Chapter 36

1 0 0
                                    

Chapter 36 regain memories

Apollo's POV

It's been a month. Tila ba mas lalo akong nagdurusa sa desisyong pinili ko at hanggang ngayon hindi nakababalik ang mga alaala ko.

Gustong-gusto kong makaalala at para na rin mahanap ang asawa ko ngunit ito pa rin ako nananatili sa sitwasyon na hindi ko alam kung paano ko malalagpasan. Ngayong buwan ang kabuwanan ni Angel sa pagkakaalam ko, ngunit wala ako roon sa tabi niya upang suportahan at alagaan siya. Gustong-gusto kong makita ang pagsilang ng sanggol na bunga ng aming pagmamahalan ngunit paano ko iyon magagawa.

Noong isang buwan kinausap ako ng nanay ni Marian at sinabi sa'kin ang lahat tungkol sa pagkatao ko at kung anong mga nangyayari bakit nila ako dinukot, kasama niyang kweninto kung anong totoong relasyon ko sa anak niya katulad ang kwento niya sa mga kwento ni Mia noong makita nila ako at sa pagkakataong iyon naunawaan ko na ang lahat, ngunit isang bagay ang hiniling niya sa akin —iyon ay ang tulungan ko siya na kumbinsihin ang anak niya na muling magpagamot at ayusin ang sarili.

Sobrang hirap. Hindi ko alam kung paano ko iyon gagawin dahil galit na ng nararamdaman ko ngayon kay Marian. Siya ang dahilan kung bakit nagagawa kong tiisin ang asawa ko na dapat ay nasa tabi niya ako ngayon dahil kailangan niya ng makakapitan sa oras na hirap na siya sa pagbubuntis. Pagkatapos ng lahat ng ito, babalikan ko ang asawa ko at hihingi ako ng tawad sa lahat ng mga nagawa ko, umaasa akong kaya niya ulit akong tanggapin sa buhay niya at kapag nangyari iyon sisiguraduhin kong hindi ako magsasayang ng oras para gampanan ang tungkulin ko sa kaniya at sa anak ko.

Bigla na lamang akong napahinto sa paglalakad ng mapansin kong may napakalambot na bagay akong naapakan.

"Potek, tae." inis kong sabi ng makitang tae ang naapakan ko na nagkalat na sa sapatos kung suot. Sino bang may alagang aso na tumae rito, hindi manlang tinuturuan ang alaga nila na huwag tumae sa daan, hayop nakakaperwisyo sa mga dumaraan.
Mamatay na ang tumae rito walang hiya.

Pilit kong ipinunas sa malapit na damo ang sapatos ko para maalis ang tae na kumapit, ngunit sobrang hirap alisin noon dahil kumapit na sa sapatos at medyo mamasa-masa ang tae.

"Bwesit na tae 'to." pinagmumura ko pa ang tae kahit wala namang kamalay-malay sa mundo. Mukhang uuwi na lang ako saka ko lalabhan ang sapatos dahil siguradong hindi ito malilinis lang sa punas-punas.

______

"Love, pag naging tae ba ako aapakan mo ako?"

Isang tinig ang narinig ko sa isip na dahilan para bigla na lamang akong natigilan... Ang tinig na iyon ay alam kong kay Angel, kasabay ng mga narinig kong iyon sa isip ay biglang sumakit ang ulo ko na tila sa sobrang sakit mabibiyak iyon.
Napaupo ako sa damuhan habang sapo ko ang ulo ko na kumikirot ng matindi. Kasabay ng tinig na iyon ay may mga imahe na lumitaw sa isip ko at kung hindi ako nagkakamali mga ala-ala iyon.

"Love, pag naging tae ba ako aapakan mo ako?"

"Anong kahayupan na naman ba iyang iniisip mo?"

"Seryoso ako, anong gagawin mo aapakan mo ba ako?"

"Malamang hindi ko aapakan, ano ako tanga nakita ko nang tae aapakan ko pa edi madudumihan ang paa ko."

"Hindi ka ba maaawa sa'kin?"

"Kapag pina-flash mo sa inidoro ang tae mo naaawa ka ba?"

"Hindi."

"Edi hindi."

"Gago asawa mo'ko hindi ka manlang maaawa sa'kin, grabe ka naman."

"Tae ang usapan, kung magiging tae ka man bukas bakit hindi pa ngayon?"

Castillo-Vera (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon