Chapter 48

0 0 0
                                    

Chapter 48 friendly advice

Yohan's POV

Pinanood ko ang taxi na sinasakyan ni Audrey hanggang sa tuluyan na itong maglaho sa paningin ko. Malalim pa akong humugot ng buntong hininga habang pilit ginagawang ayos ang sarili ko, matapos marinig ang mga kwento ni Audrey inaamin kong bumalik lahat sa'kin, lahat ng pagsisisi noon dahil sinukuan ko si Angel sa isang simpleng dahilan lang. Nakakapanghinayang lang na hindi siya ang kasama ko hanggang katapusan.

But, atleast I can be happy now kasi alam kong masaya na rin siya sa lalaking mas deserved ang pagmamahal niya, hindi sa isang tulad ko.

Muli na akong naglakad papasok at kinuha ang isa pang milktea sa counter na inorder ko kanina saka naglakad papalapit sa table ng ex ni Audrey. Nandito pa rin kasi ito kahit nakaalis na si Audrey.

Bigla pa nitong ikinagulat nang ilapag ko sa harap niya ang milktea mukhang hindi naman kasi ito umurder kaya libre ko na lang ibibigay sa kaniya ang isa.
Tinapunan lang nito ng tingin ang milktea na iyon saka tumingin sa'kin, ngunit agad ding umiwas nang makita na ako ang nasa harap niya.

Hinila ko ang isang upuan na nasa harap niya sunod akong naupo roon, habang hinayaan niya lang ako. Bago nagsalita ay sinuri ko pa ang kabuuan niya habang hindi nito magawang makatingin sa'kin ng diretso.
He's look nice naman, mukhang edukadong tao. He's body looks fine also hindi ito payat at hindi rin naman mataba, saktong-sakto lang ang katawan niya habang bilugan ang mukha kaya nagmumukhang chubby, and the skin color pinoy na pinoy hindi maputi pero hindi rin masasabing maitim almost perfect.

"You know what? If you really love her then do everything to win her back, bro. Huwag kang magpakaduwag at dumating na lang sa point na wala ka nang magawa kung hindi ang magsisi kasi sinukuan mo siya." pagsasalita ko dahilan para maagaw ko na ng atensyon nito.

Tiningnan niya ako ng may pagtataka saka ngumisi.

"Boyfriend ka niya, bakit mo sinasabi sa'kin 'yan nag-iisip ka pa ba?" pigil sa inis na saad nito.

"Malamang nag-iisip ako ano ba sa tingin mo bobo ako? Huwag mong paniwalaan ang sinabi niya hindi iyon totoo, mag-kaibigan lang kami ni Audrey, ex ako ni Angel." ang huling salitang sinabi ko ay tila ba isang napakahalagang bagay na gusto kong ipangalandakan sa mundo at isang karangalan kong maituturing na ex ako ni Angel.

"So, hindi kayo?" paninigurado nito saka ako umiling.

"Ginawa niya lang iyon para iwasan mo siya, sa tingin ko naman kilala mo na si Angel 'di ba?"

Tumango ito. "Sinong hindi makakakilala roon eh kapag nakikita ko 'yun puro pang-aasar ang nagagawa sa'kin, na-meet ko si Angel noong kasal niya bago lang kami ni Audrey at ipinakilala niya ako sa mga kaibigan niya."

"Si Angel ang babaeng minsan kong pinangarap na makasama habang buhay, pero hindi umabot sa huli. I cheated on her, nasaktan ko siya at dumating sa point na kusa na siyang napagod at sumuko, wala akong nagawa para bumalik siya sa'kin at ngayon tangi ko na lang nagagawa ay magsisi ng paulit-ulit kasi hindi ko siya nagawang ipaglaban noon." Mukhang nauunawaan naman ng lalaking ito ang mga sinasabi ko.

"Friendly advice lang, lalaki sa lalaki bro, kung mahal mo talaga si Audrey ipaglaban mo siya hanggang hindi niya sinasabing tumugil ka ituloy mo lang, huwag kang gumaya sa'kin na naging duwag noon at puro pagsisisi na lang ang nagagawa ngayon kasi nakikita kong sobrang saya na ng taong mahal ko sa piling ng iba." Tumayo na ako matapos ng mga sinabi ko.

"Kung gusto mo siyang balikan, una mong kausapin ang mga kaibigan niya dahil sa oras na nakuha mo ulit ang loob nila at bigyan ka ng second chance sinasabi ko sa'yo baka sila pa ang gumawa ng paraan magkabilakan lang kayo ni Audrey," dagdag ko pa.

"P'wede mo naman palang kausapin ang mga kaibigan niya noon bakit hindi mo ginawa?" tanong niya sunod na ring tumayo paharap sa'kin.

"I was tried, pero hindi ganoon kadaling ibalik ang mga tiwala nila, limang kaibigan niya ang kinumbinsi ko noon para lang patawarin ako at magkabalikan kami ni Angel, ngunit hindi nangyari hindi na nila ako binigyan ng chance dahil sila na mismo ang nagsabi sa'kin na hahanapan nila si Angel ng taong mas deserved at mamahalin ito ng sobra." Mapait akong napangiti dahilan para dumilim ang awra nito, mukhang kinabahan na siya sa mga sinabi ko hindi malabong mangyari na katulad ko hindi na rin siya bigyan ng chance ng magkakaibigan.
Kapag may nanakit sa isa, hindi na nila hahayang bumalik at maging parte ulit ng mga buhay nila. Siguradong mas mahihirapan siyang gawin iyon dahil kilala ko ang mga kaibigan ni Audrey.

"Good luck pasalamatan mo'ko pag binigyan ka nila ng chance, tanggapin mo ang milktea libre 'yan mula sa'kin ingat ka pauwi." tinapik ko pa ito sa balikat saka ko siya tinalikuran.

Sunod na akong tumungo sa may counter upang ayusin at bilangin ang kinita ng milktea house sa araw na ito.

Angel's POV

"Love, may bisita tayo," saad ni Pol saka ko ito nilingon mula sa may pinto matapos niyang pagbuksan sa labas at papasukin ang bagong dating.

Mabilis na sumilay sa labi ko ang ngiti ng makita ko ang isang basket na puno ng mga prutas na bitbit ng bisita, iyon kasi ang unang natapunan ko ng tingin.

Iyan ang mga bisitang gusto kong dumadalaw sa akin eh, iyong may dalang pasalubong hindi katulad ng mga kaibigan ko na puro kawalanghiyaan ang dala simula sa pagdating hanggang pag-alis.

"Hi, Angel." kalmadong bati ng bisita, huli na nang mapagtanto ko kung sino iyon. Ex pala ni Audrey na si Kimbert.

"Oh ikaw pala, Kim. Tuloy ka, maupo ka." Mabilis ko siyang inalok ng mauupuan nakakahiya naman kung susungitan ko ito baka bawiin ang mga dala niyang prutas. 
Bago ito naupo ay inabot niya kay Pol ang dala niya na malugod namang pinasalamatan ni Pol, saka dinala ni Pol ang mga prutas na iyon sa kusina.
Napangiti pa ito ng mapasulyap siya sa baby ko na natutulog sa crib, nasa gitna ng sala ang crib kaya naman makikita niya talaga ang baby.

"Kumusta, napadalaw ka yata?" tanong ko rito.

"Wala, binisita lang talaga kita congrats nga pala." nahihiya pang sabi nito kahit mapapansin naman na tila may sadya ito at gustong sabihin.

"Salamat." nakangiti kong pasalamat rito.

"Pre, nagdala ako ng maiinom mag-juice ka muna." bumalik si Pol mula sa kusina dala ang baso at isang pitsel na may laman na orange juice.

"Naku, nag-abala ka pa salamat."

"Love, ikaw muna magbantay kay baby may kukunin lang ako sa kwarto, kausapin mo na rin muna si Kim," saad ko Pol saka ko muna iniwan ang dalawa sa sala.

Mabilis akong umakyat sa kwarto at hinanap ang phone ko, nang makita iyon ay mabilis kong ti-next si Mia.

'Mia, nandito 'yung ex ni Audrey sa bahay pumunta kayo rito bilis.' matapos ma sent iyon kay Mia ay naghintay ako ng reply nito.

Kahit hindi pa sinasabi ni Kim mukhang natukoy ko na ang sadya nito, nabanggit ni Audrey sa'min na nagkita sila ni Kim noong sabado at gustong makipagbalikan nito baka gustong magpatulong ng loko para magka-ayos sila ni Audrey. Well, well, well... hahaha sorry siya kasi hindi mangyayari ang gusto niya dahil nandoon na kami sa plano na si Raf at Audrey ang magkakatuluyan. BWAHAHAHA.

Pareho na rin namang agree sina Raf at Audrey sa isa't isa na kapag wala silang nahanap na tamang tao sila na lang dalawa, kaya ginagawa na namin ang plano na madaliin at makasal ang dalawa. Hindi na iyon dapat mahadlangan pa ni Kim kaya kahit magmakaawa siya na tulungan hindi iyon mangyayari.

Ilang saglit na ang lumipas ay wala akong natanggap na reply ni Mia kaya bumaba na lang ulit ako, ikinagulat ko na lang na matapos kong makababa sa hagdang ay magkasunod na pumasok naman sa pinto sina Mia at Kyle. Mga sira ulo rin talaga ang dalawang ito, mukhang sa lagay na ito kami pa ang naging hadlang sa pag-iibigan ni Kim at Audrey. Well doon na kasi kami papanig sa taong alam namin na mas deserve kahit hindi strainght, kisa sa red flag na magpupumilit bumalik matapos makasakit. Wala nang atrasan ito, sekrito naming malupit ito nina Mia kaya hindi kami titigil hanggang hindi nagtatagumpay. Raf and Audrey for the win.
Sorry ka na lang, Kim. Our baboy friend are destined to our joklang friend walang makakapigil sa'min.

Castillo-Vera (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon