Chapter 51 The Engagement
1 Months later.
Angel's POV
Tama nga marahil ang kasabihin na sa hinaba haba man ng daan sa simbahan pa rin ang tuloy.
Nakumbinsi namin ang dalawa na madaliin ang kasal habang si Audrey ay nagpapagamot ng PCOS niya, wala talagang gamot sa sakit na iyon pero sumailalim pa rin siya sa ilang buwan na gamutan para mapataas ng chance niya na magka-anak.
Kahit anong mangyari at kahit ayaw nila, magkakaanak talaga silang dalawa sigurado na iyon dahil iyon ang second plan namin na mangyayari kapag naikasal na ang dalawa, kay buti talaga naming kaibigan.
Bago isipin ang second plan, kailangan na muna naming unahing isipin ngayon ay kung anong kalalabasan ng engagement nila sa gabing ito.Magkakasama na kaming dumating nina Mia, Kyle at Pol. Mukhang nauna pa nga kami dahil wala pa sina Raf kasama ang mga magulang nito. Sa bahay lang nina Audrey gaganapin ang engagement, malaki rin naman ang bahay nina Audrey at kami lang rin naman ang bisita kasama ang mga magulang ni Raf. Alam na rin naman nina Audrey at Raf na private wedding na lang ang gagawin kung sakaling pumayag ang mga magulang nila, mas okay na iyong private para kami-kami lang ang bisita at walang unwanted guest na biglang susulpot para patigilin ang kasal, mahirap na mas okay pa rin na sigurado. Kapag marami rin naman kasing bisita double pa ang gastos tapos makakarinig ka pa ng chismis na hindi masarap ang handa, ayos 'di ba?
"Hoy Lyn, nauna ka pa pala sa'min?" salubong ko kay Lyn nang maratnan namin ito sa sala ng bahay nina Audrey, mag-isa lang ito.
"Kakarating ko lang din, hindi niyo ba sinama mga junakes niyo?" napapalingon pa ito na wala kaming mga kasamang bata.
"Mabilis lang naman tayo rito kaya hindi na namin sinama ang mga bulilit, sa kulit ba naman ni Khian baka puro pagsaway lang nagawa namin dito imbis na nag-iisip tayo para matulungan makumbinsi ang mga magulang ni Audrey." natakpan ni Mia ang bibig niya nang makitang papalapit na sa'min si Audrey kasama ang mama nito sana lang hindi iyon narinig ng mama ni Audrey dahil sa tabil ng dila ni Mia.
"May lahi talagang akyat bahay itong si Angel eh, hindi manlang muna kumatok nasa loob agad ng bahay." salubong ni Audrey at ako agad ang pinagbintangan.
"Maka-akyat bahay ka naman ang lala, hindi naman kami umakyat kasi bukas naman iyong gate kaya dumiretso na kami ng pasok."
"Nangatwiran pa ang walang'ya," panunupalpal nito. Imbis na makipagtalo kay Audrey ay binati na lang namin ang mama nito.
Mas mukha pang nanay si Audrey sa kanilang dalawa ng mama niya, palihim akong natawa sa isip ko."Maupo muna kayo, malapit na raw sina Raf hintay-hintay na lang tayo," aniya saka naman ako napatango rito.
Naagaw ng atensyon ko ang isang silya sa may gilid na maganda ang desinyo, katulad ang silyang iyon sa mga upuan na nakikita sa pabalas na parang upuan ng hari at siguradong special na tao lang nauupo roon.
"Ang social ng upuan niyo sis ah, parang upuan ni Satanas." naghagalpakan sa tawa ang mga kasama ko maliban kay Audrey na sumalubong ang kilay.
"Ganoon ba kalala ang trauma na pinagdaanan mo at tuluyang ka nang nawala sa katinuan? Tang*na kailan ka pa nakakita ng upuan ni Satanas?" halos sikapin ni Audrey na magpigil ng pasensya para lang hindi niya ako masaktan.
"Ngayon pa lang, ang astig 'di ba." manghang-mangha pa ako kunwari.
"HAHAHAHA." Patuloy sa pagtawa sina Mia sa'kin.
Sunod akong hinila ni Pol paupo upang awatin sa kawalanghiyaan ko, hindi ko rin alam eh masaya na kasi ulit ako kaya andami na namang kaluluwa ang sumapi sa katawan ko na karamihan demonyo pa.
BINABASA MO ANG
Castillo-Vera (Book 3)
RandomAngel Castillo living her dream life with the man she chose to marry. A perfect life had not yet an happy ending. One day they plan a vacation to celebrate their 2nd wedding anniversary, they had an accident and her husband Apollo Vera suddenly disa...