Chapter 15 Ang kasalukuyan
Angel's POV
"Gising na ang mahina sa inuman." Pagwelcome ko kay Audrey sa pinaka nakakainsultong tunog na salita pa ang ginawa ko. Kagigising lang nito at susuray-suray na naglakad patungo sa hapag kung saan nakahanda ang dinner namin, kapansin-pansin pa rin na may tama pa ito ng alak dahil kahit anong pilit niyang umayos ng tayo ay gumigiwang-giwang ito halatang hilong-hilo pa.
"Sinong mahina? Hindi ako 'yon gusto niyo bang patunayan ko bigyan niyo ako ng isa pang pagkakataon sisiguraduhin kong malakas ko sa inuman. Raf ilabas ang alak!" sunod ay pasigaw na utos nito kay Raf.
Ikinagulat namin ang biglang pagtayo ni Raf at marahas na hinampas si Audrey sa ulo ng sandok na hawak nito. Sandok iyon sa kanin na nakahanda na sa hapag kaya naman nailipat sa ulo ni Audrey ang mga butil ng kanin at sa ulo nito dumikit.
"Potaena mo ka tigilan mo na!" Bulyaw na ni Raf. "Hihingi ka pa talaga ng isa pang pagkakataon sa lagay na iyan isang oras ka pa nga lang uminom bumulagta ka na sa sahig tapos kami ang nagpakahirap sa'yong magbuhat tapos ngayon ang lakas ng loob mo, woy tang*na tanggapin mo na lang na mahina ka sa talaga." dagdag nito habang nagsimula na kaming magtawanan dahil sa nanlulumong itsura ni Audrey.
"Nagsisigawan na naman ang mga ito imbis na nagsisimula nang kumain, may mga tao pa sa paligid umayos nga kayo hindi lang tayo ang naririto ngayon." saway na ni Lola sa dalawa nang maabutan nila itong nagtatalo.
Sunod na nagdatingan sina Mama at Papa saka kami pilit na tumahimik upang simulan na ang pagkain, walang tumulong kay Audrey na alisin ang dumikit na kanin sa ulo nito kaya hinayaan na lang namin iyon, siguro naman maliligo ito bago matulog kayang-kaya na niya iyan tanggalin mag-isa.
Matapos ng dinner naming lahat ay saka kami bumalik na magkakaibigan sa resort na tinutuluyan namin habang naiwan naman sa labas sina Lola at mga magulang ni Pol para daw magpahangin muna saglit.
Huling gabi na naman namin ngayon sa Batangas matapos ang tatlong araw, wala pa ring nangyari at wala kaming Apollo na nakita. Dalawang buwan na ang lumipas ngunit parang kahapon lang nangyari ang lahat wala kasing pinagbago ang hirap na nararamdaman ko."Nalulungkot din kaya ang mga demonyong sumapi kay Angel dahil sa pinagdaraanan niya?" binasag ni Raf ang katahimikang bumabalot sa amin.
Sabay-sabay kaming napatingin rito.
"Baka umalis na sa katawan niya, hindi na kasi nila ma-control si Angel," sagot naman ni Audrey.
"Chance na rin nila iyon para mamahinga pansamantala," kumento rin ni Lyn.
"Aba talagang ako pinag-uusapan niyo." sabat ko na.
"Nariyan ka pala teh?" Sarkastikong saad ni Mia na umakto pang nagulat na makita ako sa harapan niya, sabay akong napatitig sa kaniya ng matalim.
"Kung ako sa'yo sis hindi mo dapat dinadamdam ang kalungkutan, patunayan mong animal ka kaya dapat kalungkutan ang namomroblema sa'yo, bawal ka pa naman uminom," saad ni Audrey.
"Ikaw na depungal ka bakit ba puro pag-iinom nasa isip huwag mong sabihin na may pinagdaraanan ka rin hindi ka nagsasabi?" pasigaw ko nang sabi kay Audrey dahilan para sa kaniya mabaling ang tingin namin lahat sunod ay mabilis itong umiwas ng tingin para lang hindi namin mahalata ang mukha niya.
Napansin ko kasi siya simula nang dumating kami rito ay halos nababanggit niya ang pag-iinom araw-araw, sinasabayan niya lang kawalanghiyaan kaya hindi namin nahahalata.
"Umamin ka Drey may problema ka rin ba, sabihin mo na para isahang luksa na lang tayo para sainyong dalawa ni Angel." saad ni Kyle sa tunog ng pang-aasar.
"Wala." Sa pinakamabilis na paraan ay agad na sagot iyon ni Audrey, at alam kong ang sagot na iyon ay kasinungalingan dahil hindi nga nito magawang makatingin ng diretso isa man sa'min.
Gawain ko ang pagsisinungaling para lang itago ang totoo kong nararamdaman at nakikita ko sa baboy na ito ngayon ang sarili ko na pilit ipinapakita sa lahat na ayos lang siya kahit hindi naman talaga.
Tumayo ako sa kinauupuan ko at nakipagpalitan ng upuan kay Raf na nasa tabi ni Audrey. Ipinagtaka nila ang ginawa ko ngunit hindi sila umimik at hinayaan lang ako. Tinabihan ko si Audrey na kahit buntis na nga ako mas malaki pa rin ang katawan niya sa akin, paano ba kasi tumaba hindi ko iyon naranasan eh.
Hinarap niya ako at tiningnan niya ako ng may pagtataka, mukhang nagtatanong na ang isip niya kung anong balak kong gawin.Walang salitang lumabas sa bibig ko at basta ko na lang siya niyakap ng mahigpit, simula noon pa man hindi ako sweet sa kahit isa man sa kanila dahil ang pagbabardagulan at pagpapalitan ng masasakit na salita ang the best na bonding namin basta alam naming walang nagpaplastikan. Sina Mia at Kyle lang naman ang nagpaplastikan noon pero kita niyo naman ngayon ang dalawang plastic ang nagkatuluyan.
Ang mahigpit na yakap kong iyon kay Audrey ay dahilan para balutin kami ng katahimikan, sunod kong narinig rito ang mahina niyang paghikbi dahilan para makumpirma namin na hindi nga talaga siya okay. Niyakap ko siya kasi alam kong sa pagkakataong ito iyon ang kailangan niya, ginagawa kasi iyon ni Lola sa'kin dahil daw sa pamamagitan ng yakap maaaring mabawasan ang bigat na pinagdaraanan ng isang tao.
"Hala sis ba't mo pina-iyak?" paninisi ni Raf.
Humiwalay ako sa pagkakayakap kay Audrey sunod ay napayuko na lang ito para huwag ipakita sa amin na malungkot talaga siya.
"Gago niyakap ko lang siya, ramdam na ramdam ko ang lungkot niya kaya siguradong may hindi ito sinasabi sa atin eh, umamin ka na sis alam mo namang nandito kaming lahat hindi ba, kagaya ng pagdamay niyo sa akin gagawin din namin iyon sa'yo." pagkausap ko kay Audrey ngunit nanatili na lang itong nakayuko.
Sunod akong bumaling ng tingin kay Lyn kasi sa aming lima si Lyn ang isa sa malapit sa kaniya, tiningnan ko si Lyn ng may pagtatanong ngunit nagkibit-balikat lang ito sagot ay wala siyang alam. Simula kasi ng mag-asawa ako hindi ko na madalas nakakasama si Audrey dahil buhay may-asawa na ang inuna ko kisa ang paggagala namin noon na kinasanayan na marahil ni Audrey. Maliban kay Raf si Audrey na lang rin ang walang asawa na babae naming tropa kaya posible na mas sinasarili na lang niya ang problema kisa ang sabihin sa'min na may kanya-kanya nang pamilya.
Bakit ba sobrang humihirap ang buhay kapag tumatanda na ang tao, sobrang dami na ng nagbago. Natupad namin ang mga pangarap namin sa buhay ngunit habang tumatagal ay nararamdaman ng bawat isa sa amin na tila mas lalo yatang humihirap ang mga pinagdaraanan namin.
Iyong bawat galaw kailangan mong pag-isipan ng mabuti ang bawat desisyon dahil maaaring ikasira mo kapag mali ang napili mong gawin. Habang tumatagal nararamdaman ko, o hindi lang yata ako kasi nakikita ko iyon sa mga kaibigan ko na sobrang hirap na humarap ng panibagong bukas. Habang nagma-matured naiisip ko na lang kung p'wede bang bumalik na lang kaming lahat sa panahon na puro pagsasaya at kawalanghiyaan lang ang alam naming gawin. Gusto kong bumalik at doon na lang manatili kasi doon wala pa kaming pinoproblema at hindi pa ganito kalala ang hirap na ipinaparanas sa amin ng mundo.
Gusto kong bumalik sa panahon na iyon kahit na alam kong malabo na mangyari dahil nandito na kami sa kasalukuyan.
BINABASA MO ANG
Castillo-Vera (Book 3)
RandomAngel Castillo living her dream life with the man she chose to marry. A perfect life had not yet an happy ending. One day they plan a vacation to celebrate their 2nd wedding anniversary, they had an accident and her husband Apollo Vera suddenly disa...