Chapter 19

1 0 0
                                    

Chapter 19 nakalimot

Someone's POV

3:00 am nang tingnan ko ang oras sa isang orasan na makikita sa side table ng kama, umiilaw iyon sa dilim kaya madali kong nakita. Subrang bigat na naman ng pakiramdam ko at tila ba nalulungkot na naman ako sa hindi ko maipaliwanag na dahilan. Madalas akong nagigising ng madaling araw sa parehong oras at sa parehong pakiramdam na tila ba nagluluksa ang puso ko at nangungulila sa isang tao ngunit hindi ko maalala kung sino. Nananabik ako sa kanyang mga yakap ngunit ang isipin iyon ay nagdudulot sa akin ng matinding sakit.

Tumayo ako mula sa kamang kinauupuan ko, nararamdaman ko ang mga balikat ko na subrang gaan at sa sobrang gaan masakit.

Malamyang ilaw na nagmumula sa lamp shape sa tabi ng kama ang tanging nagbibigay liwanag sa buong silid saka ko sinulyapan ang himbing na natutulog na asawa ko. Yakap ni Rian ang nararamdaman ko pagtulog sa gabi at paggising sa umaga ngunit, ang yakap niyang iyon ay hindi manlang ako makaramdam ng init. Subrang lamig noon sa pakiramdam na hindi ko malaman kung bakit, gusto kong maramdaman iyong pakiramdam ng yakap na gagawing panatag ang pagtulog ko sa gabi ngunit hndi ko iyon madama sa kaniya.

Nararamdaman kong may mali eh, ngunit hindi ko alam kung paano ko itatama, hindi ko alam kong paano ko hahanapin ang sarili ko dahil nagising na lang ako isang araw na wala na akong maalala sa lahat kahit pa mismong pangalan ko ay nakalimutan ko na. Pilit kong pinaniniwalaan ang mga sinasabi niya, ngunit hindi matanggap ng puso ko ang totoo dahil kahit anong gawin ko hindi ko maramdaman ang sinasabi niyang nagmamahalan kami.

Isang buwan na akong ganito matapos kong magising isang araw sa hospital matapos ang ilang buwan na pagkaka-comatose. Mula ng magising ako ay wala na akong maalala sa lahat ng nangyari, kahit pa pamilya at kaibigan ay wala akong matandaan. Tanging sinabi ni Rian sa akin ay siya ang asawa ko at dalawang taon na kaming kasal, hindi ko na siya pinilit sa sabihin sa akin ang iba pang impormasyon sa akin dahil sabi niya ay hayaan ko raw ang sarili ko na kusang makaalala at hindi makatutulong sa akin kapag agad niyang kwinento ang lahat kaya hinayaan ko na lang muna.

Kahit naman siguro ikwento niya lahat sa akin ay hindi ko pa rin naman maaalala kaya wala paring saysay iyon lahat. Ngunit, habang lumilipas ang araw ay mas lalo lamang lumalala ang nararamdaman ko dahil kung talaga ngang siya ang asawa ko bakit hindi manlang ako makaramdan ng saya kapag siya ang kasama ko, kahit naman siguro hindi makaalala ang isip ko siguro naman mararamdaman iyon ng puso ko eh, pero hindi. Wala akong maramdaman ni katiting na pagmamahal sa kaniya, at patuloy nangungulila ang puso ko sa iba.

Matapos kong lisanin ang silid ay dumiretso ako sa labas ng bahay upang makalanghap ng sariwang hangin, nakakatawa marahil itong ginagawa ko dahil alas tres na ng madaling araw ay nagawa ko pang tumitig sa maliliwanag na bituin sa langit. Mas nadagdagan ang bigat sa loob ko na kalaunan ay nagdudulot na sa akin ng sakit, gustong-gusto ko makaalala ulit pero hindi ko alam kong paano ko sisimulan.

Mula sa pagtitig sa mga bituin ay binalot ako ng lamig ng hangin, mas tumindi ang kirot sa puso ko hanggang sa hindi ko na lang namalayan na lumuluha na ang mga mata ko. Tila ba may sariling buhay ang mga luhang iyon na kusa na lang rumagasa sa mga mata ko.

Kumikirot ang puso ko pero hindi ko alam kong bakit, ito iyong sakit na mararamdaman emosyonal na hindi madadala ng kahit anong gamot pa ang inomin ko. Napabagsak ako ng upo sa damuhan ng bakurang iyon at niyakap ang sariling tuhod ko habang patuloy na lumalandas ang mga luha ko sa mata. Bakit ganito ka sakit habang lumilipas ang araw lalo lamang nadadagdagan ang kakaibang pakiramdam sa puso ko, kailan ba ito matatapos?

Nasa ganoon akong sitwasyon ng maramdaman kong may biglang yumakap mula sa likuran ko, hindi na ako magtataka kung sino iyon dahil alam ko na ang sagot. Nagpatuloy sa pagluha ang mga mata ko at kahit na anong gawin kong pagpigil doon ay hindi ko parin magawang pigilan.
Mas naramdaman ko ang paghigpit ng yakap niya ngunit imbes na gumaan ang pakiramdam ko ay hindi manlang noon nabawasan ang sakit na nararamdaman ko sa loob, tila mas nadagdagan lang ang kirot noon dahil sa pagyakap niya sa akin.

Parang gusto ko na lang siyang itulak papalayo sa akin at hayaan na lang niya akong mag-isa ngunit alam kong masasaktan ko rin ang damdamin niya kapag ginawa ko iyon kaya hinayaan ko na lang itong yakap ako. Nararamdaman kong ginagawa niya ang lahat para matulungan ako sa pinagdaraanan ko kaya hangga't maaari ay pinipilit kong huwag iparamdam sa kaniya ang sakit na nararamdaman ko ngayon.

"Ang sakit sakit na," humihikbing ani ko sa kaniya habang nananatili itong yakap ako.

"Tahan na mahal, malalagpasan mo rin ang lahat ng ito nandito lang ako ah," tugon niya sa akin.

Ni hindi manlang niya inalam kung anong masakit sa akin kahit na sinabi kong ang sakit sakit na. Nararamdaman kong alam na niya ang dahilan kung bakit ako nagkaka ganito ngunit hiyaan lang niya ako at hindi manlang sinasabi sa akin ang dahilan upang maunawaan ko kung bakit ako nangungulila sa isang tao kahit na siya ang asawa ko.

Lumipas ang ilang sandaling iyon ngunit hindi humupa ang sakit sa puso ko, pinilit ko na lang na magmukhang maayos upang huwag na rin mag-alala si Rian sa akin. Ilang sandali pang lumipas bago kami bumalik ulit sa loob ng bahay at muling ipinagpatuloy ang pagtulog.

Nari's POV

Lumuluha na naman ang mga mata ni Angel dahil nararamdaman na naman niya ang matinding lungkot kasabay ng pangungulila sa asawa niya, mag-isa siyang nakahiga sa kamang dati rati ay dalawa sila, mas dumagdag sa lungkot niya ang katahimikan ng silid na iyon. Nagising siya ng madaling araw sa hindi niya maipaliwanag na dahilan.

Yakap ang sariling unan, doon niya ibinuhos lahat ng luha niya sa mata na hindi niya alam kung kailan huhupa.
Nanatili parin siyang umaasa na makikita ang asawa, kahit buwan na ang lumipas na wala paring Apollo na bumabalik o mas madaling sabihin na hindi parin ito nahahanap.
Lingid sa kaalaman niya na masaya na si Pol sa iba, masaya nga ba talaga? Ewan 'di ko rin alam gagi.

Pilit kinalman ni Angel ang sarili mula sa pag-iyak dahil alam niya na baka makasama ito sa sanggol na nasa sinapupunan niya kaya hangga't kaya niya ay pipilitin niyang maging maayos para sa anak niya.

"Sana isang araw gumising akong may amnesia na, gusto kong kalimutan na lang lahat pati na ang sakit na pinagdaraanan ko." Nasambit pa nito bago muling ipinikit ang mga mata at muling natulog matapos paliguan ng mga luha ang unan.

Kinabukasan ay balik si Angel sa dati niyang gawi, pilit ngingiti sa harap ng ilan kahit ang puso niya ay subrang lungkot. Kahit sino naman siguro ay ganoon ang gagawin, pilit magkukunwari para lang huwag siyang kaawaan ng lahat. Kilala siyang demonyita ng mga kaibigan niya kaya pilit niyang pinapanatili sa dati ang sarili niya kahit na hirap na hirap na siya sa ganoong lagay. Pilit pinapaunawa niya sa sarili niya na kaya niya at kakayanin niyang maghintay kahit na mamuti pa ang buhok niya ay hihintayin niya parin si Pol.

Castillo-Vera (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon