Chapter 14 Okay means what?
Angel's POV
"Tita Angel are you still sad?" tanong iyon ni Khian ng makalapit sa'kin.
Sa isang batang katulad niya ay hindi pa madaling intindihin ang mga nangyayari ngunit, alam kong nararamdaman niya ang emosyon ng isang tao. Nagsimulang malungkot ang mukha nito nang tumango lang ako sa kanya bilang tugon sa tanong nito. Gustuhin ko mang kausapin siya ay baka mas lalo lang sumama ang pakiramdam ko dahil englishero ang anak ng loka-loka baka maiyak lang ako kapag sinampal ako ng kabobohan.
"Tita don't be sad okay."
Walang'ya nagsasalita na naman siya hindi ba niya nararamdaman na ayaw ko siyang kausap jusko. Mia ilayo mo sa'kin ang englishero mong anak bago ko pa ito mabusalan ng buhagin sa bibig parang awa mo na.
Hindi ako sumagot sa sinabi nito at sunod ko na lang naramdaman ay niyakap na ako nito. Pero walang'ya akala ko tapos na ang sasabihin niya may kasunod pa pala.
"I know Tito Pol whould be back soon Tita, Always remember that Mom and I are always be here for you," aniya.
"Mia!" Sumigaw na ako para tawagin si Mia na malapit lang naman sa kinaroroonan namin sunod itong lumapit sa amin dalawa ni Khian.
"Anong problema teh makasigaw ka naman."
"Pagsabihan mo itong anak mo ah, pinagsalitaan ako ng masasakit na salita, nakakasakit sa feelings Mia, ilayo mo ang batang iyan sa harapann ko." Sumbong ko rito na sinabayan pa ng kaunting iyak.
"Hindi ko tinuruan ang anak ko na maging bastos, ano bang pinagsasabi mo jan." Salabong ang kilay sa saad nito mukhang hindi naniniwala sa sinabi ko kaya sunod itong bumaling sa anak niya.
"Baby what did you to Tita Angel?" tanong nito sa bata.
"I just told her that what ever happen you and I are always be here for her Mom." sumbong ng anak.
Matalim na titig ni Mia ang sunod kong natanggap.
"Sinampal ka na naman ba ng kabobohang hayop ka? Deserved mo 'yan." Sunod na tawa nito ang narinig ko.
"Ilayo-layo mo 'yang englishero mong anak sa'kin mas nadadagdagan ang bigat ng loob ko Mia!" sunod kong singhal rito.
"Baby don't talk to Tita again okay because Tita Angel is bobo and she didn't understand you."
"Sige Mia ipagduldulan mo pa sa mukha ko na bobo ako."
"Masakit bang masampal ng katotohanan ah, nakakaintindi ka naman ng english sira ulo ka lang talaga eh," saad pa nito.
"Ilayo mo na iyang anak mo, huwag mong ipapakausap sa'kin pwede ba."
"Ikaw pa talaga ang ayaw, malay mo pag nanganak ka kasing galing mag-english ng anak ko."
"Pakiusap huwag naman sana, ipagmamalaki ko sa buong mundo kapag maging bobo ang anak ko." Reklamo ko dahil hindi ko talaga kakayanin iyon baka maaga akong magpapalayas ng anak dahil walang matalino sa pamilya dapat bobo lahat.
"Let's go baby, don't talk to your crazy Tita okay?"
"Fuck Mom."
Sabay na namilog ang mga mata namin ni Mia sa sobrang gulat nang murahin siya ng anak.
"Hey what did you say? Who thought you that word huh?" magkasunod na tanong nito sa anak niya habang pilit kinakalma ang sarili.
"I heard Dad last night in the bedroom he's moaning and said, fuck Mia, fuck!" Maaksyong saad at ginaya pa ni Khian ang paraan ng pagkakasabi ng Daddy niya. "And the next day I ask him what fuck means and he said fuck means okay then now I answer you fuck." Inosenteng nagpaliwanag ang bata habang napatampal na lang si Mia sa sarili niyang noo sa sobrang kahihiyan habang bumubulong-bulong pa.
Bago pa ito makapagsalita ulit ay humagalpak na ako ng tawa dahil hindi ako makapaniwalang sasabihin iyon ni Khian at ang fuck ay okay ang alam niyang ibig sabihin."Fuck Mia, fuck!" Panggagaya ko kasabay ng malakas na tawa ko rito habang sunod kong nasilayan sa mukha ni Mia ang pamumula dala ng sobrang kahihiyan.
Sunod ay nagmamadali itong naglakad paalis sa lugar na iyon dahil sa kahihiyan habang hawak sa kamay ang anak.
"Sa susunod siguraduhin mong tulog na muna ang bata bago gumawa ng milagro para walang makaririnig, fuck Mia, fuck!" Sigaw ko kay Mia habang papalayo na ito at inulit-ulit ko pang sinigaw sa kaniya ang sinabi ng kaniyang anak.
"Tangna mo ka Angel!" malakas na isinigaw din nito sa'kin hanggang sa tuluyan silang makalayo.
Deputa 'yan, akalain mo nga namang sa dami ng p'wedeng maririnig ng bata ay iyon pa talaga. Dahil sira ulo rin ang tatay sinabi sa anak na ang fuck ay okay ang ibig sabihin. What the fuck?
Napapailing-iling na lang ako habang tinatanaw sina Mia papalayo hanggang sa tuluyang maglaho sa paningin ko ang mga ito. Mag-isa ulit akong binalot ng katahimikan hanggang sa unti-unti ay bumalik na naman sa akin ang pakiramdam na pilit ko nang iniiwasan. Matinding lungkot na naman ang namamayani ngayon sa loob ko habang mag-isa ako.
Hapon na kaya napagpasyahan kong sa tabi ng dalampasigan magpalipas ng oras upang panoorin ang paglubog ng araw sa dagat. Walang mga kaibigan ang manggugulo sa'kin dahil siguradong tulog ang mga iyon ngayon dahil sa kalasingan. Matapos kasi nilang pagtulungan si Audrey na dalhin pabalik sa resort ay ipinagpatuloy nina Raf, Kyle at Lyn ang pag-iinom. Kaya matapos malasing ni Audrey sunod na nalasing ang tatlo, mabuti na lang at hindi na uminom si Mia dahil alam niyang may anak siyang aalagaan si Lyn kasi mag-isa lang sumama rito sa'min kaya walang sagabal sa pagsasaya niya.Nasa ganoon akong katahimikan ng biglang napansin ko ang paglapit ni Mama sa'kin ang Mama ni Pol. Naupo ito sa tabi ko kung saan nakaupo ako sa isang kahoy na upuan habang pinapanood pa ang nagkukulay kahel na langit habang unti-unting lumulubog ang araw.
"Malungkot ka na naman." malumanay na sambit ni Mama ng tuluyan itong makaupo sa tabi ko.
"I'm fuck Ma." mahinang sagot ko habang natatawa sa isip dahil ang fuck ay okay. Kaya I'm fuck, I'm okay.
"Anong fuck na sinasabi mo jan?" pilit akong natawa sa tanong nito.
"Haha wala po, ayos lang po ako Ma."
"Manatili ka lang matatag anak, malalagpasan din natin itong lahat. Alam ko at nararamdaman kong hindi ka nawawalan ng pag-asa na mahahanap natin si Pol. Bilang isang Ina siyam na buwan kong dinala ang anak ko sa sinapupunan ko kaya nararamdaman kong sa mga sandaling ito patuloy na lumalaban sa buhay si Pol at hindi ka nag-iisang naghihintay Angel kasama mo kami."
Naantig ang puso ko sa mga sinabing iyon ni Mama sa akin alam ko rin naman iyon na nariyan sila lagi, kaya panatag akong hindi lang ako ang magungulila kay Pol kung hindi pati na rin ang buong pamilya niya. Lumingon ako kay Mama saka tumitig sa mga mata nito habang may pilit na ngiti sa labi ko, sunod ko itong niyakap na agad naman niyang ginantihan, kahit walang hiya akong manugang kung maituturing naipapakita ko sa mga kilos ko ang pagmamahal at pagrespito sa kanila.
Bukod sa Lola ko kung may isa pa akong ipagpapasalamat sa buhay iyon ay ang nagkaroon ako ng pangalawang mga magulang sa piling ng mga magulang ni Pol. Simula pa noong naging kaibigan ko pa lang si Mia nariyan na sila lagi para sa akin sabay na sinusupurtahan nila si Mia kasama ang mga kaibigan nito at kasama na rin ako roon. Sobrang swerte kong maituturing na naging parte ako ng pamilya nila na tinanggap ako ng buo at bukal sa kanilang mga puso kahit na kilala nila kung gaano ako kapasaway noon.
Sobrang ipinagpapasalamat ko sa mga magulang ni Pol na hindi nila ako pinababayaan, sila ang gumagasto sa lahat ng pangangailangan ko simula noong nag-resign ako sa trabaho. Umalis ako sa trabaho dahil alam kong hindi ko rin naman iyon magagawa ng maaayos kaya mas minabuti kong ang pag-aalaga sa sarili ko ang unahin. Sobrang laki ng utang na loob ko kina Mama na handa ako long tulungan sa lahat, kahit ang buwan-buwan na check up namin ng baby ko sila ang gumagastos.
Hindi pa man sa ngayon ngunit sisiguraduhin kong balang araw masusuklian ko rin lahat ng tulong at kabutihang ginawa nila para sa akin.Sa mga nangayari ngayon alam kong hindi madali ngunit ang pag-asa sa loob ni Mama bilang isang Ina ay nagbigay lakas sa akin na patuloy maghintay kasi alam ko at nararamdaman ko ring buhay ang kabiyak ng puso ko. Kaya kahit habang buhay pa akong mag-hintay ay gagawin ko at hindi ako susuko.
BINABASA MO ANG
Castillo-Vera (Book 3)
RandomAngel Castillo living her dream life with the man she chose to marry. A perfect life had not yet an happy ending. One day they plan a vacation to celebrate their 2nd wedding anniversary, they had an accident and her husband Apollo Vera suddenly disa...