Chapter 23

1 0 0
                                    

Chapter 23 where's Pol

Angel's POV

Nabaling ang tingin ko sa dalawang tao na nagmamadali na paaalis sa may entrance, hindi ko na lang pinansin iyon dahil mukhang nakikinood sila sa kasiyahan namin.

Sunod-sunod na pagbati nila ang natanggap ko, hindi ko napigilang maluha sa saya, kahit papaano ay nakaramdam ako ng totoong saya sa loob ko sa araw na ito nang malaman na babae ang magiging anak ko. Pero mas sasaya siguro ako kung nandito rin ngayon si Pol.

Bago pa ako malungkot ulit dahil sa pag-iisip kay Pol ay pinigilan ko na ang sarili ko at nagpatuloy sa pakikisalamuha sa mga bisita nang muli naming ipagpatuloy ang kasiyahan.

"Apo, tumatawag ang Mama mo." Inabot ni Lola sa akin ang phone nang makalapit ito sa'kin, nakita kong video call iyon kaya agad ko nang tinanggap. Bago ko pa sinagot ang tawag ay nagpaalam muna ako sa kanila na aalis lang muna saglit dahil hindi ko naman p'wedeng makausap si Mama rito sa loob dahil sobrang ingay, baka hindi rin kami magkarinigan.

"Hi, anak," masayang bati nito sa akin ng sagotin ko ang tawag niya. Lumabas muna ako saglit ng venue para na rin makausap ko siya ng malinaw.

"Hello, Ma."

"Nabanggit ng Lola mo sa'kin na may gender reveal party kayo ngayon, kumusta?"

"Ayos naman Ma, masaya po. Babae po ang gender ng apo niyo." Napangiti pa ako nang sabihin iyon.

"Wow, congratulations anak." Kitang-kita naman sa mukha ni Mama ang tuwa habang sinasabi iyon.

"Thank you Ma," pasalamat ko rito.

"May sasabihin sana ako sa'yo 'nak."

"Sige po ano 'yun?"

"Nakausap ko na ang Lola mo tungkol dito, ano kaya kung dito ka na lang manganak sa Hong-Kong. P'wedeng-p'wede ka tumira dito sa amin, alam kong nahihirapan ka ngayon dahil hindi pa rin nahahanap si Pol, 'nak hayaan mo akong tulungan kita. Pumunta na kayo rito ng Lola mo at dito ka na manganak tutal tatlong buwan na lang manganganak ka na, 'di ba?"

Napangisi akong napapailing sa sinabi ni Mama. "AYOKO." mariing tugon ko rito.

"Pero 'nak iniisip ko lang naman ang kalagayan mo, matanda na ang Lola mo kaya sino makakatulong mo jan kapag nanganak ka na kung hanggang ngayon hindi parin nahahanap si Pol?" mahinahong saad pa nito.

"Ang ayos naman ng timing niyo Ma ano? Masaya ako ngayon eh tapos sasabihin mo 'to, p'wede mo naman ipagpabukas. Ayoko Ma, mananatili ako rito at hihintayin ko ang asawa kong bumalik. Huwag niyo pong sabihin sa'kin na nag-aalala kayo pero wala naman kayong ginagawa, ngayon niyo pa ba ako pipilitin kung hindi ko naman kailangan ng tulong mula sa inyo, nadala na po ako Ma, noong bumalik kayo rito ang sabi mo babawi kayo sa lahat ng pagkukulang niyo pero iniwan niyo pa rin ako 'di ba? Saang paraan kayo bumawi?"

Katahimikan na ang bumalot sa kabilang linya habang nakayuko na si Mama at hindi na makita ang mukha nito sa camera.

"Noong mawala si Pol hindi ko naramdaman na mag-isa ako, dahil inalagaan ako ng kapatid niya at mga kaibigan ko. Hindi ako pinababayaan ng mga magulang ni Pol kaya ayos lang sa'kin kahit hindi niyo na ako tulungan, mas ramdam ko pa ang pagiging magulang nila sa'kin kisa sa inyo na tunay kong ina."

Alam kong masakit para sa kaniya ang mga salitang sinabi ko ngunit, sa paraang ito ko lang mailalabas lahat ng hinanakit ko sa kaniya. Kahit sa panahon na kailangan ko ng magulang ay wala siya kaya ayoko nang umasa pa kay Mama. O mas madaling sabihin na hindi ko siya kailangan.

"Huwag niyo na pong asahan na madadala niyo ako sa pakiusap, hindi na po ako bata. Huwag mo nang isipin ang kalagayan ko dahil sobrang okay ako Ma at kapag nanganak na ako ipakikilala ko siya sa inyo, at sisiguraduhin kong hindi ko ipaparanas sa anak ko ang mga ipinaranas niyo sa'kin, ibubuhos ko sa kaniya ang pagmamahal na hindi naranasan ng Mommy niya... Babalik na ako sa party, goodnight Ma." agad kong pinatay ang tawag na iyon.

Hanggang sa bigla na lang mag-unahang rumagasa ang luha sa mga mata ko, hirap na hirap na rin talaga ako sa paraan ng pakikitungo ko sa Mama ko pero wala akong magawa dahil kahit bali-baliktarin man ang mundo ay siya pa rin ang nanay ko at walang magbabago roon.

Mabilis kong pinahupa ang luha sa mata ko at pinunasan ko iyon ng sarili kong palad para walang makahalata sa kanila na umiyak ako, sa pagharap ko sa may pinto ay ikinagulat kong naroon ang Mama ni Pol nakatayo.

Hindi ako nakapagsalita dahil sa mga tingin niya sa akin na tila ba naaawa siya, mukhang narinig nito ang usapan namin ng Mama ko.

Bigla ko ulit ikinagulat nang bahagya itong lumapit sa akin sunod ay inilahad niya sa harap ko ang isang pink na panyo. Mabilis kong kinapa ang pisngi ko at naramdaman kong basa pa rin iyon ng luha dahil hindi sapat ang mga palad ko para punasan ang mga luha ko kanina.

Napipilitan kong tinanggap ang panyong inabot niya sa akin, ngunit hindi ko lubos akalain ang sunod niyang ginawa ng bigla niya akong yakapin dahilan para muli na naman akong maluha dahil sa pakiramdam na dinulot ng pagyakap niya sa'kin.

"Narinig ko ang usapan niyo ng Mama mo, kausapin ko rin sana siya para batiin na babae ang magiging apo namin kaso hindi na ako sumabat dahil mukhang seryoso ang usapan niyo, ayos lang iyan Angel sa ngayon mahirap ngunit darating ang araw na hihilom din lahat ng hinanakit jan sa puso mo. Nandito lang ako ah, dahil asawa ka ng anak ko ay anak na rin kita, ako ang pangalawa mong Mama huwag kang mahihiyang ilabas sa akin lahat ng kinikimkim mo jan sa loob mo." mahinang sambit nito habang yakap akong humihikbi.

"S-sorry Ma, sorry po." Wala sa sariling nasambit ko iyon sa kaniya. Hindi ko alam pero sa tingin ko lang kailangan ko talagang mag-sorry.

"Ayos lang 'yan anak, ayos lang." Marahan pa nitong hinaplos ang likod ko upang pakalmahin ako sa pag-iyap.

Ilang saglit ang lumipas ay saka ito bumitaw sa pagkakayakap sa akin. Mabilis kong pinunasan ang mga mata ko ng panyong bigay niya, saka kami bumalik sa loob. Umaasa akong sana walang makapansin na namumula ang mata ko, pero normal na rin siguro iyon isipin na lang nila tears of joy.

.
.
Mia's POV

'Babe, dumiretso ka dito sa office pagkagaling niyo jan sa school. Kakausapin ko si Nick mamaya dahil may nalaman na raw siya kung nasaan ngayon si Kuya Pol.'

Biglang nanindig ang mga balahibo ko matapos mabasa ang chat ni Kyle sa akin, talaga ngang buhay si Kuya.
Ilang araw na rin ang nakalipas matapos ang party namin para kay Angel, habang ipinagpapatuloy naman ni Nick ang pag-iimbistiga. Inutusan namin ni Kyle si Nick na manmanan ang nanay ni Marian kahit saan ito pumunta dahil alam namin na pinupuntahan nito ang anak. At mukhang hindi nga kami nagkamali.

"Teacher Mia, nasa labas na po ang sundo niyo." saad ng isang ka-trabaho ko kasabay pa ng katok nito sa pinto ng aking silid. Mabilis na akong nagpasalamat rito saka siya agad na umalis.
Mabilis ko na rin inutusan si Khian na iligpit na ang mga gamit niya sa table dahil uuwi na kami. Matapos makapag-ayos ay agad na kaming lumabas at nakita ang driver namin, pinagbuksan kami nito ng sasakyan sunod kong sinabi sa kaniya na sa kumpanya ni Kyle kami ihatid saka naman ito sumagot ng sige at saka kami umalis.

Castillo-Vera (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon