Chapter 33

0 0 0
                                    


Chapter 33 next plan

Mia's POV

Matapos naming kumain ay kaming anim na magkakaibigan na lang ang naiwan sa mesa kaharap ng mga platong hugasin. Nasa sala na sina Mama kausap ang Lola ni Angel habang si Renzo naman ay siya munang nagbantay kay Khian.

"Alam niyo uso sa mga nababasa ko ngayong novel yung taguan ng anak," sambit ko kaya napatingin naman ang mga ito sa'kin.

"Oh tapos?" walang ganang sagot ni Audrey habang nilalantakan ang ice cream na halos siya lang naman ang lumamon lahat, hindi pa naawa sinigurado pa talaga niyang wala nang matitira sa lagayan.

"Balak mo bang itago ang anak ko ah?" sabat ni Kyle dahilan para matawa ako.

"Kabahan ka na Momsh mukhang mawawalan ka ng anak," pananakot naman ni Raf kay Kyle.

"Animal, makinig muna nga kayo sa plano ko pala desisyon kayo eh."

"Plano na naman, deputa Mia kung ano man 'yan huwag mo na ituloy ngayon pa lang kinakabahan na ako." reklamo ni Angel.

"Pakinggan na muna natin ang plano niya, saka kayo umangal kapag walang kwenta," pangungumbinsi ni Lyn. Buti pa talaga si Lyn medyo matino ang utak today.

"Oh sige anong plano mo babe, bukod sa pangki-kidnap?"

"Ganito kasi, balak kung taguan siya ng asawa." saad ko na at sabay-sabay silang gulat na tumitig sa'kin.

"Huh?" halos sabay-sabay na usal rin ng mga ito.

"Sinasabi ko na nga ba eh, kawalanghiyaan na naman 'yan." napatampal pa sa noo si Angel.

"Makinig muna nga kasi kayo," pamimilit ko pa sa mga itong pakinggan ako. "Kung hindi natin mapipilit si Kuya na bumalik huwag na natin pilitin, nabanggit ni Angel sa'kin na balak ng Mama niya na papuntahin siya sa ibang bansa at doon na siya manganak. Paano kaya kung sabihin natin kay Kuya Pol na aalis si Angel at magpapakalayo na lang kasi sobra na siyang nasaktan kaya ayaw na niyang idamay ang anak niya?"

"Wait," kay Audrey nabaling ang tingin namin. "Ipapalabas natin na aalis si Angel at iiwanan na ang buhay sa pilipinas at kakalimutan na lang si Kuya Pol?"

"Exactly, pero iyong totoo hindi naman talaga aalis si Angel. Sasabihin lang natin kay Kuya para pag na-realise nito ang nararamdaman niya kay Angel baka maalala na niya ang lahat at maisip na hindi niya kakayaning mawala si Angel sa buhay niya, hintayin nating si Kuya naman ang humanap kay Angel, siguradong pagnaka-alala na si Kuya hahanapin din nito ang anak niya, ano sa tingin n'yo?" nakangising saad ko.

"Brilliant idea Mia, potang *na." matapos ng pagpuri ay minura ako ng malutong ni Angel sabay na tawanan ng mga ito ang nangibabaw sa loob ng kusina.

"Sa sobrang brilliant ng idea mo ikaw ang maghugas ng mga pinagkainan ha." sunod na sabay-sabay tumayo ang mga ito at halos parang kidlat na naglaho sa harap ng hapag habang nakanganga ako sa gulat dahil ako na lang ang naiwan mag-isa kaharap ang mga hugasin na naghihintay makipag-tuos sa'kin.
Mga animal! Paulit-ulit akong napamura sa isip ko dahil sa akin naiwan lahat ng napakaraming hugasin, hindi nga ako naghuhugas ng plato sa bahay ko dahil may katulong kami, dito lang pala ako mapapahugas. Letse.

...

Ilang linggo ang lumipas, pinag-isipan namin ng mabuti ang planong gagawin hanggang sa sumang-ayon na rin naman si Angel sa plano. Hindi namin sinabi kina Mama ang tungkol dito dahil pinagalitan na ako noong nakaraan dahil sa plano ni Kyle na dukutin si Kuya. Ang tanging alam nina Mama dadalhin lang namin si Angel sa medyo relaxing na lugar para naman gumaan ang pakiramdam nito habang papalapit na ang kabuwanan niya kaya agad naman sina Mama na pumayag.

Castillo-Vera (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon