaking iyon, na agad namang ngumiti ng makita ako saka naglakad papalapit.

"Hey, I'm glad to see—" hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya baka mabuko ako ni Kim na nagsisinungaling.

"He's my boyfriend, Kim. He's name is Yohan." mataray kong sabi kay Kim saka ako yumapos sa braso ni Yohan at tumingin ng makahulugan dito umaasang mauunawaan niya iyon at sabayan ang trip ko.
"Babe, he's my ex huwag kang mag-alala mas pogi ka naman sa kaniya, don't be jealous okay?" hindi ko na maipaliwanag kung anong reaksyon ang nasa mukha ni Yohan, tila ba natatawang hindi maipaliwanag.

Sunod akong bumaling kay Kim na may madilim nang awra sa mukha. "P'wede mo na ba kaming iwanan nakaka-istorbo ka kasi, may date kami eh." mataray na sabi ko saka naman ito tumalikod dahil napansin siguro nitong wala na siyang magagawa pa.

"Woah, what was that?" pigil sa tawa ni Yohan habang nagtatanong sa'kin. Makakahinga na sana ako ng maluwag dahil umalis na si Kim ngunit hindi pa pala ito tuluyang lumabas ng milktea house at naupo lang sa kabilang table tatlong agwat na mesa ang pagitan sa mesa ko.

"Yohan may kasama ka ba?"

"Wala, bakit?" nakahinga ako ng maluwag baka naman p'wedeng gamitin ko si Yohan kahit saglit lang mapaniwala lang si Kim na may jowa na ako at tuluyan na niya akong lubayan.

May pinagsamahan naman kami nito ni Yohan noong mga panahon na sila pa ni Angel kaya kilala ako nito, sana lang hindi niya ako tanggihan, si Yohan ang ex boyfriend ni Angel noon na nakabuntis kaya sila naghiwalay ni Angel hanggang sa maging endgame ni Angel si Kuya Pol.

"Wala ka naman palang kasama, p'wede bang samahan mo muna ako saglit bago ako umuwi baka kasi kapag umalis na ako abangan ako sa labas ng ex ko."

"Sure," mabilis na pagsang-ayon nito saka kami sabay na naupo. Nakatalikod si Yohan sa table ni Kim kaya ako lang ang nakikita nito.
"So, ex mo pala iyong kanina kaya ginamit mo ako?"

"Sorry, ikaw lang kasi nakita kong kakilala ko rito, 'yung ex ko kasi gusto pa makipagbalikan kaso ayoko na masyado nang masakit, kaya sorry nagamit kita para layuan niya ako." paghingi ko ng pasensya.

"Ayos lang iyon naiintindihan ko naman, by the way kumusta na? Ilang taon na rin ang lumipas na hindi manlang tayo nagkita-kita, kumusta ang mga kaibigan mo? Akalain mo nga naman sa ganitong tagpo pa talaga tayo nagkita haha." natawa ako sa sinabi niya, sa dami ng nangyari ngayon na lang talaga ulit kami nagkita ng mukong na ito. Umiwas na rin naman kasi siya sa'min dala siguro ng kahihiyan dahil nasaktan niya si Angel noon.
Hindi na rin naman pala nalalayo si Yohan sa ex ko, nagluko rin naman kasi Yohan noon kay Angel. Pero 'wag na ngang isipin past is past.

"Sobrang ayos na ng mga buhay nila, same na din sa'kin, pwera lang sa love life ko iyon ang hindi maayos, hahaha." pagtawa ko ring saad.

Napaka normal na usap na lang ang ginagawa namin, sapat na sigurong ipakita kay Kim iyon para maniwala siyang masaya na ako, nararamdaman ko kasing nakatingin ito sa gawi ko at kapag titingin naman ako ay agad siyang umiiwas para hindi ko mahuli.

"Glad to hear that, ayos lang 'yan ang mahalaga ngayon nakikita ko na masaya na kayo, ikaw mukhang masaya ka naman kahit hindi ayos ang love life, sa'kin kasi ang gulo ng love life at ng buhay ko." nagtaka ako dahil sa sinabi niya. Hindi yata okay ang buhay niya pero hindi naman halata dahil sa mga gamit niyang suot sa katawan halatang nakakaluwag na rin siya sa buhay anong hindi okay doon?

"What do you mean? Mag share ka naman ngayon na lang ulit tayo nagkita magkwentuhan naman tayo." pangungulit ko rito saka ako napasipsip ulit sa milktea ko nang mapansin na may laman pa pala ito.

Castillo-Vera (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon