Chapter 28 dukutin si apollo (part 2)
Kyle's POV
Sarado na ang ilaw sa loob nang makapasok ako, saka sumunod si Raf sa'kin. Mabilis kaming nakatago sa isang sulok nang may kumalabog sa kung saan sunod ay lumiwanag ang paligid.
Doon namin nakitang nasa loob kami ng kusina at nakita ang mga sarili namin na nakasiksik sa gilid ng aparador.
"Shit, asan na 'yun?" mahinag boses ni Kuya Pol ang narinig namin saka kami bahagyang sumilip ni Raf at nakitang nakayuko si Kuya sa may ilalim ng mesa na may kung anong hinahanap.
"Ito na Raf chance na natin 'to, asan na ang pangpatulog?" mabilis kong hiningi kay Raf ang pampatulog na dala namin para mabilis na namin makuha si Kuya, ito na ang pagkakataon habang wala pang ibang tao.
Mabilis na hinanap ni Raf ang hinihingi ko na alam kong isinilid niya kanina sa isa sa mga bulsa ng suot niya kasama ang panyo.
"Bilisan mo." aborido kong sabi bago pa kami makita ni Kuya Pol.
"Sandali, ito na." mabilis na nilabas ni Raf ang panyo at isang maliit na bote na pang spray na may laman na pangpatulog. Mabilis niyang ini-spray-an ang panyo ng talong beses para medyo madami at talagang mabilis makakatulog si Kuya Pol. Bahagya ko pang tinakpan ang ilong ko para hindi ko iyon malanghap. Ngunit laking gulat ko nang matapos ang ginawa ni Raf inamoy niya ang panyong nilagyan niya ng pangpatulog.
"Inamoy ang pota, gago anong ginawa mo?" hindi makapaniwalang sabi ko sunod kong nakita ang tila nagdidirelyo nitong mata pilit nilalabanan ang antok.
"I-inamoy ko kung gumagana, Momsh inaantok na ako effective nga." kitang-kita ko ang mabibigat na talukap ng mata ni Raf na talagang pinipilit na lang niyang huwag mag lapat.
Hinila ko siya at pilit pinaupo bago pa matumba dahil sa sobrang antok.Lang'ya ito na nga ang sinasabi ko eh, mas kakabahan talaga ako sa kawalanghiyaan ng mga kasama ko. Juice colored.
Kung magiging assassin man talaga kami balang araw jusko HUWAG NAMAN SANA baka kami pa unang mamatay. Kung alam ko lang na ganito, sana ako na lang mag-isang kumilos kayang-kaya ko naman ito gawin mag-isa ng walang kasama na may mga saltik sa utak.Hinablot ko na kay Raf ang panyong nilagyan niya ng pampatulog saka ako mabilis na tumungo sa kinaroroonan ni Kuya Pol na patuloy na may hinahanap na kung anong bagay sa ilalim ng mesa.
Mabilis akong nakalapit sa likod niya ng hindi niya namamalayan saka ko agad na inilapat sa bibig niya ang panyo habang nakatalikod ito sa gawi ko.Hindi ko inaasahang mabilis siyang tatayo at humahagupit na suntok ang natanggap ko sa kanang bahagi ng mata ko, huli na bago ako nakailag ng maramdaman ko nang kumukirot na ang kalahating parte ng mukha ko. Lang'ya bull's-eyes.
Paulit-ulit akong napamura sa sobrang sakit ng kanang mata ko na tinamaan niya ng suntok. Mukhang kailangan ko na ulit mag practice para sa susunod mabilis na akong makakailag. Nagsisisi na akong ito ang planong naisip ko, ako lang ang nahirapan sa suhistiyon ko kung p'wede lang sanang umuwi na lang kanina ko pa ginawa. Lang'ya.Gulat sa mukha ni Kuya Pol ang sumilay ng makita ako, ngunit hindi naman nagtagal iyon dahil matapos ng ilang sigundo ay napapikit na ito dahil sa antok. Bago pa lumagabog ang katawan niya sa sahig ay inagapan ko at mabilis na pinasan ito sa likod ko. Ipinagpapasalamat ko na lang na hindi ito ganoon kabigat kaya nakaya ko siyang buhatin mag-isa, pansin na rin ang ipinayat ni Kuya Pol matapos ng ilang buwan namin itong hindi nakita.
Mabilis na akong naglakad habang pasan ko si Kuya Pol sa likod, nilapitan ko si Raf na nakasalampak na sa may gilid ng aparador. Pinaulanan ko rin ito ng malakas na suntok sa kaliwang mata niya upang gisingin siya.
Hindi yata ako makakapayag na ako lang ang may black eye kinabukasan, mautak ako 'no damay-damay na.
"Ouch. ouch." naiwagayway ko pa sa hangin ang kamay ko sa sobrang sakit. Sa ginawa kong iyon ako lang yata ang nasaktan, walang katapusan akong paulit-ulit na napamura sa isip ko dahil sa sakit ng kamao ko ng tumama sa mukha ni Raf.
Pupungas-pungas na nagising si Raf ngunit mukha yatang hindi niya ininda ang suntok ko dahil sa sobrang antok nito sa nilanghap na pangpatulog.
"Gumising ka jan, iiwanan kita rito hindi ko kayang magbuhat ng dalawang tao bahala ka na jan." ani ko saka mabilis na naglakad papalabas ng pinto sa likod bahay habang pasan sa likod ko ang walang malay na katawan ni Kuya Pol.
Hindi ko pinansin si Raf kung sumunod ba ito sa'kin o hindi, bahala na siya iiwanan na lang namin siya pag hindi siya magising. Siya na lang ang pumalit kay Kuya Pol at magpa-alipin kay Marian.
Mabilis akong naglakad at tinungo kung saan naroon ang sasakyan namin, mabilis din naman akong sinalubong nina Mia at Audrey. Pinagbuksan na rin ako ni Mia ng pinto sa likod ng kotse para maipasok ko si Kuya Pol habang si Audrey naman ay iniilawan ako gamit ang isang flashlight.
"Teka ano nangyari kay Raf?" Matapos kong maayos ang pagkakaupo ni Kuya Pol sa kotse ay napalingon na ako kung saan nakatingin si Mia.
Nakita namin si Raf na animo'y lasing na susuray-suray sa dilim at pinipilit humakbang kahit hirap na hirap na.
"Nakasunod din sa wakas." Sunod akong humagalpak sa kakatawa. Naisip ko na kung anong magiging itsura namin dalawa ni Raf bukas na parehong nasuntok sa mukha.
"Bilisan mo, iiwan ka na namin!" Pilit akong sumigaw para pagmadaliin ito sa paglalakad kahit kita ko naman na hirap na hirap na ito.
"Ano bang nangyari jan at para nang zombie kung maglakad?"
"Siya ang unang umamoy sa panyo na nilagyan niya ng pangpatulog." natatawa kong sagot kay Mia.
"Adik, loko-loko talaga HAHAHA." doon na rin humagalpak ng tawa si Audrey.
"Lapitan niyo na iyon, kaladkarin niyo na para makaalis na tayo bago may makapansin." Mabilis na sumunod ang dalawa sa sinabi ko at nilapitan si Raf na medyo malayo pa ang distansiya sa sasakyan.
May hawak ng flashlight si Audrey kaya hindi na sila masyadong nangangapa sa dilim at mabilis na pinagtulongan ng dalawa si Raf na kinaladkad pabalik sa sasakyan. Sinama ko pa naman si Raf para may kapalitan ako sa pagda-drive deputa, mukhang sa lagay niyang iyan hindi na niya kakayanin mag drive, tinalo pa niya ang lasing na hindi na makapag-isip ng matino.
"Drey kaya mo ba mag-drive?" tanong ko kay Audrey, alam ko rin naman kasi na marunong ito at may lisensya na, siya na lang ang pag-asa ko baka hindi na kayanin ng mata ko ang antok, nararamdaman ko na rin ang kirot ng kanang mata ko na tinamaan ng suntok ni Kuya Pol. Malalim na rin ang gabi baka makatulog ako sa byahe.
"Sige ako na magda-drive, palitan tayo mga dalawang oras para makaidlip ka rin." pumayag si Audrey.
Halos limang oras kasi ang byahe pabalik sa manila mula rito sa probinsya na kinaroroonan namin ngayon, mabuti na lang may maaasahan pa. Mabilis naming isinakay si Raf na talagang lupaypay na ang katawan at pilit na lang tumatayo.
Nagkapalit kaming apat nang pwesto, kung kanina kaming dalawa ni Mia sa unahan ngayon ay sina Audrey at Raf na. Tuluyan nang nakatulog si Raf at nilagyan na lang namin nang seatbelt para hindi umaalog ang katawan sa upuan. Napapagitnaan naman namin ni Mia sa upuan si Kuya Pol na wala pang malay, ilang oras rin yata ang epekto nang pangpatulog.
Pinilit kong umidlip saglit para maipahinga ko muna ang sarili ko, habang ramdam na ramdam ko na ang kumikirot sa sakit na kanang mata ko. Hindi ko yata makakayang tingnan ang mukha ko sa salamin kinabukasan kapag nagkablack-eye ako, bakit ba naman kasi hindi ako nakailang, lang'ya.
Pilit nabawasan ang inis ko ng maisip kong iginanti ko naman pala ang sarili ko at sinuntok ko rin si Raf, ewan ko na lang kung anong magiging reaksiyon nito bukas kapag nakita rin niya ang sarili niya ngunit wala siyang matandaan sa nangyari.
BINABASA MO ANG
Castillo-Vera (Book 3)
SonstigesAngel Castillo living her dream life with the man she chose to marry. A perfect life had not yet an happy ending. One day they plan a vacation to celebrate their 2nd wedding anniversary, they had an accident and her husband Apollo Vera suddenly disa...