Chapter 49

0 0 0
                                    

Chapter 49 Mahal na mahal nila ang isa't isa

Angel's POV

"Teh, may ulam kayo?" bungad na tanong ni Mia ng magtama ang paningin naming dalawa.

Pilit kong pinigilan ang sarili ko na huwag matawa dahil baka makahalata ang bisita namin.

"Meron, bakit?!" halos isigaw at natatawang tanong ko rin rito.

"Kami rin meron." Sarkastikong sagot nito saka na lang ako napatampal sa noo.

"Tarantado ka talaga kahit kailan!"

"Oh may bisita pala kayo, napadaan ka yata p're?" baling naman ni Kyle sa bisita namin.

"Kailan pa kayo naging magkumpare niyan, ninong ka ba ng anak niya?" sabay na kaming natawa ni Pol sa tanong ni Mia.

"Utak talaga nito, hindi na naging matino." nagpipigil na ng pasensyang saad ni Kyle sa asawa.

Sabay-sabay na kaming naupong tatlo para narin simulan ang pagkumpronta kay Kim, napansin kong tila nabuhayan na ang kaba sa dibdib nito nang makitang nandito na sina Kyle. Tingnan natin kong gaano siya katapang na nilalang.

"Bukod sa pagbisita sa'kin Kim, may iba ka pa bang sadya?" tanong ko rito saka ko nakita ang ilang ulit na paglunok nito na tila hindi na alam kong paano sisimulan ang sasabihin.

"G-gusto ko lang sanang humingi ng tawad, alam kong alam niyo na ang nangyari sa pagitan namin ni Audrey sana naman hindi kayo galit sa akin." halata ang kaba sa pananalita nito.

"Galit kami kung alam mo lang, baka nga hindi ka na makalabas dito ng buhay eh." biglang sagot ni Mia para takutin si Kim saka siya binato ni Pol ng remote na nakalapag sa center table.

"Aray ko naman, Kuya!" reklamo ni Mia ng tumama ang remote sa balikat nito.

Pigil na pigil ko ang tawa ko dahil sa kinikilos ni Mia, mukhang tama ang desisyon ko na tawagin sila para tulungan ako kay Kim.

"Kung ano man ang nangyari sa inyo ni Audrey, kalimutan mo na iyon simula ngayon dahil tapos na Kim maging masaya ka na sa buhay mo; kasi si Audrey masaya na siya," saad ko.

"I want her back."

Pare-pareho pa kaming nagulat sa sinabi nito. Inaasahan ko na talaga ito na magpapatulong siya na magkabalikan sila ni Audrey, pero malas niya hindi na iyon mangyayari.

"Gusto ko sanang humingi ng tulong sa inyo, gusto kong magkabilakan kami ni Audrey. Inaamin ko nasaktan ko siya at mali iyon, sana bigyan niyo ako ng isa pang pagkakataon para patunayan sa kaniya na mahal ka siya, tulungan niyo ako at pangako hindi ko na ulit sisirain ang tiwala niyo sa'kin mamahalin ko si Audrey kagaya ng nais niyo." mahabang pakiusap nito.

"Mahal mo siya?" Sarkastikong tanong ni Kyle.

"Oo, mahal ko siya at gagawin ko ang lahat para bumalik lang kami sa dati."

"H'wag na." natahimik si Kim sa sinabing iyon ni Kyle habang si Pol naman takang-taka na, wala naman kasi itong alam sa plano namin nina Mia.

"Huwag mo nang asahan na babalik kayo sa dati at simula sa araw na ito kalimutan mo na ang pagmamahal na nararamdaman mo p're, hindi na babalik si Audrey sa'yo dahil ikakasal na siya kahit na tulungan ka man namin malabo nang magkabalikan kayo, kaya tumigil ka na huwag mo nang ipilit dahil mapapagod ka lang." dagdag ni Kyle.

Sabay na nagulat sina Pol at Kim.

"Paanong?" hindi makapaniwalang usal ni Pol.

"Love, mamaya na namin sasabihin wala ka naman kasing maalala noong mga nagdaang buwan kaya hindi mo alam, mamaya ka na lang magtanong." sumang-ayon si Pol sa sinabi ko bago pa nito magulo ang plano namin.

"Ilang taon ka ring naging parte ng buhay ni Audrey sana inisip mo iyong mga araw na nagdaan na masaya kayo bago mo siya sinaktan, sinayang mo lang ang kagaya niya eh. Si Audrey katulad siya ng isang special na karne mahirap nang makahanap ng kagaya niya Kim, kahit saang lupalop ng palengke ka maghanap ng karneng baboy hindi mo roon makikita ang ka-uri ni Audrey."

Malakas kong binatokan si Mia sa sinabi nito, ikumpara ba naman sa karneng baboy si Audrey. "Animal ka talaga, Mia!" natatawang bulyaw ko pa rito habang tawang-tawa naman si Kyle.

"Pasensya na p're, wala kaming magagawa para matulungan ka. Ayaw na naming makagulo pa kay Audrey dahil abala na siya sa pagpa-plano ng kasal niya," pagsasalita ni Kyle.

"Ang akala ko wala pa siyang boyfriend bakit biglaan naman yatang malalaman ko na ikakasal na siya, sobrang bilis naman." Nagkatinginan kaming tatlo nina Mia at Kyle.

Ito ang bagay na hindi namin napaghandaan, alam nga naman pala ni Kim na single pa rin si Audrey tapos malalaman niya ikakasal na. Halos limang buwan pa lang yata simula noong mag-break sila kaya hindi kapani-paniwala na mag-aasawa agad si Audrey ng ganoon kabilis.

"Bago pa naging kayo ni Audrey may mahal na siyang iba, dumating ka lang kaya binigyan ka niya ng chance pero ang totoo mahal na mahal niya ang nauna, kaya nang malaman nang nauna na wala na kayo inaya na nitong pakasalan si Audrey at agad naman pumayag si Audrey dahil mahal na mahal niya ito, at kinalimutan na niya ang feelings niya sa'yo."

TANG*NA!!! Sana naman makumbinsi siya sa mga pinagsasabi kong puro kasinungalingan... potekkk.

Kitang-kita ko ang pagpipigil ng tawa ni Mia at Kyle dahil sa pinagsasabi ko, habang tahimik na si Kim.

"Sino ba ang pakakasalan ni Audrey?"

Binalot ng nakabibinging katahimikan ang buong paligid dahil sa tanong ni Pol.

'Anak ka naman ng tinapa, Love. Ayos na ang kwento ko bakit nagtanong ka pa.' saad ko sa isip habang salubong na ang kilay kong nakatingin kay Pol.

Hindi p'wedeng malaman ni Kim na si Raf ang pakakasalan ni Audrey dahil kilala rin niya ito at alam ni Kim na magkaibigan lang talaga ang dalawa.

"Si Raf." sumagot si Kyle sa tanong ni Pol at doon na ako kinabahan ng malala.

"Si Raf? Mag-kaibigan lang sila ni Audrey." hindi makapaniwalang saad ni Kim.

"MAHAL NA MAHAL NILA ANG ISA'T ISA." hindi ko inaasahang sabay-sabay pa kaming tatlo nina Mia at Kyle ng sabihin iyon. Sunod na nagkatinginan habang pigil na pigil ang tawa.

"Ampota." Narinig ko na ang mahinang pagmura ni Pol na mukhang naunawaan na ang kalokohan naming tatlo nina Mia.

Lumipas ang ilang sandaling iyon na walang nagawa si Kim kung hindi maniwala sa mga pinagsasabi namin, alam kong hindi siya kumbinsido roon pero wala na rin naman siyang magagawa dahil plano namin ang masusunod at walang kahit sinong makakahadlang sa plano ng mga animal.

"Noong nagpaulan ba ng kawalang-hiyaan ay sabay-sabay kayong tatlo na naligo sa ulan, jusme anong mga utak ba naman iyan at pinagkaisahan niyo pa talaga sina Audrey at Raf." nauubusan na ng pasensyang usal ni Pol matapos kong sabihin sa kanya ang mga plano namin, habang kaming tatlo ni Mia at Kyle ay hindi na natigil sa katatawa.

"Noong umulan ng kawalang-hiyaan si Angel nagdala pa ng limang baldi." patuloy sa pagtawa si Kyle sa sinabi nito.

"Akalain niyo nga iyon, talagang sabay-sabay pa nating nasabi kay Kim na mahal na mahal nina Raf at Audrey ang isa't isa." Mas umalingawngaw ang tawanan naming iyon sa sinabi ni Mia.

"Dapat pa nga iyong ipagpasalamat ni Kim dahil hindi na gugulo ang buhay niya kapag tayo ang kasama niya, mawawalan siya ng panggulo sa buhay niya kapag hindi sila ni Audrey magkatuluyan. Suwerte na siya sa lagay na iyon 'di ba?" nakakaloko pa akong tumawa.

"Sira ulo." singhal ng asawa ko sa'kin.

Castillo-Vera (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon