Chapter 45 tae
Apollo's POV
"Agoiii!" malakas ang tinig ng bunganga ni Mia na ikinagulat namin pareho ni Angel, may balak pa sana akong halikan ang asawa ko pero hind ko na natuloy. "Ano 'yan ah planning for baby number 2 na ba agad, aba maghinay-hinay naman kayo wala pa ngang isang buwan si baby Sam susundan niyo agad."
"Raulo ka Mia!" bulyaw ni Angel kay Mia.
Napatampal na lang ako sa noo ko, sunod na tiningnan ang baby ko na tulog pa rin. 'Sorry baby, mukhang maingay na mundo ang kakamulatan mo, kailangan mo nang masanay araw-araw dahil sa pagsisigawan ng Mommy at Tita mo.' nasambit ko sa isip habang nakatitig sa himbing na natutulog na sanggol.
Matapos tumuloy ni Mia sa kwarto ay saka naman sunod-sunod na pumasok ang mga kaibigan nito na kanina ko pa inaasahan na darating. Excited na silang makita ang anak namin ni Angel at nagplano agad na pumunta ngayon nang malaman nila kahapon na nakabalik na kami rito sa bahay namin.
"Ohha, apaka gandang bata sana naman hindi magmana sa kawalanghiyaan ng nanay," pagpaparinig ni Audrey kay Angel habang tuwang-tuwa na pinagmamasdan ng mga ito ang natutulog naming baby.
Nanatili lang akong nakatayo sa may tabi ni Angel, habang nakalapag na sa side table ang bulaklak na binagay ko sa asawa ko kanina."Expected na iyon sis, kanino pa ba magmamana edi sa nanay. Nakakaawa." nanlulumo namang kumento ni Raf.
"Wala na rin naman masama kung magmana sa nanay, kung meron namang kagaya ni Kuya Pol na handang mahalin ang kagaya ni Angel na kahit na mismong impyerno pinagtatabuyan na," saad naman ni Lyn na dahilan na upang mapuno ng nakakabinging halakhak ang buong silid.
Hindi na ako magtataka kung sinasadya nilang mag-ingay para gisingin ang natutulog na sanggol, kabisado ko na ang takbo ng matitinong pag-iisip ng mga ito, wala nang bago.
"Mga animal na 'to, pumunta lang yata kayo rito para manggulo eh sana hindi na kayo tumuloy." reklamo ni Angel sa mga kaibigan.
"Hindi naman kami nanggugulo ah, gusto lang namin makita ang aming magandang inaanak," taas kilay na ani ni Audrey.
"Mukhang nakatakda na nga lang talaga tayong magiging ninang ng mga anak nila sis, walang ambag sa mundo kun'di ganda lang." nalulungkot kunwaring saad ni Raf kay Audrey.
"Sira ulo... iyong nauna mong sinabi counted iyon pero iyong huli hindi kasali sis, wala kang ganda." panunupalpal ni Mia sa kaibigan.
Natatawa na lang akong napapailing sa mga kalokohan ng magkakaibigan na ito, tumatanda ang edad pero ang mga utak walang pinagbago puro kawalang-hiyaan pa rin ang mga alam.
Kulang pa sila ng isa, wala kasi si Kyle mukhang may pasok ngayon sa trabaho baka pagnandito rin ang isang iyon mas doble ang mga kalokohan nila.Ilang saglit ang lumipas na nag-asaran pa ang mga ito hanggang sa sobrang ingay ay nagising na ang baby, ako na ang kumarga ng baby para patahanin sa pag-iyak at hindi naman ako nahirapan na gawin iyon dahil matapos ko itong kargahin ay tumahan na rin siya.
"Mukhang daddy's girl ang batang iyan ah, mabilis tumahan kay Kuya," saad ni Mia.
"Sinabi mo pa Mia, kapag si Pol din ang kumakarga jan mabilis makatulog pero kapag sa'kin kahit napadidi ko na gising parin," pagreklamo rin ni Angel.
Napansin ko na rin naman iyon, mabilis siyang makatulog at mabilis tumigil sa iyak kapag alam na niyang ako ang kumakarga sa kaniya.
"Isa lang talaga ibig sabihin niyan teh, ayaw niya sa nanay niya." umalingawngaw na naman ang malakas na tawanan ng mga ito sa sinabi ni Mia.
Nagpatuloy sila sa pagkukwentohan hanggang sa mabanggit nila ang tungkol sa'kin para alamin kung paano ako nakaalala.
"Paano ka nga pala nakaalala, Kuya Pol?" tanong ni Raf.
Nagpipigil ako ng tawa na tumingin kay Angel dahil sadyang hindi kapani-paniwalang dahil sa sinabi niya minsan na naging dahilan para bumalik ang alaala ko.
"Oo nga love, paano ka ba nakaalala?" sersoyong tanong na nito sa'kin.
"Nakaapak ako ng TAE." pinakadiinan ko pa ang tae upang ipaalala kay Angel ang kawalanghiyaang pinagsasabi niya sa akin noong nasa Batangas kami.
"HAHAHAHAHA!" malakas na tumawa si Angel na mukhang siya lang ang nakaunawa sa sinabi ko, siya lang naman talaga ang makakaunawa noon sa tino ba naman ng utak niya.
"Hindi kapani-paniwala hindi ba, pero totoo ang tae ang dahilan kaya ako nakaalala." paliwanag ko sa kanila na mukhang nagtataka pa sa sinabi ko habang si Angel ay panay parin ang tawa.
"Hayop love, seryoso ka ba talaga hahaha?" halos mamilipit ito sa sakit ng tiyan sa patuloy na pagtawa.
"Ano bang meron sa tae at tawang-tawa ka?" tanong na ni Mia kay Angel.
"Kaya nga baka pwede mo i-share." sigunda ni Audrey.
Bago siya nag-kwento tumawa pa muna siya ng tumawa at nang kumalma ay saka niya kwinento sa mga kaibigan kung anong meron sa tae.
"Nasa Batangas kami noon bago pa mangyari ang aksidente, tinanong ko noon si Pol na kung magiging tae ako aapakan niya ba ako."
"HAHAHAHAHA." hindi pa man tapos magsalita si Angel ay nagtawanan na ang mga ito habang napaupo na si Audrey sa sahig sa katatawa.
"Anong sinagot mo sa tanong niya Kuya?" usisang tanong ni Mia.
"Sabi ko hindi, sinong tanga naman ang gagawa noon nakita na ngang tae aapakan pa." napasabay na ako sa tawa ng mga ito, habang karga ko pa rin sa mga bisig ko si baby.
"Sa dami ng p'wedeng dahilan para makaalala tae talaga?" sambit ni Audrey.
"Mismo, at noong nakaapak nga ako ng tae iyong eksaktong mga salitang sinabi niya iyon pa talaga ang unang bumalik sa isip ko," saad ko pa.
"Ang lakas talaga ng amats nito ni Angel sa utak, dapat ito 'yung nagka-amnesia eh baka sakaling naging matino ang pag-iisip." natatawa pang dinuro ni Raf si Angel.
"Kung alam ko lang sana pala dinalhan ka na namin ng tae noong nahanap ka namin, tae lang pala ang dahilan para makaalala ka, taena," saad pa ni Mia.
"Nagpakahirap pa tayong dukutin siya sis, taenang 'yan." napapamura pang saad ni Audrey.
"Teka bago ko makalimutan, ano pa lang nangyari sa akin at nagka-black eye ako noong dinukot natin si Kuya Pol sa pagkakaalam ko inamoy ko lang ang pangpatulog eh," saad ni Raf na naghahanap ng kasagutan.
"Si Kuya tanungin mo baka alam niya." tinuro ako ni Mia.
"Nagtataka nga rin ako eh kung bakit may black eye ka kinabukasan, sa pagkakatanda ko si Kyle nasuntok ko siya sa bandang mata niya sa sobrang gulat ko, pero nakatulog na ako sumunod noon dahil sa panyong itinakip niya sa bibig ko," kwento ko.
"Sira ulo talaga ang Bading na iyon, sabi ba naman niya nakabangga siya sa pinto kasi madilim." hindi makapaniwalang saad ni Mia.
"Teka, baka gumanti si Kyle sa'yo Raf. Kasi alam niya na hindi niya ako p'wedeng saktan dahil malalagot siya kay Mia kaya ikaw ang ginantihan niya ng suntok."
"BWAHAHAHAHA! Napakatalino talaga ni Kyle at naisip niya iyon, bravo!" Sabay-sabay na kaming natawa sa sinabing iyon ni Audrey para purihin si Kyle sa katalinohang ginawa.
"Walang'yang hayop, ilang araw akong absent noon sa trabaho kasi hindi ako p'wedeng pumasok na may black eye sa mukha." atungal ni Raf at tawanan na lang ang nagawa namin.
BINABASA MO ANG
Castillo-Vera (Book 3)
Ngẫu nhiênAngel Castillo living her dream life with the man she chose to marry. A perfect life had not yet an happy ending. One day they plan a vacation to celebrate their 2nd wedding anniversary, they had an accident and her husband Apollo Vera suddenly disa...