Chapter 35 Hiding Apollo's wife (part 2)
Angel's POV
"Teh, may naisip ka na bang ipapangalan sa baby mo?" biglang natanong ni Mia sa akin habang pareho kaming abala, ako sa pagbabalat ng patatas habang siya naman ay carrots.
Naisip ko na rin naman ang sinabi niya pero sa tuwing naiisip ko kung ano ipapangalan ko sa anak ko hindi ko maiwasang malungkot, sana katulad ng mg mag-asawa na nagpaplano ng ipapangalan sa anak nila ganoon din ako, sana kasi kasama ko si Pol na gagawa noon at pagtatalunan namin kung anong maganda ipapangalan sa baby namin, iyong tipong sabay kaming bubuo ng magandang pangalan, ngunit malabong mangyari ngayon.
Naibaba ko sa lamesa ang kutsilyong hawak ko at ang binabalatan kong patatas. Umakto akong nagsusulat sa hangin.
"Aloe, iyon ang ipapangalan ko sa anak ko. Ang gandang pangalan 'di ba. Aloe." nakangising saad ko habang gandang-ganda sa pangalang naisip."At pagpinagsama ang pangalan at apelyido niya, magiging Aloe Vera, gaguuu HAHAHAHA!" Biglang sumulpot si Kyle kasabay ng malakas na hagalpak nitong tawa, grabe makabasag ng trip ang mukong.
Mukhang nagets na rin naman nina Mia ang sinabi ni Kyle kaya sabay rin silang natawa ni Audrey.
"Itong si Angel talaga kahit kailan sira ulo." napapailing na ani ni Audrey habang naghihiwa ng karneng kauri niya.
"Oh bakit unique nga eh, kapag nag-aral na ang anak ko siya ang may pinakamabangong pangalan."
"HAHAHAHA" sabay-sabay na tawa ng tatlo.
"Maling ideya iyang naisip mo, baka imbis na tubuan ka ng buhok dahil kay ALOE VERA, dahilan pa para mamuti ang buhok sa konsumisyon." sambit ni Mia.
"Sa tingin niyo ba ano ang magandang ipangalan sa anak ko?" tutal hindi sila sang-ayon sa sinabi ko tinanong ko na lang sila.
"Marian." agad na sagot ni Kyle na ikinagulat ko.
"Ginagago mo ba 'ko, Kyle?" galit kong angil saka ko nahawakan ng mahigpit ng kutsilyong ginagamit ko.
"Relax, hahaha. Nagbibiro lang naman baka masaksak mo ako niyang hawak mo, mag-isip-isip ka."
"Itatarak ko talaga ito sa gilagid mo, ang lakas ng loob mong isuggest ang pangalan ng baliw na iyon!" bulyaw ko na.
"Sa dami ng p'wedeng sasaksakin sa katawan niya, gilagid pa talaga," tawang sabi ni Mia.
"Anong masama sa pangalang Marian tama nga 'yun sis, para memorable. Ang pangalang Marian ang hindi mo kailanman makakalimutan." sigunda ni Audrey.
"Mga animal," pagmumura ko sa mga ito.
Sa dami ng magagandang pangalan ang pangalan pa talaga ng babaeng sinusumpa ko ang naisip nila.
"Divina na lang ipangalan mo, sunod sa lola niya." nagsalita ulit si Kyle na isunod ko ang pangalan sa nanay ni Pol.
"Ayoko," agad kong tanggi.
"Edi gawin mong Devon sunod sa second name ko," suhistiyon ni Mia.
"Mas lalong ayaw ko, ang bantot ng pangalan mo."
"Sira ulo bakit naamoy mo ba, kisa naman sa pangalan mo Angel pero demonyo."
"Kisa sa Mia Devon tunog mabantot," pang-aasar ko pa habang pinagpapatuloy ang pagbabalat ng patatas.
"Pangalanan mo na lang ng Sarah, maganda 'yon tapos pagbalatin mo ng mga patatas." saad ulit ni Kyle, naisip niya pa talaga iyon purke nagbabalat ako ngayon ng mga patatas.
"Ah talaga ba Miss Minchin?" Sarkastikong ani ko.
"Puro ka kalokohan Bading, kung tinulungan mo na kaya kami para mabilis na kaming natapos rito para makaluto na si Audrey ng minudo."
BINABASA MO ANG
Castillo-Vera (Book 3)
RandomAngel Castillo living her dream life with the man she chose to marry. A perfect life had not yet an happy ending. One day they plan a vacation to celebrate their 2nd wedding anniversary, they had an accident and her husband Apollo Vera suddenly disa...