Chapter 2

7 1 0
                                    


Chapter 2 Why are you still alive

Kyle's POV

"Trabaho muna ang atupagin bago landian hoy!"

Awtomatiko akong napalingon kung saan ko narinig na nagmumula ang tinig na nagsalita, kilalang-kilala ko ang tinig nito kaya nang makita ko siya ay napapailing na lang akong natawa dahil hanggang dito sa opisina ay dinadala niya ang ingay ng bunganga niya.

"Kahit kailan talaga Ate hindi ka natigil kaka-bunganga, buti hindi nagsasawa si Kuya Kyle sa ingay mo." Napapahiyang atungal ni Renzo sa Ate niya.

Mukhang nahuli ni Mia sina Renzo at girlfriend nito na magkasama kaya sinermonan agad kahit walang ginagawang masama ang dalawa. Sa ilang taon na pagta-trabaho ni Renzo rito sa kumpanya ay hindi ko inaasahang nagkakamabutihan sila ng loob ng secretary kong si Chin. Hindi na rin naman ako tumutol doon dahil ayaw kong manira ng kaligayan ng ibang tao. Marahil sanay na rin naman si Chin kay Mia kaya nasasabayan na lang nito ang minsang kalokohan ng asawa ko, halos isang taon na rin naman kasi silang may relasyon ni Renzo.

Nang makita ko sina Mia ay nag-umpisa na akong maglakad para tunguhin ang kinaroroonan nila para lapitan ang mga ito.

"Dad!" kasabay ng sigaw na iyon ng anak ko nang makita ako ay patakbo itong lumapit sa akin kaya mabilis ko na rin itong sinalubong.

Nakasuot pa ito ng uniform niya sa school na mukhang dito na dumiretso ang mag-ina pakalabas sa klase.
Bumalik kasi si Mia sa pagtuturo kasabay na rin noon ay ipinasok niya sa school na pinagta-trabahuhan niya ang anak namin bilang nursery kaya sila ang madalas na magkasama papasok.

Apat na taon na si Khian at kahit anong pilit namin ni Mia na madagdagan ang anak namin hindi na kami muling pinalad mukhang makakaisang anak na lang yata ako. Hindi na rin naman masama iyon kisa wala, mukhang mahirap din kasing magpalaki ng anak sa panahon ngayon, nararanasan ko kasi iyon habang lumalaki si Khian na isang pasaway din na bata.

"How was your day little boss?" Nakangiting tanong ko sa anak ko at kinarga ko na ito.

"My teacher give me a star Dad, she told me I am very good." natutuwang kwento naman nito sa akin habang ipinagmamalaki pa nitong ipinakita ang stamp ng star na nasa likod ng palad niya, isang simpleng bagay lang iyon na sa edad niya labis na niyang ikinatuwa.
Kasabay ng pagmamalaki ni Khian sa natanggap niyang star sa kamay ay sunod namang paglapit sa amin ni Mia.

"Naku ki-bata-bata mo pa nagsisinungaling ka na, why don't you tell the truth to your Dad, ginamit mo lang naman ang stamp ko para lagyan ang sarili mo ang sabi ng teacher mo pasayaw ka sa klase eh," saad ni Mia.

"Mom shut up!!!" Sinigawan na ni Khian ang Mommy niya dahil sa ginawang pangbubuko nito sa akin, akalain mong siya rin para ang naglagay noon sa sarili niya para lang magmalaki sa akin.

"Eyy sinisigawan mo na ako ah, huwag kang matulog sa kwarto mamaya doon ka sa kwarto ni Manang." Sinagot pa ni Mia ang anak namin.

Napapailing na lang ako sa dalawang ito, madalas ako ang pumapagitna sa away nilang mag-ina paano ba naman kasi itong si Mia mapang-asar kaya laging pikon naman si Khian. Sinong matino ang utak ba naman kasi ang papatol sa apat na taong gulang.

Mukhang kaligayahan na ni Mia na laging paiyakin ang anak namin tapos pag umiyak siya rin naman magpapatahan, walang'ya talaga kahit lumipas na ang taon nanatili pa rin ang pagiging loka-loka niya.

"No Mom, Big boss won't allow me to sleep in Yaya's bedroom." English na sagot pa ni Khian sa ina.

Big boss ang minsang tawag nito sa'kin maliban sa Dad, habang siya naman ang Little boss ko si Mia ang nagsimulang tumawag sa amin ng ganoon na kinasanayan na rin namin ni Khian.

Castillo-Vera (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon