Chapter 27

0 0 0
                                    

Chapter 27 dukutin si apollo (part 1)

Kyle's POV

"What's on your mind, Kyle? Sa daming paraan para makatulong, anong katinuan na naman ba iyang naisip mo. You know it's to dangerous, hindi ko yata makalilimutan noon ang ginawa mo na inilihim mo sa amin ang mga plano mo at muntik nang mapahamak ang mag-ina mo sa kamay ni Shane, are you out of your mind!" Nailayo ko pa sa tainga ko ang phone sa lakas ng sermon ni Mom sa'kin.

Sobrang gulat niya ng sabihin ko sa kaniya ang plano namin na dudukotin namin si Kuya Pol para ilayo kay Marian. Halos mabasag ang eardrum ko sa panenermon nito.

Kahit naman kumuntra siya hindi na mababago ang plano namin, tuloy na tuloy na ito. Wala rin naman silang mamagawa dahil nasa ibang bansa sina Mom kaya puro sermon lang ang kaya nilang gawin sa'kin.

Kahit nasa malayo sila ay alam na alam nila ang mga nangyayari sa amin, simula pa noong mawala si Kuya Pol. Naikukuwento ko sa kanila lahat dahil iyon na lang ang magagawa ko, wala rin kasi silang oras para umuwi dahil sa sobrang abala sa trabaho.

"Stop that Kyle, itigil mo ang pinaplano mong gawin baka lumala lang ang sitwasyon. If he had temporary amnesia hindi magtatagal maaalala niya lahat hindi niyo ba kayang hintayin na lang na makaalala si Pol at kusang bumalik kay Angel?"

"How long, Mom?" tanong ko ngunit hindi na nakasagot si Mom.

"3 months na lang manganganak na si Angel, gustong-gusto niyang bumalik si Kuya Pol sa kaniya bago siya manganak."

"Then, think other way. Hindi 'yung sapilitan ninyong dudukotin ang tao. That's kidnapping p'wede kayo makulong."

"Hindi naman kami magpapahuli." pagbibiro ko na siyang ikinabuntong hininga ni Mom sa kabilang linya kasabay noon ay ang hagikgik na tawa ng mga kasama ko, alam na alam na nila kapag kawalanghiyaan syempre sinong gugustuhin na mahuli ng pulis.

"Are you out of your mind?!"

"Just kidding Mom, sige na po ibaba ko na pag-iisipan ko na rin ang sinabi niyo."

"Siguradohin mo lang Kyle."

Pinatay ko na ang phone bago pa ako patuloy na masermonan ni Mom, sana pala hindi ko na sinabi sa kaniya ang totoong plano ko. Mas exciting siguro pag kami lang.

Pero kahit sermonan pa niya ako tuloy ang plano dahil nandito na kami ngayon sa may likod ng bahay ni Marian kung saan naroon din si Kuya Pol. Kaming apat nina Mia, Audrey at Raf ang magkakasama ngayon at itinuloy ang plano. Kapag planong kawalanghiyaan present sila lagi napaka-supportive naman talagang kaibigan jusko. Buti na lang at hindi na nagpumilit si Angel na sumama baka mas lalong mapurnada ang plano kapag kasama ang isang iyon, naiwan si Lyn na kasama niya habang hindi naman alam ng mga magulang ni Mia ang mga pinaggagawa namin. Balak namin sabihin kapag nagtagumpay na kami.

Walang ingay kaming bumama ng kotse upang walang makapansin sa'min, madilim ang likod bahay kaya sana lang walang makakita sa'min dahil balak din namin dumaan sa likod na pinto.

"Kailangan ba talaga naka costume pagnangdudukot ng tao?" aburidong saad ni Audrey.
Kanina pa siya nagrereklamo sa suot niya dahil alam namin na sobrang sikip na sikip sa bawyang niya ang leader pants na suot niya pilit na nga lang sigurong kumakapit ang zipper nito at isang maling kilos baka pumutok na. Si Raf kasi ang naka-isip nitong mga suot namin, pare-pareho kaming naka-itim na damit at pantalon kasabay pa ng combat shoes na animo'y mga bihasa na agents kahit mga wala namang mga alam.

"Ganoon ang mga assassin sis may costume para maangas," sagot ni Raf.

"Assassin ang pota." singhal ni Audrey. "P*tang*na anong klaseng assassin ka bakla, may nalalaman ka pang assassin kulang ka naman sa tulog."

"Anong kinalaman ng assassin sa tulog ko aber?"

"Assassin na kulang sa tulog." pang-aasar ni Audrey.

Bago pa magrambol ang dalawa ay magkasunod ko na itong binatukan. "Mga walang'ya ang iingay niyo naman pag may nakarinig sa'tin dito susupalpalin ko talaga kayo."

"Kapag mangingidnap pala kailangan muna mag asaran, ang lupit ah. Huwag mo na kasi pansinin iyang suot mo Audrey ang cool nga eh, para kang ninja turtle." pang-aasar ni Mia dahilan para hindi na kami makapagpigil at natawa na lang bigla.

"Mas maaayos na sana kung assassin na lang eh, pero ang ikumpara sa ninja turtle ay sadyang nakakapot*ng ina, huwag niya naman ipamukha sa'kin na malaki katawan ko, mga hayop." iritadong saad ni Audrey.

"Tama na iyang pagtatalo niyo bilisan na natin." Nauna na ako sa paglalakad at lumabas sa medyo madilim na parte na pinagtataguan namin.

Hindi ko alam kong anong oras na dahil halos dalang oras na siguro kaming nandito sa may likod ng bahay habang nakasakay sa kotse. Hinintay kasi namin na mamatay ang ilaw sa loob ng bahay sinyales na tulog na ang mga tao sa loob bago kami pumasok.

Papalapit na sana kami sa likod bahay kung saan naroon ang pinto na papasokin namin ay bigla na lamang kaming nakarinig na malakas na ingay na lumagabog sa lupa. Sanay na rin ang mata namin sa dilim kaya hindi na mahirap makita ang paligid para sa amin. Sabay-sabay kaming napalingon sa ponagmulan ng ingay at halos humagalpak kaming tatlo nina Raf at Mia nang makita si Audrey nakasubsob ang buong katawan sa maalikabok na lupa.

"Makapang-asar ka naman na assassin na kulang sa tulog, ikaw nga lampang assassin." mahinang saad ni Raf habang pigil na pigil ang tawa.

"Bakit hindi niyo naman kasi agad sinabi na may nakaharang na bato sa daan, pota ang sakit ng balakang ko. Hirap na hirap na nga ako dito sa suot ko nadagdagan pa." atungal ni Audrey habang pinipilit ang sarili na tumayo.

"Sa dilim ng lugar na ito makikita ba namin na may bato sa daan mo eh wala naman kaming makita." tugon ni Mia.

Doon kami tuluyang natawa ng mas malala pa sa inaasahan ko ng makitang pumutok na ng tuluyan ang leader pants na suot ni Audrey. Jusme nakakaawa ang pantalon.

Sa tagiliran nagmula ang punit pababa sa binti niya ngunit kahit anong reklamo ang gawin niya wala na siyang magagawa pa dahil wala rin naman siyang pamalit.

"May tao ba riyan?" tinig ni Kuya Pol ang narinig namin na mukhang nasa likod bahay, sunod naming narinig ang mga hakbang nito.

Mabilis kaming napakaripas ng takbo upang magtago sa parteng may mga puno para hindi niya kami makita, ganoon na lamang din ang pigil namin ng tawa nang magawa ni Audrey makakariapas ng takbo kahit masakit ang balakang niya.

"May tao ba riyan?" ulit na tanong ni Kuya Pol, mukhang malapit lang ito sa'min. Sadyang napakadilim ng paligid kaya hindi namin ito makita.

"Meowww meoowwww." ginaya ni Audrey ang tunog ng pusa para lang hindi kami mahuli habang kaming tatlo nina Mia ay pigil na pigil na ang tawa. Ang pag meow kasi ni Audrey ay tila ba dumadaing ng matinding sakit.

Sunod na papalayong yabag ang narinig namin mukhang bumalik na si Kuya Pol sa loob ng bahay.

"BWHAHAHA. Anong klaseng pusa ka naman niyan? Aarte ka na nga lang hindi pa kapani-paniwala. PARA KANG PUSANG KINAKAGAT NG LANGGAM SA PUKE." maraing saad ni Raf at doon na kami napahagalpak sa kakatawa.

"Subrang sakit ng balakang kong hayop ka, magtigil ka at baka bangasan ko iyang mukha mo." Nagpatuloy kami sa tawa na pinipilit na lang namin hinaan dahil baka may makarinig.

"Teka iyon na ang dudukutin natin 'di ba? Bakit hindi pa natin dinakip, bakit pa tayo nagtago?" sunod-sunod na tanong ni Mia.

Nabatukan ko pa si Raf. "Tang*na oo nga, Raf sundan na natin bilis."

Nagmadali na ako upang masundan na si Kuya Pol, rinig ko rin naman na nakasunod na si Raf sa'kin.
Ikinatuwa ko pa nang pihitin ko ang doorknob ng pinto sa likod bahay ay bukas iyon kaya sininyasan ko si Raf na sumunod na saka ako agad na pumasok.

Ito ang plano namin, kaming dalawa ni Raf ang papasok sa loob ng bahay para dukotin si Kuya Pol habang sina Mia ang magmamatyag sa paligid bilang back up. Walang kahit anong kaba akong nararamdaman dahil kung kakabahan man siguro ako iyon ay dahil puro siraulo itong mga kasama ko; mas nakakakaba ang mga kahayupang pinaggagawa nila. Halos puro pagtawa na lang yata ang nagawa namin simula pa kanina imbes na seryosohin ang gagawin namin.

Castillo-Vera (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon