Chapter 6

3 0 0
                                    

Chapter 6 - Unexpected Happen

Angel's POV

"Wake up, Love." Nagising ako sa mahinang pagbulong ni Pol sa tainga ko.

Agad ko naman minulat ang mata ko kahit nanlalabo pa ito dahil sa antok. Bumungad sa akin ang poging-pogi na awra nito sa suot na puti at manipis na hawaiian polo na nakabukas pa ang tatlong butones kaya bahagyang nakikita ang dibdib niya.

"Wake up, mag-ayos ka ng sarili mo hihintayin na lang kita sa labas."

"May pupuntahan ba tayo?" takang tanong ko dahil mukhang maaga pa lang ay nag-aaya na siya.

"Mag jetski tayo."

Bumangon na ako matapos ang sinabi niya. Mukhang magandang ideya ang sinabi niya gusto ko rin naman mag libot sa palibot ng beach sakay ng jetski.

"Hihintayin na lang kita sa labas sabay na tayo kumain bilisan mo ah," aniya pa.

Mabilis ako nitong dinampian ng halik sa labi sunod ay lumabas na rin ito, mabilis na akong nag-ayos ng sarili at naghilamos. Hindi na ako nag-abala pa para maligo dahil siguradong mababasa rin naman ako sa dagat. Naligo na rin naman ako kagabi bago matulog kaya tanging paghilamos sa mukha at pagpalit ng damit ang ginawa ko.

Maikling shorts at manipis na puting t-shirt ang sinuot ko na medyo maluwag hindi na mahalaga sa akin kung makikita sa manipis na t-shirt na iyon ang panloob ko dahil normal naman iyon sa ganitong lugar may ilan pa nga akong nakita na halos hindi na lang sana nagsuot ng nagbikini halos kita na rin naman lahat.

Matapos makapag-ayos ay agad na akong lumabas upang hanapin si Pol, nakita ko naman itong may kausap na isang lalaki na mukhang staff ng resort dahil sa suot na uniporme. Saka ko sila nilapitan.

"Love tara na kain muna tayo?" Aya na nito matapos niya akong makita.

"Ano pinag-usapan niyo?"

"Nagpa-reserved ako ng jetski na gagamitin natin," tugon nito.

Hindi na ako sumagot at tumango na lang sunod ay tumungo na kami nito sa restaurant upang kumain. Nasa kalagitnaan kami ng pagkain ng maisipan kong buksan ang phone ko baka may nag-chat na sa'kin.

"Dapat iniwan mo na iyang phone mo sa silid natin mababasa lang iyan." saad ni Pol nang makita nitong ilabas ko ang phone mula sa bulsa ko.

"Dinala ko nga para makapag-picture ako, may nakita akong waterproof plastic na lagayan ng phone doon sa may tindahan balak kung bilhin para magamit ko ang phone ko." Tumango naman ito bilang sagot at hindi na kumuntra pa.

Pinagpatuloy namin ang pagkain habang binuksan ko naman ang phone ko.

Group chat naming magkakaibigan ang tanging chat sa messenger ko, kahapon ko pa hindi binuksan ang messenger ko simula ng dumating kami rito ni Pol.
Nag backread ako mula sa huling chat na nabasa ko. Mukhang ngayon lang naman lahat ang chat nila.

Mia: Happy Anniversary sa inyo Kuya, maglumpuhan kayo jan hanggang gusto niyo.

Kyle: Sana sa lugar na iyan mabuo ang pinakahihintay ninyong regalo, happy anniversary to the both of you.

Raf: Kuya Pol, siguraduhin mong lumpong uuwi iyan si Angel naku pag hindi pa nabuntis iyan humanap ka na ng iba, habang maaga pa. Happy anniversary guys!

Audrey: Siguradong dilig na dilig ang halaman ni Angel sa mga oras na ito, HAHAHA. Congrats lovebirds wishing you all the best. Pero mas masaya siguro kung sinama niyo kami jan sa beach ang daya niyo.

Lyn: Magpakasal ka na rin kasi Drey para madiligan ka na. Hahaha.
Lyn: Angel, baka naman kinalimutan mo pang dalhin ang malupitan mong bikini, naku girl sinasabi ko sa'yo hahaha. Happy anniversary guys, sana next year tatlo na kayong magce-celebrate, good luck.

Castillo-Vera (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon