Chapter 42 pagsasaya o pagluluksa?
Mia's POV
10:18 pm nang tingnan ko ang oras sa phone na hawak ko kasabay noon ang malakas na pag-iyak ng sanggol mula sa loob ng kwarto ang narinig namin.
Mukhang nakaraos na si Angel. Ang katahimikang iyon ay binasag nang iyak ng sanggol na nagbigay ng labis na kasiyahan sa aming lahat.Bigla pa naming ikinagulat ni Kyle ang mabilis na pagbukas ni Kuya sa pinto at tinalo pa si Flash sa sobrang pagmamadaling makapasok. Natawa na lang akong napailing-iling sa ginawa nito mukhng sobrang excited na talaga itong makita ang anak niya.
Wala na kaming nagawa ni Kyle para pigilan si Kuya kaya napasunod na lang kami rito.Agad din kaming napahinto sa pagpasok at labis na pag-aalala ang sunod naming naramdaman ng makita ang walang malay at namumutlang mukha ni Angel, nasa tabi nito ang Lola niya habang pinupunasan ang pawis sa noo.
"Love?" Iyong akala namin na unang lalapitan ni Kuya ang anak niya ay hindi pala, nag-aalala itong nilapitan ang asawa habang duguan ang bandang nasa pagitan ng hita ni Angel marahil dahil sa panganganak. Abala ang isang doctor na pinuputol ang pusod ng sanggol na patuloy sa pag-iyak habang ang isang doctor naman ay may kung anong inaayos sa oxygen tank saka inilagay sa bibig ni Angel ang oxygen mask.
"Doc, anong nangyari?" pagtataka ni Kuya.
"Nawalan ng malay si Angel, mukhang hindi kinaya ng katawan niya maghintay muna tayo ng ilang saglit bago siya lumakas ulit." paliwanag ng doctor sa'min.
Napatango na lang rin ako saka na ako lumapit sa sanggol na patuloy sa pag-iyak. Ang ingay ng iyak na iyon ngunit pakiramdam ko tila ba isang awitin sa pandinig ko ang iyak niya. Inilapag na ng doctor ang may dugo pang katawan ng sanggol sa dibdib ni Angel upang maramdaman ng sanggol ang pintig ng puso ni Angel. Binati naman si Kuya ng mga doctor ng congratulations sa pagiging ganap nitong ama.
"Congrats Pol, it's a healthy baby girl." saad ng isang doctor na may hawak ng baby.
"Congrats Kuya Pol, mukhang kailangan mo nang paghandaan na dumating ang araw na sasakit ang ulo mo kapag pinilahan ng mga binata iyang anak mo." pagbibiro pa ni Kyle kay Kuya.
"Congrats Kuya, apaka gandang bata ng baby mo."
"Kanino pa ba magmamana." pagmamayabang nito kahit halatang mas lamang at mas kahawig ni Angel ang baby.
"Congrats, Pol. Nakakatuwang pagmasdan ang napakagandang baby mo." tuwang-tuwa namang sabi ni Lola Nancy.
Saglit kaming nanatili sa ganoong sitwasyon habang tuwang-tuwa na pinapanood namin ang napakagandang sanggol na umiiyak sa dibdib ni Angel.
"Ma'am, gising na po si Khian." naagaw na ang atensyon naming lahat ng biglang may magsalita sa may pinto, si Ate Elle karga ang bagong gising na anak ko.
Malalim na ang gabi, mukhang nagising na si Khian na wala kami sa tabi niya si Ate Elle lang kasi ang inutusan namin na magbantay nito simula ng makatulog si Khian. Agad na rin naman sinalubong ni Kyle si Ate Elle at ito na ang kumarga sa bata."Look baby, kuya ka na." natutuwang itinuro pa ni Kyle ang baby ni Kuya Pol, inosenteng nakatitig lang si Khian sa baby na tila pilit pang inuunawa kung anong nangyayari sa paligid niya.
"Wala pa kaming naisip na pangalan sa baby mo Kuya, anong ipapangalan mo sa kaniya?" natanong ko na.
"Samantha." agad na sagot ni Kuya na ikinamangha naman namin. Ganoon siya kabilis na naka-isip ng magandang pangalan samantalang kami halos pagtalunan namin kung anong unique na ipapangalan sa baby ni Angel noong nakaraan.
"Samantha Angel Vera, iyon ang pangalan niya." pagbanggit ni Kuya sa buo nitong pangalan.
"Naku mabuti na lang at walang malay ang isang 'yan baka ipilit niya na Aloe ang ipangalan sa anak mo." natatawang saad ni Kyle nang maalala pa ang balak ipangalan ni Angel sa anak.
"Bakit, Aloe?"
"Aloe, kapag pinagsama ang pangalan at apelyido, magiging Aloe Vera sinong matino ang makakaisip noon 'di ba." sagot ko kasabay noon ang sabay-sabay na tawanan ng mga nakarinig saka napatampal na lang si Kuya sa noo niya.
"Bakit naka-isip ka kaagad ng pangalan hindi mo nga naman alam na babae ang anak mo?" dagdag ko pa.
"Alam ko na matagal na, nandoon ako sa party niyo nang mag-gender reveal party kayo. Dinala ako ng mga paa ko noon sa lugar na iyon kahit wala akong maalala. Kaya sobra akong nagulat ng bigla ko kayong nakita sa harap ng bahay ni Marian noon at sinasabing kayo ang totoo kong pamilya." nagkatinginan na lang kaming tatlo nina Lola Nancy at Kyle na hindi makapaniwala. Nahanap na pala kami ni Kuya bago pa namin siya mahanap, sayang at hindi lang namin siya nakita noon sana mabilis na siyang nakabalik sa'min.
"Naku baka kaya ikaw talaga ang hinihintay ng anak mo ay dahil ayaw niya mabigyan ng pangalang Aloe." dahil sa sinabing iyon ni Kyle muli na naman kaming nagtawanan.
Swerte pa naman ang sanggol sa awa ng diyos, huwag lang sanang magmana sa nanay niyang pinaglihi sa bulbol ni Satanas.
Ilang saglit pa ay pinaliguan na ng doctor ang sanggol, habang nagtulong-tulong naman kami nina Kuya at Kyle na mailigpit ang kamang hinihigaan ni Angel at palitan ng sapit ang higaan niya na sobrang daming nagkalat na dugo dahil sa panganganak.
Nakabalik na sa pagtulog si Khian ng mapatulog ito ni Kyle ulit, habang si Lola Nancy naman tudo bantay parin sa apo at pilit kinakaya ang antok dahil hating gabi na rin na.
Ngunit oras na ang lumipas ay hindi pa rin nagkakamalay si Angel na mas lalo namang ipinag-alala ni Kuya."Doc, ano na sa tingin niyo ang lagay ng asawa ko bakit hindi pa rin siya nagigising?" pag-aalala na ni Kuya.
Hindi sumagot ang doctor sa halip ay sinuri na lang nito ang katawan ni Angel.
"Doc Allison, call an ambulance I think we need to take her in the hospital, bumabagal ang tibok ng puso niya kailangan natin siyang masuri, wala tayong ibang gamit rito at hindi sapat ang oxygen." pare-pareho kaming naalarma sa sinabing iyon ng isang doctor saka dali-dali namang may tinawagan si Doc Allison.
"Masyadong malaki ang baby niya, kaya hindi kinaya ng katawan niya, kailangan natin siyang madala sa hospital bago pa mas lalong humina ang pulso niya." Dumoble ang kaba ko sa mga sinabi ng doctor.
"Oh my gosh." wala sa sariling nasabi ko pa.
"Bakit ba kasi hindi niyo na lang dinala si Angel sa hospital Mia, mas mapapadali sana hindi itong ganito." nagsimula nang manisi si Kuya habang ramdam ko na sobrang kabado na ito.
"Hindi naman namin alam na magkakaganito eh."
"Huwag na kayo magsisihan, Kuya Pol si Angel din naman may gusto na sa bahay siya manganak, nurse siya at alam niya na masyadong madaming sakit na kumakalat kapag sa hospital siya, ayaw din naman namin pumayag noong una eh pero siya ang may gusto nito, huwag kayong magsisihan."
"Paparating na ang ambulansya, ipagdasal na lang natin na kayanin niya." ang sinabing iyon ng doctor ang dahilan kaya natahimik kami.
Kalokang buhay 'to, papunta na dapat sa exciting part bakit biglang ganito pa.
Minuto ang lumipas ay mabilis na dumating ang ambulansya, pinakiusapan namin si Lola Nancy na huwag nang sumama dahil malalim na ang gabi at magpahinga na lang siya. Kaming tatlo na lang nina Kuya at Kyle ang sumama sa hospital kasama ang baby na karga-karga naman ni Kuya. Hindi rin naman namin kailangan iwanan ang bata dahil kakasilang pa lang nito, kailangan rin nitong ma-check para makasigurado na talaga kaming malusog ito at walang sakit.
Mabilis na isinugod sa emergency room si Angel habang naiwan namin kaming tatlo sa labas, kinuha na rin ni Doc Allison ang baby para masuri na ito at sinabihan na maghintay na lang kami kung anong magiging resulta sa mag-ina ni Kuya.
Ramdam na ramdam ko na ang tensiyon at takot na nararamdaman ni Kuya, kahit ako naman ay hindi na mapakali. Pinakiusapan ko si Kyle na tawagan sina Mama at ibalita ang nangyayari kaya agad naman itong sumunod. Naiwan ako sa tabi ni Kuya para naman damayan ito sa pinagdadaanan niya.
Saglit ang lumipas ay may isang nurse ang lumabas ng Emergency room, malungkot ang mukha nitong lumapit sa amin ni kuya kaya madali kaming napatayo at hinarap ito.
"I'm sorry sir, but the patient didn't survive." malungkot na tinig na saad ng babaeng nurse na tuluyang nagpaguho sa mundo ni Kuya na unti-unti na sanang bumabalik sa dati.
BINABASA MO ANG
Castillo-Vera (Book 3)
De TodoAngel Castillo living her dream life with the man she chose to marry. A perfect life had not yet an happy ending. One day they plan a vacation to celebrate their 2nd wedding anniversary, they had an accident and her husband Apollo Vera suddenly disa...