Chapter 3

5 0 0
                                    

Chapter 3 - Ma-inggit kayo

Angel's POV

"Teka teh ano pala kailangan mo, huwag mong sabihin sa'kin na manghihiram ka ngayon ng pambili niyo ng bigas?" Natatawang tanong ni Mia sa akin.

Naupo na ito sa sofa sa sala nila, kararating lang naman kasi ng mga ito at hindi pa nga nagawang makapagbihis ng dahil pumunta na agad ako rito sa bahay nila ng makita kong dumating na ang sasakyan ni Kyle. Inutusan na ni Kyle si Manang para bihisan ang anak  kaya kaming tatlo na lang ang naiwan sa sala, ni hindi manlang nga ako inalok ng dalawa na paupuin manlang habang sila printe ang pagkakaupo sa malambot na sopa. Pag ako talaga nanggigil bubutasin ko iyang sopa na iyan kapag wala sila.

"May bigas na kami, ulam na lang kulang," sagot ko kay Mia.

Binulyawan naman ako nito. "Hoy ang kapal talaga ng mukha mo walang kupas ang kahayupan!" Malaya na ako nitong namumura dahil wala na si Khian ngayon sa harap niya. Pasalamat pa siya sa lagay na iyon.

"Nagbibiro lang, ito naman." Sunod akong bumaling kay Kyle. "Bakla pagsabihan mo nga itong asawa mo hindi marunong gumalang sa Ate niya ah."

"Hindi kita kapatid, mumurahin kita habang buhay hanggang gusto ko, animal ka!" Sigaw na saad pa rin ni Mia.

"Animal ka rin!"

"Lang'ya Angel pumunta ka na naman ba rito para lang magmurahan kayong dalawa, hindi ba kayo nagsasawa talo niyo pa mga bata." Nagsimula nang manermon si Kyle.

Ang kapal ng mukha ng walanghiya kapag hindi nga ako pumunta rito sila naman ang pumupunta sa bahay namin para lang makipagwalanghiyaan. Gago talaga ang mag-asawang ito.

Imbis na masermonan ako lalo sinabi ko na ang nais kong sabihin sa kanila.

"May sadya ako. Sasabihin ko lang na aalis kami ni Pol bukas pupunta kami ng Batangas ma-inggit kayo." Parang bata kong sabi na pilit pinapa-inggit ang mga ito.

"Gago at pumunta ka lang talaga rito para sabihin iyan!" Gigil na saad ni Kyle habang nakuyom pa nito ang kamao baka nagpipigil na ito at sa inggit niya maisipan niyang suntokin ako.

"Ibang klase ang kahayupan mo, anong akala mo sa'min bata na ma-inggit ha?"

Mula sa pagkakatayo ko ay binalibag ni Mia sa akin ang isang kwadradong unan na nakalagay sa sopa. Mabilis akong napa-ilag kahit na alam kong hindi naman ako masasaktan noon kasi malambot.

"Alam kong mga inggitera kayo, pag umalis kami iiyak kayo sa inggit. Ilang araw kami sa Batangas ni Pol at magho-honeymoon kami." Pang-iinggit ko pa rin.

"Mag honeymoon kayo hanggang gusto niyo, mas mabuti nga kung huwag na kayo umuwi eh para tumahimik na ang buhay ko letse ka Angel!" Bulyaw ni Mia sa akin ng malakas saka sunod itong napatayo at napansin kong dinampot nito ang isa pang unan saka ako hinabol.

Sa pagkakataong ito alam kong masakit na kapag hinambalos nito sa akin ng malakas ang unan na iyon, kaya bago pa niya magawa iyon ay kumaripas na ako ng takbo palabas sa nakabukas na pintuan ng bahay nila huwag lang ako nitong maabutan.

Hagalpak na tawa na lang ang nagawa ko habang tumatakbo papalayo sa bahay nila, siya namang ikinagulat ko ng makita ko si Pol na papasok ng gate nina Mia.

"Sinasabi ko na nga ba nandito ka lang, bigla-bigla ka na lang nawawala sa bahay," saad ni Pol.
Hindi ko maunawaan kung galit ito o ano, hindi na siya nasanay eh.

"Kuya! Kausapin mo 'yang asawa mo ah, mukhang hirap na hirap na siya sa buhay niya baka naman gusto na niya magpahinga, humimlay na kamo siya!" Sigaw iyon ni Mia mula sa labas ng pinto ng bahay nila na sa subrang lakas umabot pa sa tapat ng gate kung saan na kami nakatayo ni Pol.

"Anong ginawa mo na naman at galit na galit ang isang iyon?" pigil sa inis na tanong ni Pol sa'kin.

"Ewan ko ro'n." maang-maangan ko naman.

"Mga tarantado talaga kayo." Napapailing na lang na saad nito saka nagtuloy na ulit sa paglalakad upang makabalik na kami sa bahay namin na nasa kabilang bakod lang.

Mukhang hindi mawawalan ng asawa ang isang ito, ilang saglit pa nga lang akong nawala ay hinanap agad ako. Iniwan ko kasi siyang nagluluto para sa hapunan namin, kaso nakita kong dumating na sina Mia kaya agad akong tumakas sa bahay.

Gusto ko lang naman sana magpaalam kina Mia na aalis kami bukas, pero ng dahil sa katinuan ng utak ko kinampihan ko na lang ito inisip kong inggitin ang dalawa na mukhang ikinainis ni Mia ng malala.

Sa Linggo ang 2nd anniversary namin ni Pol nag-plano kami ng maikling bakasyon para mag-celebrate. Dalawang araw lang naman iyon, bukas at sa linggo.

Iyon lang naman kasi ang binigay na day-off sa amin ng boss namin kaya wala kaming choice kun'di sulitin ang dalawang araw. Sapat na rin naman iyon para at least magkaroon kami ng time ni Pol sa isa't isa para na rin makapag-relax. Subrang bilis ng panahon dalawang taon na rin ang lumipas mula ng maikasal kami, isang hiling lang rin naman ang pinakahihiling ko eh iyon ay ang mabigyan ko ng anak si Pol ramdam na ramdam ko kasing gustong-gusto na niyang maging ama pero hindi kami pinapalad.

Bumalik ako mula sa malalim na pag-iisip ng tumunog ang phone na naiwan ko sa center table ng sala kanina kaya agad ko na itong nilapitan. Bumalik na rin naman si Pol sa kusina namin upang ipagpatuloy ang ginagawa.

[Apo kumusta kayo, mukhang busy ka masyado ah hindi mo nireplayan ang chat ko sa'yo kagabi.] Basa ko sa chat ni Lola sa akin.

Nakalimutan kong na-seen ko nga pala ang chat nito pero hindi ko nareplayan ang pangungumusta niya sa akin.

"La I miss you, ayos lang naman kami masyado lang talagang busy sa work pasensya na po. Huwag kang mag-alala masyado sa akin ah ayos lang kami rito." reply ko na.

Isang taon na rin si Lola sa Hong-Kong nakatira ng isama siya ni Mama noong umuwi ito noong isang taon. Pinilit ko si Lola na sumama kay Mama kasi alam kong hindi ko na ito maaalagaan at madalas na rin si Lola mag-isa sa bahay simula ng bumukod kami ni Pol ng tirahan. Masyado akong naaawa kay Lola kapag mag-isa siya lagi lalo pa at tumatanda na rin ito kaya laking pasasalamat kong sumama rin siya kay Mama at doon na tumira sa Hong-Kong para na rin makilala rin nito ng lubusan ang iba pa niyang apo.

Ibininta ko ang bahay at lupa na pag-aari niya para wala na siyang babalikan pag-umuwi siya rito sa pilipinas, iyak siya malala panigurado hahaha. Joke lang iyon, alam ni Lola na ibininta ko iyon kahit na marami kaming alaala ni Lola sa bahay na iyon na masasaya kasama na ang pagkakaroon ng mga marites na kapit-bahay.

Luma na rin naman kasi ang bahay kaya imbis na ipaayos ko pa ibininta ko na lang sa presyong kaibigan, tutal ay bumili na rin naman kami ni Pol ng bagong bahay para sa bubuuhin naming pamilya. Kung sakali mang umuwi si Lola ulit ay welcome na welcome naman siya sa basement.

Grabe kayo, hindi naman ako masamang tao para itratong hayop ang Lola ko at papatulugin ko sa budiga, doon na lang siya sa rooftop ng bahay gawa siya sariling kubo.

"Natatawa ka na naman mag-isa, may kahayupan ka na naman bang naiisip?" Ikinigulat ko ang biglang pagsulpot ni Pol sa harapan ko.

"Grabe sa kahayupan ah, purke natatawa kahayupan agad iniisip?" Sarkastikong tanong ko rito.

"Oh bakit ano bang iniisip mo at natatawa ka riyan?"

"Si Lola kasi nangungumusta."

"Tapos?"

"Tapos naisip ko lang kapag sakaling bumalik siya sa pilipinas, patutuluyin ko siya sa rooftop gawa siya sariling kubo." Sabay hagalpak kong tawa sa sinabi ko.

"Kita mo na kilalang-kilala kita eh, kahayupan nga iniisip mo." Napakamot na lang ito sa ulo niya.

Nakakaawa ang asawa ko mukhang sising-sisi na siya na ako pinakasalan niya.

Castillo-Vera (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon