Chapter 5 Pipiliin Kita
Angel's POV
"Kahit hindi mo aminin sa'kin ang totoo, alam ko at nararamdaman kong na-iinggit ka kay Mia hindi ba?" saad ko iyon kay Pol habang nakaupo ito sa buhanginan katabi ko. Dito namin naiisapan magpalipas ng oras sa dalampasigan at hinihintay na maghating-gabi bago kami magpahinga.
Sa tanong kong iyon ay napayuko na lang ito at hindi na sumagot, nangangahulugan lamang na tama nga ang sinabi ko. Ilang taon na rin naman kasi simula ng ikasal kami at tumira sa sarili naming tahanan, habang lumilipas ang mga araw nasasaksihan namin ni Pol ang unti-unting paglaki ng anak ni Mia at alam kong pinanghihinaan na si Pol ng loob na baka hindi na siya magkaka-anak. Ramdam ko ang inggit sa loob niya habang napapabuntong-hininga na lang siya madalas kapag nakikita niya ang pamilya ni Mia na masaya habang nagpapalaki ng isang englisherong bata.
"Love." Sabay kaming nagkatinginan sa isa't isa ng tawagin ko ito. "Paano kapag hindi tayo biniyayaan ng anak, iiwan mo ba ako?" sunod kong tanong na pinanghihinaan na rin ng loob.
Mapait itong napangiti sa akin. "Ano bang sinasabi mo?"
"Sinabi ko lang ang possibleng mangyari kung sakali man," tugon ko.
"Hanggang hindi pa tayo umaabot ng 40 may pag-asa pa, huwag kang panghinaan ng loob love magkaka-baby din tayo." Sunod noon ay marahan niyang dinampian ng halik ang noo ko sunod na sumandal ang ulo nito sa balikat ko.
"What if wala talaga?"
"Edi wala, ayos lang sa'kin."
"Hindi mo ako iiwan? Baka pag hindi kita mabigyan ng anak mawala na ang nararamdaman mo sa akin tapos nagsisi ka na ako ang minahal mo?" tanong ko pa rin.
Umangat ang ulo niya saka ako hinarap at tumingin ito ng diretso sa'kin.
"Ang pagkakaroon ba ng anak ang batayan mo ng pagmamahal ko?" Hindi ako nakasagot sa tanong nito.
"Love hindi." Umiling pa ito. "Pinakasalan kita kasi gusto kong makasama ka hanggang sa pagtanda. Hindi ako humiling ng higit pa roon, umpisa pa lang pinili kitang makasama at hindi mababago iyon. Marahil kung ang pagmamahal ang pag-uusapan oo, maaaring magbago ang nararamdaman ng isang tao na baka maaaring sa sunod na araw wala na akong nararamdaman sa'yo sa hindi ko alam na dahilan pero mananatili pa rin ako sa'yo at ikaw ang pipiliin ko. Babalikan ko ang panahon na kahit alam kong hindi ka perpektong babae ikaw ang pinili ko, at kahit hindi ako perpektong lalaki ako ang pinili mo. Mananatili ako at paulit-ulit ka paring pipiliin kahit magbago man ang nararamdaman ko." Tila ba may kung anong dating ang mga sinasabi niyang iyon na hinahaplos ang puso ko sa tuwa, hindi ko inaasahan na sasabihin niya ang mga katagang iyon mismo sa harap ko habang nakatitig pa siya sa mga mata ko."Panghahawakan ko ang sumpaan natin sa harap ng altar na tanging kamatayan lang ang makakapaghiwalay sa atin. Kung sakaling mawalan man ng pag-ibig ang puso ko, kung sakali mang subukin tayo ng panahon at makalimutan ko ang lahat asahan mong hindi ako aalis sa piling mo kasi pipiliin kong manatili upang ang puso ko ang magpaalala sa akin sa lahat kung paano tayo nag-umpisa, paninindigan ko ang pangako ko na ikaw hanggang sa dulo."
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at tanging naramdaman ko na lang ay naidampi ko na ang labi ko sa labi niya. Subrang swerte ko na mayroon akong isang Apollo Vera na harap-harapan sasabihin sa akin na pipiliin niya ako kahit mawalan man ng pag-ibig ang puso niya. Hindi ako nagsising siya ang pinili ko at kagaya niya sisiguraduhin ko ring pipiliin ko siya hanggang sa dulo.
"Ang swerte mo naman pala sa'kin." Sabay tawa kong sabi matapos kong humiwalay sa halik na iyon.
"Mukhang baliktad yata, mas maswerte ka sa'kin."
"Ayaw pa tanggapin na mas maswerte siya eh." panunukso ko rito.
"Ikaw ba, pipiliin mo pa rin ba ako kapag dumating ang araw na hindi mo na ako mahal?" tanong naman nito sa'kin.
Dahil matino ang utak ko hindi ko sasabihin ang totoo.
"Hindi. Bakit pa kita pipiliin kung hindi na rin naman kita mahal, mas maraming lalaki pa akong mahahanap hindi lang ikaw eww yacks." Napapangiwing sabi ko para lang asarin ito.
"Ah gano'n? Edi sige simula ngayon magkalimutan na lang tayo, salamat sa lahat." Sunod itong tumayo na at iniwan akong nakaupo. Nagtampo ang lalaking may amats, walang'ya.
"Hala gago ang bilis magbago ng utak, gano'n-gano'n na lang iyon?!" Pasigaw ko pang tanong rito pero hindi manlang ako nito nagawang lingunin at dire-diretso na sa paglalakad.
Mabilis kong dinampot sa buhangin ang sapin na inuupuan namin kanina saka patakbo nang naglakad para lang mahabol ko si Pol.
"Hoy Apollo, nagbibiro lang ako bumalik ka rito gago ka!" Sigaw ko pang sabi ngunit hindi pa rin ako nito pinansin kaya mas binilisn ko ang takbo hanggang sa mahabol ko ito.
"HAHAHA naniwala ka naman nagbibiro lang eh." Tumawa pa ako ng malala ng mahabol ko ito.
"Tse huwag mo akong kausapin kung hindi mo naman pala ako pipiliin." Nagtatampong saad pa nito kala mo naman kina-gwapo niya mukha namang unggoy. Pero kung magiging unggoy man siya hindi ako magsasawang halikan ang unggoy na kagaya niya.
"Pipiliin nga kita, binibiro lang naman eh galit ka na niyan ah?" Patuloy ito sa paglalakad kaya patuloy rin ako sa paghabol.
"Alam mo pag ikaw ang unang maging tae sa ating dalawa, ipagmamalaki kita!" Napapasigaw kong sabi dahilan para mabilis itong mapalingon sa akin dahil sa sinabi ko. Nagtinginan na rin ang ilang tao na nasa paligid namin medyo malapit na kasi kami sa resort.
"Itigil mo nga iyang kalokohan mo!" Pasigaw na awat nito sa'kin.
"Oh bakit ayaw mo ba?" Mataray kong tanong rito. "Ipagmamalaki kita ng bukal sa loob my love, tipong dadakutin kita gamit ang mga palad ko at ipamamahagi ko sa lahat ang amoy mo hanggang sa masuka sila sa subrang baho mo gano'n kita kamahal!" Pasigaw kong sabi dahilan para magtawanan na ang ibang nakarinig.
"Tama na walang'ya ka talaga." Mabilis nitong naitakip sa bibig ko ang kamay niya at saka ako hinila papalayo sa lugar na iyon hanggang sa tawa nang tawa na lang ang nagawa ko habang siya hiyang-hiya. Pinagtawanan ko ito hanggang sa tuluyan kaming makarating sa silid na tinutuluyan namin.
BINABASA MO ANG
Castillo-Vera (Book 3)
RandomAngel Castillo living her dream life with the man she chose to marry. A perfect life had not yet an happy ending. One day they plan a vacation to celebrate their 2nd wedding anniversary, they had an accident and her husband Apollo Vera suddenly disa...