Chapter 4 Vacation Together
Pol's POV
Bitbit ang mga gamit ay naglakad na ako palabas ng bahay upang mailagay ko na ang mga dadalhin namin sa likod ng sasakyan.
Habang abala ako sa pag-aayos ay naagaw ng atensyon ko sina Mia na nagpapa-araw sa labas ng kanilang bakuran. Hindi naman kasi mataas ang sementong bakod na namamagitan sa mga bahay namin kaya matatanaw namin ang bawat isa.Sabado ngayon kaya siguradong walang pasok sa school ang mag-ina, hindi ko na ito pinansin pa at ipinagpatuloy ko ang pag-aayos ng mga gamit namin ni Angel. Hinihintay ko na lang ang asawa kong matapos makapagbihis upang makaalis na rin kami. Matapos kong ayusin ang mga gamit ay muli akong lumingon sa gawi kung saan sina Mia, ngunit natanaw ko ang mag-ina na naglalakad na palabas ng gate nila mukhang napansin na rin ako nito kaya dito ang sunod na punta nila sa bahay.
Ilang sigundo pa ay hindi nga ako nagkamali ng akala nang magkasamang pumasok sina Mia sa bukas na gate habang hawak pa sa kamay ang anak.
"Kuya aalis kayo?" sunod na tanong ni Mia ng makalapit sa gawi ko.
"Oo, may dalawang araw kaming day off kaya naisip namin pumunta sa Batangas doon namin balak mag-celebrate ng anniversary," tugon ko.
"Luh oo nga pala sa linggo na 'yun, akala ko nagbibiro lang ang sira ulong iyon kagabi." saad pa nito na mukhang si Angel ang tinutukoy.
"Bakit ano bang sabi niya?"
"Sinabi ba naman niya sa'min ni Kyle na ma-inggit daw kami kasi pupunta kayo ng Batangas at magho-honeymoon."
"Pft." Napasinghap na lang ako sa hangin sa sinabing iyon ni Mia. Kahit kailan talaga napaka loko ng asawa ko, tama nga ang hinala kong may ginawa na naman siyang kabalbalan kagabi kaya hinahabol siya ni Mia palabas ng bahay ng puntahan ko ito kagabi roon.
"Ano gurl na-inggit ka na ba at gusto mong sumama?" biglang nagsalita na si Angel na mukhang tapos na itong mag-ayos.
"Walang'ya ka talaga kahit kailan!" pigil na pigil sa inis na ani ni Mia.
"Asan si Kyle Mia?" sunod kong tanong kay Mia bago pa magkasabunutan ang dalawa.
"Nasa trabaho may pasok ang Bading mamaya pa iyon uuwi."
"Iiwan ko sa'yo ang susi ng bahay paki tingnan-tingnan na lang, sa linggo na pa ang uwi namin."
"Hoy huwag kang magnakaw ha alam ko iyang mga galawan mo!" dugtong ni Angel sa sinasabi ko.
"Aba walang'ya ka talaga, anong nanakawin ko jan eh wala ka naman atang tinatagong isang milyon." Singhal na ni Mia rito.
"Tumigil na nga kayo, puro kayo away. Mia ang susi isara mo na lang ang gate pagkaalis namin." Sunod kong inabot kay Mia ang susi ng bahay na tinanggap naman nito.
"Iligaw mo iyang asawa mo Kuya para hindi na rito makabalik, labis ko talagang ikatutuwa iyon," saad pa ni Mia sa akin na ikina-iling ko na lang habang natatawa.
Mukhang narinig ni Angel ang sinabi nito kaya isang malakas na batok sa ulo ang natanggap ni Mia mula kay Angel.
"Gong-gong ka ano akala mo sa akin pusa!"
"Animal ka naman talaga," sagot pa ni Mia.
"Tumahimik na nga kayo." Awat ko na sa dalawa.
Kung si Kyle siguro ay hirap na hirap na sa pagtatalo ng mga asawa namin, pwes hindi siya nag-iisa. Ramdam na ramdam ko ang paghihirap niya na tanging nagagawa na lang namin ay sawayin ang dalawa pero hindi pa rin namin mapigilan ang tabil ng dila ng mga ito. Halos araw-araw kasi nagsisigawan ang dalawang ito na ginawa nang bonding ang kawalanghiyaan nila. Nagsisi pa tuloy akong agad kong tinanggap ang alok ni Kyle na bilhin ang bahay sa tabi nila kasi ngayon pareho kaming namumroblema sa mga asawa naming walang'ya.
BINABASA MO ANG
Castillo-Vera (Book 3)
CasualeAngel Castillo living her dream life with the man she chose to marry. A perfect life had not yet an happy ending. One day they plan a vacation to celebrate their 2nd wedding anniversary, they had an accident and her husband Apollo Vera suddenly disa...