Chapter 31

0 0 0
                                    

Nari's POV

Ang narrator na bida-bida ay nagbabalik. Nakapagbakasyon na ba lahat?
Sana all.

...

Kasalukuyan nang nakaupo ang lahat paikot sa salang iyon, nakiusap ang Papa ni Mia sa nanay ni Marian kung p'wedeng ipaliwanag sa kanila ang lahat ng nangyayari, pilit pinapakalma naman ni Mia si Angel dahil halos kapusin na ito ng hininga dahil sa galit. Ayan kasi eeksena-eksena, paanakin kaya kita ng maaga makita mo.

"Years ago." panimulang kwento ng nanay ni Marian. Ano sis papunta na ba 'to sa mala-MMK 'di naman ako na inform sana nakapag-ayos ako ng mala Charo Santos para medyo feel ko iyong pag nanarrate. Shuta...

"Pinagsisihan ni Marian ang nagawa niyang panggugulo noon sa kasal ninyo Mia, ngunit noong araw na iyon muling bumalik ang sigla niya ng malaman na hindi naman pala si Pol ang ikinasal. I've seen so much improvement on her, paulit-ulit niyang sinasabi sa'kin na magpapagaling siya para balikan siya ulit ni Pol, aayusin niya ang sarili para mahalin ulit siya ni Pol kagaya ng dati." kwento ng nanay ni Marian na tanging sa magkahawak kamay lang nito nakatuon ang tingin, sobrang kahihiyan na ang nararamdaman niya para tumingin pa ng diretso sa mata ng kahit sino sa mga nakapalibot sa kaniya.

"But all of the improvement on her suddenly changed, bigla ulit nagbago lahat at bumalik siya sa pagiging iritable at mainitin ang ulo ng malaman niya na ikinasal na si Pol."

"Nagpakita siya noon sa gabi ng kasal namin ni Pol at humingi ng tawad sa lahat ng nagawa niya, puro kasinungalingan lang ba iyon lahat?" nagtanong si Angel habang tanging pakikinig lang ang nagagawa ng iba.

Saglit na tinapunan ng tingin ng ginang si Angel sunod ay agad ding umiwas.

"Meron siyang ugaling ganoon, nagagawa niyang magpaawa, nagagawa niyang tumawa, nagagawa niyang itago lahat ng emosyon para lang hindi ipakita sa lahat ang totoong nararamdaman niya. Pero kapag mag-isa na lamang siya doon niya inilalabas lahat iyong tipong nagagawa niyang saktan kahit na mismong sarili niya. Nawalan ulit siya ng pag-asa na muli siyang mamahalin ni Pol nang malaman na nag-asawa na ito. I was tried to convinced her na hindi lang si Pol ang lalaking mahahanap niya ngunit ayaw na niyang makinig. Pinilit ko siyang ipagpatuloy ang gamutan para matulungan siyang gumaling ngunit ang sabi niya hindi naman siya baliw. Wala akong nagawa, sobrang hirap bilang isang ina na ako na rin mismo ang nahihirapan sa oras na sinusumpong siya ng sakit niya, nasasaktan niya ang sarili niya. Gustong-gusto niyang maging sila ulit ni Pol kahit na maling-mali na'ng naisin pa niya iyon dahil may asawa na ito."

"Minahal niya si Pol at itunuring niya itong mundo niya, wala akong magawa para pigilan siya sa gusto niya. Palaging mga hikbi niya sa gabi ang naririnig ko, pangalan ni Pol ang sinasambit niya sa tuwing nanaginip siya, walang araw na wala siyang ibang bukam bibig kun'di si Pol, paulit-ulit at gasgas na sa pandinig ko ang mga kwento niya kung gaano sila kasaya ni Pol noong sila pa. Sabihin niyo sa'kin... sabihin niyo, masisisi niyo ba ang anak ko kung si Pol ang gustong-gusto niya dahil si Pol ang nagparamdam sa kaniya ng pagmamahal na hindi na niya mahanap sa iba, ipinaranas ni Pol sa kaniya ang pagmamahal na hinihiling maranasan ng mga kababaehan." nangingilid luhang saad ng ginang na nagpatahimik sa lahat kahit na ang mga magulang ni Mia.

Masisisi niyo ba si Kuya Pol, mapagmahal lang siya. Good boy.

"Iba rin, mapagmahal ang Apollo namin saan ka pa?" pabirong nagsalita si Raf at sunod rin natahimik ng makatanggap siya ng masasamang tingin mula sa mga kaibigan.

"I witnessed a heavy tears from the eyes of my daughter because of your son, I witnessed how my daughter suffer from her illness every single day at kahit sisihin ko naman ang anak ninyo alam kong wala siyang kasalanan." sunod na tumingin ang ginang sa mga magulang ni Mia.

Castillo-Vera (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon