Chapter 18 Kutob
Angel's POV
Humagalpak kaming apat nina Mia, Kyle at Lyn sa katatawa ng makalabas kami ng kwarto at iniwan sina Audrey at Raf na nag-uusap sa loob.
Sinong mga sira ulo ba naman kasi ang makakaisip na papayag ang dalawang iyon kahit na hindi naman talaga kami seryoso na pilitin na maging sila na lang.
"Tang*na, akala ko magtatalo pa ang dalawang iyon at magpapaligsahan kung gaano sila ka-perfect na tao para piliin ang isa't isa, kunting sulsol lang naman ang ginawa ko na may halong kunting pangungunsiya pero agad pumayag. HAHAHA!" Humagalpak ulit kami katatawa sa sinabi ni Kyle.
"Sunod nating gawin ay sulsolan sila na magpakasal agad at huwag na hinatayin na mag treynta sila, aba dalawang taon pa iyon kapag hinintay pa nila," suhestiyon ni Mia.
"Oo nga kailangan makasal sila sa lalong madaling panahon para wala na talagang baguhan ng isip," sigunda ni Lyn.
"Huwag niyo naman madaliin, pakatapos na ng lahat ng problema ko p'wede ba. Iyong kaya ko na rin magsaya ulit hindi sa ganitong sitwasyon." Pakiusap ko sa mga ito.
"Tama si Angel pakalipas ng mga nangyayari sisiguraduhin natin na sila talaga magkakatuluyan, At sisiguraduhin kong hindi na maghiwalay ang dalawang iyan kahit ako ang gumastos sa kasal nila gagawin ko," saad pa ni Kyle.
Tila mga sinapian kami ng demonyo ng mga sandaling ito dahil sa mga nakaloloko naming halaklak na may pina-planong masama. Well hindi naman totally na masama ito dahil alam namin na para ito sa future ng dalawa naming kaibigan.
Bilang isang mabuting kaibigan itutulak namin sila sa bagay na alam namin na mas nararapat sa kanila, sino ba naman magtutulongan hindi ba kaya kami na ang tutulong sa dalawa na magkatuluyan. Papasaan pa at magiging mag-asawa rin ang dalawa at mag-jujugjugan din ang dalawang iyan at magka-kaanak papunta pa lang sila sa exciting part.Angel demon laugh */BWAHAHAHAHAHAHAHA
"Anak ng tupa naman kayo, sinapian ba kayo at gabing-gabi na iyang mga tawa ninyo rinig na rinig pa sa malayo." Biglang lumapit si Lola sa amin karga ang anak ni Mia mukhang pabalik na ang mga ito sa tinutuluyan namin. Tanaw na rin kasi namin na nakasunod na sa kaniya sina Renzo at mga magulang nito.
"Stretching lang ito ng mga muscle Lola Nans matagal-tagal na rin kasi kaming hindi nakakatawa ng ganito," sagot ni Kyle.
Sira ulo parang kanina lang ay panay ang tawanan namin dahil sa bumulagta si Audrey sa kalasingan, may stretching pa talagang siyang nalalaman.
"Mga pasayaw talaga, sige na magsipasok na kayo at maaga pa tayo uuwi bukas, magsitulog na kayo." Nauna na itong pumasok sa loob matapos niyang ibigay kay Mia ang karga niyang englishero.
Sunod na lumapit naman sina Mama sa'min.
"Bakit nasa labas pa itong buntis na ito mahamog na sa labas?" saad ni Mama sabay himas ng marahan sa tiyan kong malaki na.
"May pinag-uusapan lang po kami Ma."
"Pumasok na kayo at magpahinga na," saad naman ni Papa.
"Sige po Pa, susunod kami," si Mia ang sumagot.
Naiwan ulit kaming apat sa labas at pinagpatuloy ang pag-uusap.
"Huwag na lang natin aminin sa dalawa na pinagtutulongan natin sila, mas okay na iyon baka pag bumalik iyong Kimbert makipagbalikan pa iyang si Audrey." pangungumbinsi ni Kyle sa'min na agad naming sinang-ayonan.
"Tama, dalawang taon din naman ang naging relasyon nila hindi iyon madali kay Audrey para kalimutan," kumento rin ni Mia.
Napagpasyahan namin na gawin iyong lihim sa pagitan naming apat, siguradong pakatapos ng mahirap na pinagdaraanan ko ngayon kaligayahan pa rin ang mamayani sa amin sa tamang pagkakataon.
BINABASA MO ANG
Castillo-Vera (Book 3)
РазноеAngel Castillo living her dream life with the man she chose to marry. A perfect life had not yet an happy ending. One day they plan a vacation to celebrate their 2nd wedding anniversary, they had an accident and her husband Apollo Vera suddenly disa...