Chapter 26 I want Apollo back
Mia's POV
Simula pa kagabi nang makauwi kami ay hindi ko na nakausap si Angel. Buong oras ng byahe namin kagabi pauwi ay hindi na ito umimik pa ramdam na ramdam kong pinipilit niya ang sarili niyang itago ang sakit para lang hindi namin makita.
Nagsisisi talaga akong sinama ko agad siya, sana ay inalam na muna namin ni Kyle ang lagay ni Kuya bago namin sinabi kay Angel. Alam kong sobrang sakit para sa kaniya na harap-harapan sasabihin ni Kuya na hindi siya ang asawa nito.
"Bading, samahan mo nga ako." inaya ko na si Kyle dahil hindi na talaga mapanatag ang loob ko na hayaan lang si Angel na sarilinin ang problema niya, alam kong hindi ito okay ngayon.
"Saan?" tanong naman ni Kyle.
"Kausapin natin si Angel," sagot ko saka ito hinila na para piliting samahanan ako. Wala nga itong nagawa kaya sabay naming tinungo ang kabilang bahay.
Ang Lola ni Angel ang naratnan namin at sinabing simula daw nang umuwi kami kagabi ay hindi pa lumalabas ng kwarto si Angel.
Kaya agad na kaming dumiretso ni Kyle na tumungo sa kwarto ni Angel upang alamin ang lagay nito.Pagbukas ko ng kwarto ay nakabukas ang TV niya na siyang nagbibigay ingay sa silid at isang nakakatawang palabas ang mapapanood doon, ngunit kahit nakatatawa ang pinapanood niya at laking gulat namin na mugto ang mga mata niyang iyon at alam kong dala iyon ng matinding pag-iyak.
.
.
Angel's POVLiningon ko sina Mia at Kyle na siyang pumasok sa kwarto ko ngunit hindi ako nagsalita hanggang sa tumuloy ito at lumapit sa akin na kasalukuyang nakaupo sa kama. Pansin ko ang gulat sa mga mata nila ngunit hindi na ako magtataka dahil sigurado akong nakikita nila ngayon ang halos nangingitim ko ng eye bags at magang mata dahil sa pag-iyak.
Magdamag akong umiyak ng makauwi kagabi, pag-iyak na lang ang alam kong gawin para alisin ang sakit sa loob ko ngunit hindi sapat iyon, hindi sapat iyon dahil hindi manlang gumaan ang pakiramdam ko.
Naupo si Mia sa dulong bahagi ng kama habang si Kyle naman ay hinila ang isang upuan sa may tapat ng salamin at inilapit sa kama saka siya naupo. Hinayaan namin na magpatuloy ang masayang palabas sa TV na kanina ko pang pinapanood ngunit hindi nakagaan ng pakiramdam ko.
"Parang ayaw ko nang isilang ang sanggol na nasa sinapupunan ko ngayon." malamig na sambit ko saka ako napayuko habang nakasandal na ang likod ko sa headboard ng kama.
"Sira ulo, hindi mo kayang pigilan na lumabas iyan,kapag araw na niya lalabas at lalabas iyan sa ayaw at sa gusto mo," saad ni Kyle. Ramdam kong gusto niya akong singhalan sa sinabi niya ngunit pinilit niyang kinalma ang sarili niya na hindi makapaniwala sa sinabi ko.
"Oh purke ba gusto niyang lumabas lalabas na siya agad, paano kung ako ang masusunod na hindi ko siya ilalabas. Gagawin ko iyon, kung pwede nga lang ipapanganak ko siya kapag college na siya para bawas gastos." pilit akong natawa baka matawa rin sila pero kunot noo ang nakita ko sa dalawa.
"Puro katinuan 'yang laman ng utak mo! At talagang naisip mo pa 'yun." panunupalpal ni Mia.
Mapait akong napangisi bago ako muling nagseryoso. "Ayaw ko na... ayaw kong maranasan ng anak ko kung gaano kasakit ang ipinaranas sa akin ng mundong ito." mabigat ang loob kong sabi.
"Teh wala kang magagawa, kahit anong gawin mo hindi mo maiiwasang mamumulat siya sa mundong ito kasi ganoon ang proseso ng buhay," saad pa ni Mia.
Malalim akong napabuntong hininga bago muling nagsalita na hindi tumitingin sa dalawa. "Babae ang anak ko, natatakot ako para sa kaniya. Bilang babae ranas na ranas ko ang hirap, sakit at pagkadurog. Ayaw kong maranasan niya iyon na kapag dumating iyong araw na matututo siyang magmahal mararanasan niyang masaktan ng lalaking pinili niyang mahalin. Sobrang sakit noon."
Sabay na bumuntong hininga ang dalawa.
"Masakit? Oo masakita talaga. Masakit sa ngayon pero lahat ng sakit ay parte ng pagmamahal Angel, kapag nasasaktan ang isang tao iyon ay dahil nagmamahal siya."
"Litsing pagmamahal iyan Kyle, matatawag mo bang pagmamahal kung dulot naman nito ay parusa. P-pinaparusahan ako ng litsing pagmamahal na iyan." mistulang mababasag ang boses ko ngunit kinaya kong sambitin ang mga salita hanggang sa kusa na namang tumulo ang luha ko.
"Nangako si Pol sa akin na hindi na niya hahayaang bumalik ako sa dating madilim na pinagdaanan ko ng dahil sa litsing pagmamahal na iyan, inalis niya ako sa madilim kong mundo at ipinakita sa'kin ang maliwanag na parte nito. Akala ko magtutuloy-tuloy na pero ang taong nag-alis sa akin sa madilim na parte ay siya rin palang magiging dahilan para muli na naman akong bumalik sa kadiliman na tanging sakit ang ipinaparanas sa'kin... Potangina... nakakapagod ang pagmamahal, potanginang pagmamahal na iyan. Pinaparusahan ako ng potanginang pagmamahal." tuloy-tuloy kong mura umaasang sa paraang iyon makakaya kong ilabas lahat ng sakit.
"Teh tama na please, kayanin mo para sa baby mo." pilit akong pinakalma ni Mia saka ito lumapit sa akin at marahang hinaplos ako sa balikat.
"Mia sobra nang sakit, pagod na pagod na akong maging malungkot... ilang buwan akong nangulila sa kaniya ngunit mas madudurog pa pala ako lalo nang harap-harapan niyang sinabi sa'kin na hindi niya ako asawa. Kahit katiting na alaala ay wala manlang siyang matandaan tungkol sa'kin."
Mula sa marahang paghaplos ni Mia sa balikat ko ay sunod ako nitong niyakap, saglit lang ang lumipas ay kumalas siya sa pagkakayakap sa'kin saka ako hinawakan sa kamay at nagsalita.
"Teh gusto ko mang matulungan kang alisin lahat ng sakit sa puso mo pero hindi ko rin alam ang gagawin, kapatid ko pa mismo ang dahilan ng lahat ng ito. Hindi ko malaman kung sino ang kakampihan ko. Sa ngayon hayaan na muna natin si Kuya na maalala niya ang lahat tungkol sa inyo, ang hirap ng sitwasyon niya ngayon, nakita rin natin kung papaano siya naguguluhan sa mga nangyayari at ikinabigla niya ng bigla tayong sumulpot doon. Hayaan na muna natin siya dahil sa ngayon nasisigurado kong hindi alam ni Kuya ang lahat ng ginagawa niya. Nilalason ng babaeng iyon ang utak niya kaya ang kailangan nating gawin ngayon ay hayaan na kusang maalala niya ang lahat kung talaga ngang nakalimutan niya tayo," mahabang saad ni Mia.
Napailing ako. " Nauunawaan ko naman, pero kasi paano kapag patuloy na kasinungalingan ng baliw na babaeng iyon ang paniwalaan niya, Mia paano pag hindi na siya makaalala?"
"Kung sakaling hindi nga siya makaalala, p'wes gumawa tayo ng paraan para makaalala siya. Tayo naman ang dumukot sa kaniya at tuluyang ilayo siya kay Marian." Lumiwanag ang mukha ko sa sinabing iyon ni Kyle.
"Isa ka pang sira ulo." sunod na binato ni Mia ng unan ang asawa na agad naman nasalo ni Kyle.
"I agree, tama si Kyle kung hindi natin mapilit na bumalik si Pol aagawin natin siya sa baaeng 'yun dahil hindi na nag-iisip ng tama ang babaeng, 'yun ipakukulong ko siya," sigunda ko.
"Isa pang sira ulo," sunod na napatampal na lang si Mia sa noo niya. "Kailan pa naging solusyon sa problema ang pangdudukot ng tao mag-isip nga kayo."
"Walang masama kung gagawin natin iyon, unang-una mas may karapatan tayo kay Pol kasi tayo ang pamilya niya. Gagawin ko ang lahat para bumalik siya sa'kin sa lalong madaling panahon bago ako manganak."
"Mia isipin mo mas kailangan ni Angel si Kuya Pol, tanging tulong na magagawa natin kay Kuya Pol ay ang ilayo siya sa babaeng 'yun dahil mukhang kabaliktaran ang kinekwento niya kay Kuya kaya hindi ito makaalala. Tatlong buwan na tayong naghahanap at sa loob ng tatlong buwan na iyon kung naalala man niya tayo sana ay nakabalik na siya pero hindi."
Napatango-tango pa ako bilang pagsang-ayon sa sinabi ni Kyle. Mahigit tatlong buwan akong nasasaktan, nangungulila at umaasang mahahanap namin si Pol ng buhay pero sa mahigit tatlong buwan na iyon si Marian pala ang nagdidiwang sa piling niya habang nalulunod ang sarili ko sa lungkot.
Pagod na akong maging mabait, babawiin ko ang asawa ko kahit sa marahas na paraan. Ayoko na at pagod na akong maranasan paulit-ulit ang lungkot. Hindi ako makakapayag na hindi makabalik si Pol sa akin bago ako manganak.
I want my husband back. I want Apollo back.
BINABASA MO ANG
Castillo-Vera (Book 3)
RandomAngel Castillo living her dream life with the man she chose to marry. A perfect life had not yet an happy ending. One day they plan a vacation to celebrate their 2nd wedding anniversary, they had an accident and her husband Apollo Vera suddenly disa...