Chapter 16

1 0 0
                                    

Chapter 16 Audrey's Condition

Nari's POV

Nakikita niyo na naman ang pangalan ko? Walang iiyak!

...

Ang atensyon ng lahat ng kaibigan ni Audrey ay nasa kanya, alangan naman sa'kin.
Katahimikan ang bumalot sa pagitan ng mga kaibigan habang hinihintay na magsalita si Audrey upang sabihin kung ano man ang pinagdaraanan nito.
Ilang saglit ang lumipas ay kumalma na rin ito sa pag-iyak, kinurot ata siya ni Angel sa tagiliran para paiyakin eh sira ulo pa naman si Angel.

"Nakipaghiwalay na ako kay Kim." mahinang sambit ni Audrey saka ito nag-angat ng tingin sa mga kaibigan kasabay pa nang pagpunas niya ng sariling luha sa mata.

Si Kim na Kimbert ang totoong pangalan ay ang jowa niya na ipinakilala niya noong araw ng kasal nina Angel, akalaing mong umabot din pala sila ng dalawang taon kumpara sa iba jan na hindi nagtagal. Maswerte na si Audrey na umabot sila ng dalawang taon, ganoon naman talaga ang buhay walang forever ika nga.

"Sa lagay na iyan ikaw pa talaga nakipaghiwalay, ang angas mo naman." Pang-aasar ni Rafael Palma.

Mas ma-agas pala pangalan nitong si Raf ito kaya sunod kong gawing lalaki.

"Anong dahilan Drey?" sunod na tanong ng Bading ni Mia sabay umiling lang si Audrey na tila hindi niya mahanap ang sagot sa tanong na iyon.

"Ikaw ang nakipaghiwalay? Teka wala ka naman naku-kwento na may problema kayo bakit biglaan naman yata?" sunod-sunod na tanong naman iyon ni Lyn.

Naghintay ulit sila ng ilang sandali na sabihin ni Audrey ang totoong dahilan niya kung bakit siya nakipaghiwalay. Siguro ay na-realise ni Audrey na ready na siyang maging letson at kumagat ng mansanas habang sentro siya ng atensyon ng lahat at takam na takam sa katawan niya. Mas exciting siguro iyon kisa sa pagjo-jowa na iiwanan ka rin naman sa iri.

"May sakit ako." Malungkot na saad ni Audrey sa mga kaibigan na sinasabing may sakit siya, gulat ang sumilay sa mukha ng mga kaibigan nito na hindi pa alam ang tungkol sa kalagayan ni Audrey.

"Anak ka ng potek, nagbibiro ka lang hindi ba?" halos mapasigaw sa gulat si Angel na kasalukuyang nasa tabi ni Audrey.

"H-hindi." mistulang mababasag ang tinig na sambit nito para sabihin hindi siya nagbibiro.

"Kailan ang libing?" dahil hindi nagbibiro si Audrey si Angel ang nagbiro.

Sunod na sumalubong ang kilay ni Audrey saka nabatukan si Angel na nasa tabi niya, wala siyang pakialam kahit na buntis ang kaibigan deserve ni Angel na mabatukan.

"May demonyo pa palang natitira sa katawan mo akala naman namin lumayas na."

"Katulad din ng sabi niyo, namahinga lang sila pansamantala at bigla na lang silang susulpot kapag kailangan." pigil sa tawang ani ni Angel.

"Pero Audrey ano seryoso ka ba talaga, bakit hindi ka nagsasabi sa'min?" tanong ni Mia.

"Anong sakit mo sis?" sunod na tanong ni Rafael Palma.

"Mayroon akong polycystic ovary syndrome, PCOS ang kilalang tawag mahirap akong makabuo ng anak. Pilit kong ipinaunawa kay Kim ang lahat ngunit mukhang nakikita niya sa akin na hindi ako deserved maging Ina ng magiging anak niya. Matapos kong sabihin sa kaniyang may sakit ako tuluyan na siyang nanlamig sa'kin hanggang sa nahuli ko na rin siyang may kausap na ibang babae sa phone kahit na ako ang kasama niya." pagkukwento ni Audrey sa mga kaibigan habang pinakikinggan naman siya ng mga ito.

"Isang lalaki na naman ang nagwagayway ng red flag, buti na lang talaga bakla ako." Pilit na nagbiro si Rafael Palma sa mga kaibigan ngunit walang tumawa.

"Botong-boto pa naman kami sa Kim na iyon kasi akala naman namin ikaw na sunod na ikakasal walang'ya talaga." kumento naman ni Mia.

"Pinilit ko rin naman mag-stay sa relasyon namin eh, ngunit hindi ko na kinaya. Pang-unawa at pagtanggap ang kailangan ko sa kaniya ngunit hindi manlang niya nagawa iyon sa'kin," saad ni Audrey habang nag-uumpisa na naman mangilid ang luha nito.

"Kailan mo pa nalaman na may sakit ka?" sunod na nagtanong si Kyle.

"Mahirap matukoy ng mga Doctor ang ganitong sakit, 25 pa lang ako nag pa-check na ako tungkol sa lagay ko dahil lagi akong irregular period, limang buwan na ang nakalilipas ngayong taon doon ko nalaman na may polycystic ovary syndrome ako."

"Anak ng putsa matagal na pala bakit hindi ka manlang nagsabi sa'min." sermon ni Angel.

"Wala naman talaga akong balak sabihin sa inyo eh, gusto kong mamuhay ng normal kagaya ng sa inyo at walang iniisip na sakit kaya inilihim ko. Ayaw ko na rin dumagdag pa ako sa iisipin ninyo imbis na nagsasaya kayo sa binubuo ninyong pamilya, ayoko na sanang sabihin iyon kasi gusto ko manatiling normal ang lahat at walang magbabago kung paano niyo ako asarin na mataba kahit ang totoo ay mataba ako dahil sa sakit ko. Hindi ito normal na taba lang dahil sakit ito guys, kung paano niyo ako asarin dahil sa body figure ko paulit-ulit doble ang panglalait ko sa sarili ko dahil umaasa ako na sana wala ang letseng sakit na ito, gustong-gusto kong maranasan na magkaroon ng katawan na kagaya ng kay Mia na kahit nanganak na hindi pa rin nagbabago, kagaya kay Lyn at kagaya sa'yo Angel na kahit buntis na hindi pa rin masyadong tumaba. Gusto ko pero hindi ko maranasan, subrang hirap na kahit ako sinisisi ko ang sarili ko noon na hindi ako pumapayat ngunit dahil pala sa sakit ko kaya mas lalong nadadagdagan ang timbang ko.

Paulit-ulit kong sinisisi ang sarili na kaya baka hindi ako nakatatagpo ng tamang tao ay dahil sino naman ang magmamahal sa kagaya ko na mataba, hinintay ko si Kim na makiusap sa akin para huwag kaming maghiwalay ngunit mali ako dahil hinihintay na lang pala niya na ako ang kusang sumuko sa relasyon namin dahil nakahanap na siya ng mas deserve kisa sa kagaya ko." Nagsimula na naman ulit maluha si Audrey habang hindi na nakapagsalita ang mga kaibigan nito dahil sa nalaman.

"Kaya pakiusap ko sana sa inyo ngayon kalimutan ninyo ang araw na ito, kalimutan ninyo na sinabi ko ito, kalimutan ninyong lahat na may sakit ako kasi gusto ko ng normal na buhay. Huwag niyo akong idagdag sa mga iisipin niyo, lalo ka na Angel." Malungkot na tumingin si Audrey kay Angel habang lungkot na rin ang makikita sa mga matang iyon ni Angel. Lungkot para sa kaibigan na hindi niya alam kung paano niya matutulungan.

"Manatili kang matatag para sa magiging anak mo mas kailangan ka niya, huwag ninyo akong isipin dahil sobrang ayos lang ako guys." Mapait pa itong ngumiti sa harap ng mga kaibigan.

"Magpagamot ka Drey," saad naman ni Kyle.

"Anim na buwan ang gamutan kung gusto kong magka-anak, pero hindi noon maaalis ang sakit ko."

"Oh atleast pwede ka pa magka-anak."

"Ayoko na gumastos pa ng malaki dahil pagod na rin naman ako umaasa na may tatangggap sa'kin." pinilit ni Audrey na maging masigla ang tinig niya ngunit nabigo pa rin ito dahil mistulang mababasag ang tinig niyang iyon habang nagsasalita siya.

"Sis naman nakakaloka ka eh." Naiiyak nang lumapit si Raf kay Audrey saka niya niyakap ang kaibigan.

Naiisip siguro ngayon ni Rafael Palma na wala na siyang aasaring baboy dahil alam na niya ang kondisyon ng kaibigan. Malungkot silang dinamayan si Audrey at sabay-sabay silang group hug, pilit nilang gagawin ang sinabi ni Audrey na kalimutan na may sakit siya ngunit sa pagkakataong ito hindi maaalis sa mga kaibigan niya ang mag-alala.

"Bakit naman ang dadaya ninyo, nung ako ang nangangailangan ng yakap kasi malungkot ako kawalanghiyaan lang ang ginawa niyo pero kay Audrey ramdam-ramdam ang pagdamay niyo mga wala kayong silbi lahat, wala manlang kayong naitulong sa'kin." Pagrereklamo na ni Angel sa mga kaibigan.

"Si Audrey ang mas nangangailangan ng pagdamay kaya mo na rin naman pasayahin ang sarili mo 'di ba, tumatawa ka nga mag-isa eh." singhal ni Mia.

Castillo-Vera (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon