Chapter 22

1 0 0
                                    

Chapter 22 Gender reveal party

Angel's POV

Itinuloy nga namin ang party na pinagplanohan nila, wala na akong ideya sa mga kalokohang pinag-iisip nila at ipinaubaya ko na sa kanila lahat tutal ay balak na din naman na nila akong i-surprise, kahit na alam ko na.

Hindi na rin naman siguro ako magugulat kapag nalaman ko ang gender ng anak ko dahil kahit na ano pa man ang kasarian niya tatanggapin ko iyon, mamahalin ko siya dahil siya na lang ang meron ako ngayon.

Matapos kong lumabas sa kwarto ay sinalubong na ako ni Lola saka hinawakan ako sa braso at sinabayan maglakad pababa ng hagdan. Patungo kami ngayon sa lugar kung saan hinanda nila ang party, sa pagkakaalam ko ay sa hotel iyon.

"Ate tara na, nauna na sina Mama roon baka kanina pa sila naghihintay." saad ni Renzo nang maabotan namin ito sa may sala. Siya ang sumundo sa amin ni Lola dahil nauna na sina Mia kanina pa kaya wala kaming kasabay.

Mabilis na kaming sumunod ni Lola nang lumabas na si Renzo, matapos maisara ni Lola ang gate ay saka kami sumakay ng kotse at umalis.

Sunod na tumungo kami sa isang kilalang hotel, hindi na ako magtataka kong si Kyle na naman ang nag renta ng hotel na pagdadausan ng party sa araw na ito, hiyang-hiya ako sa pagiging big time niya sa sobrang kahihiyan naaawa ako sa sarili ko.

Pero dahil mabait akong kaibigan sasamantalahin ko na, aba minsan lang makaranas ng marangyang buhay papaawat pa ba ako, feel the moments na lang.

Nang makapasok kami sa venue at bumungad sa akin ang napakagandang decorations pinaghalong blue at pink ang kulay ng mga palamuti sa paligid akma sa tema ng okasyon, mas lalo tuloy akong na-excite na malaman ang gender ng anak ko.

"Nandiyan na siya!" tili ni Raf ang sumalubong sa akin nang makita na ako nitong naglalakad papasok.

Palakpakan ang sunod na nagbigay ingay sa paligid, hindi ko akalaing ganito ang sasalubong sa akin na tila ba gagawaran ako ng mataas na parangal. Sabi ko naman sa kanila perahin na lang imbes na magpa-party halatang ang mahal ng ginastos nila sa okasyon na ito.
Hindi gaanong madami ang bisita iilan lang iyon na kilala namin, habang ang mga kaibigan ko syempre kumpleto kailan ba hindi nakadalo ang mga iyan kapag kainan ang pag-uusapan sila pa nga yata nag-plano sa lahat eh.

Limang malaking itim na lobo ang nasa pinaka gitnang parte ng malawak na venue, marahil doon nakalagay ang surpresa para malaman ko ang gender ng baby ko.

'Kapag walang nakatingin sa akin uunahan ko na sila tutusukin ko agad iyan papatagalin ko pa ba.' palihim akong napangisi sa aking naisip habang nakatitig sa malaking itim na lobo.

"Paano ba iyan Angel mukhang matutupad na ngayon ang pangarap mo," nagsalita si Lyn nang makalapit ito sa akin.

Nakapalibot na rin sa amin ngayon ang mga kaibigan namin.

"Anong pangarap?" pagtataka ko pa dahil nakalimot na rin naman ako.
Nagtataka rin namang naki-usyuso ang mga kaibigan namin.

"Iyong pangarap mo na ipagkasundo sa anak ko ang anak mo, sis matutupad na 16 days na akong preggy ipagdasal mo na lang ngayon na sana magkaiba ng kasarian ang isisilang nating sanggol."

"Whahahaha!" nauna na akong napahagalpak sa tawa na sinabayan na rin ng mga kaibigan ko.

"Tang*na tuloy pa pala iyon akala ko naman nakalimutan niyo na, mga walang hiya talaga kayo," napapakamot sa ulong saad ni Kyle.

"Kaya Audrey at Raf galaw-galaw, may pagasa pang humabol yahoo!" panghihikayat ni Lyn sa dalawa.

Sunod ay muli kaming napahagalpak sa tawa ng makitang sabay pang namula sina Audrey at Raf dahil sa sinabi ni Lyn.

Castillo-Vera (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon