Chapter 13 Walang Mahina
Nari's POV
Sabi ko tinatamad na ako mag narrate pero wala akong magawa kaya ito ako ngayon, nagbabalik ang bida-bidang narrator hahaha.
Ilabas ang alak, shot puno para kay Angel na patuloy naghihintay kay Kuya Pol na masaya na sa iba.Nasa Batangas ngayon ang buong pamilya ni Mia kasama si Angel at Lola nito kasama na rin ang mga kaibigan. Syempre kasama ako, ako narrator eh.
Kung dati rati naririto sila para magsasama-sama at mag-enjoy hanggang gusto nila, ngayon ay hindi.
Dahil tila ba nagluluksa sila sa isang taong nararamdaman nilang lahat na buhay pa.
Masaya na kasi sa iba bakit ba kasi hindi sila naniniwala mga walang'ya naman kasi eh, pero kahit sabihin ko iyon hindi naman pala nila ako naririnig bahala sila.Dalawang buwan na ang lumipas habang patuloy pa rin sa paghahanap sa katawan ni Pol, hindi sila nawawalan ng pag-asa na makikita ito kahit suntok sa buwan na ang ginagawa nila.
Halos linggo-linggong bumalik ang mga magulang ni Pol dito sa Batangas para lang alamin kong may balita na pero wala silang napapala.
Limang buwan na ang batang nasa sinapupunan ni Angel ngayon at apat na buwan na lang ang hihintayin niya para lumabas ito sa mundong ibabaw, alangan naman sa mundong ilalim deputa. Hindi na alam ni Angel kung anong gagawin kung sakaling magluluwal siya ng isang sanggol na wala si Pol.Kahit ako naman hindi ko alam ang gagawin mabuti na lang hindi ako buntis.
"Gusto mo mag-swimming teh tara sama ka sa'min." Inaya ni Mia si Angel na mag-swimming dahil baka magawa nila itong pasayahin sa paraang iyon.
"Sa tuwing nakikita ko ang dagat na iyan bumabalik sa akin ang mga nangyari, huwag mo akong pilitin na maligo jan baka iyan na ang ikamatay ko." malungkot na sagot ni Angel kay Mia.
"Huwag mong pilitin ang ayaw baka tutuhanin niya ang pagsisid sa ilalim ng karagatan para sunduin si Kuya Pol sa ilalim ng dagat." Humagalpak ng tawa si Raf matapos ang sinabi nito.
"Tigilan mo ang pang-aasar Raf baka manganak iyan ng wala sa oras," saad naman ni Lyn para patigilin sa pang-aasar si Raf.
"Arat na Angel shot puno sis, mag-inom na lang tayong dalawa." Lumapit naman si Audrey hawak ang isang bote ng red horse para alukin si Angel na mag-inom.
"Tang*na nito ni Audrey nakikita mong buntis ang tao pag-iinom talaga ang lagi mong inaalok sa kaniya." pagmumura pa ni Raf sa kaibigan.
"Ini-inggit ko lang siya, dati kasi ang yabang niya mag-inom noong broken siya ngayon natin subukan." Malakas na batok ang sunod na natanggap ni Audrey mula kay Angel dahil sa kawalanghiyaan nito.
"Palibhasa kasi mahina kang uminom." Sarkastikong sabi ni Angel.
"Aba Drey hinahamon ka, arat na kumuha ka ng tagayan huwag kang pumayag na sinasabihan kang mahina." Pangbubuyo naman ni Kyle na kakalapit lang sa kanila.
Kapag sinasabihan talaga ng mahina mapapalaban ka talaga. Nagsimulang kumuha ng tagayang baso si Audrey at inuming tubig kasama na ang mga cube ice at pangpulutan. Silang anim lang ang nasa cottage malapit sa dagat dahil nasa resort nagpapahinga ang mga magulang ni Mia kasama ang apo nito dahil kakatapos lang nilang kumain ng tanghalian.
Sinong mga sira ulo ba ang nagsimulang mag-inuman sa ganap na iksaktong alas dose ng tanghali at tirk na tirik pa ang araw. Inumpisahan nila ang pag-iinom at hindi itinuloy ni Mia ang balak na pag-swimming kanina saka nakisali sa inuman.
Si Angel lang ang hindi uminom sa kanilang anim kaya pinanood lang nito ang mga kaibigan at hihintayin kong sinong magwawagi sa inuman. Patibayan ng atay ang labanan."Inom pa sis, mahina pala eh ngayon mo patunayan kay Angel na malakas kang uminom." Tinagayan ulit ni Raf si Audrey sa isang baso ng punong-puno saka iyon mayabang na ininom ni Audrey na kahit isang patak walang itinira sa baso.
Ngayon niyo sabihing mahina ang isang baboy. Malakas siya.
"Patutunayan ko talaga sa kaniyang mali ang iniisip niya," saad pa ni Audrey.
Kasabay noon ay naluha na si Audrey.
"Huwag kang iiyak Drey." Kasabay ng sinabi ni Kyle ay malakas itong natawa.
"Kalma pawis lang, pawis lang." Sabi pa nito sa mga kaibigan kahit naiiyak na rin naman talaga siya. Hindi pa sila nakakakalahating oras mukhang tinatamaan na ng alak si Audrey.
Halos hindi rin naman kasi umiinom ang mga kaibigan at kay Audrey lang pinapalagok lahat at walang nagagawa si Audrey na tanggihan ang tagay dahil sasabihan siyang mahina na labis naman niyang ikina-iinis. Malakas nga raw siya sa inuman kaya hindi siya papayag na sabihan ng mahina.
"Malakas ka sis kaya tagay pa!" Sabay inangat pa ni Mia ang baso upang i-cheer si Audrey kahit na ang mata nito ay unti-unti nang nagdidileryo dahil sa alak.
"Walang mahina!" Sigaw na sagot ni Audrey kahit na ang mukha nito ay pulang-pula na sa kalasingan ay sige pa rin dahil sa pangbubuyo ng mga kaibigan.
Pigil na pigil na ng mga ito ang tawa nila dahil kay Audrey na pilit pinapatunayan sa kanila na hindi siya mahina sa inuman. Isang oras lang ang lumipas ay halos si Audrey na ang naka-ubos ng tatlong buti ng alak. Hanggang sa tawanan na ang sunod na umalingawngaw sa pagitan ng mga kaibigan ng bumagsak si Audrey sa sobrang kalasingan.
"Malakas ka Drey bumango ka jan HAHAHA." Pilit itong pinapabangon ni Kyle mula sa sahig ngunit hindi na nakagalaw pa si Audrey.
Sinong mahina Audrey bumangon ka, patunayan mo sa kanilang malakas ka uminom kung hindi leletsonin kita? Depungal mahina pala amputa, baka kayo may gustong humamon sa akin ng inuman jan? Kung gusto mo akong hamunin uminom umuwi ka na lang, kasi nakauwi na ako.
"Walang'ya ka sis huwag mo kaming ipahiya sa'yo pa naman kami pumusta kasi malakas ka uminom, Audrey tang*na mo isang oras pa lang tayo nag-iinom!" Bulyaw naman ni Lyn dito na animo'y magagawa pa nilang gisingin ang isang taong bagsak na dahil sa kalasingan.
Biglang dumating ang Lola ni Angel na sinampal ng matsong lalaki ang mukha dahil sa kapal ng blush on.
"Naku anong nagyari jan kay Audrey at nakasalampak na sa sahig?" problemadong ani ng matanda.
"Bagsak sa kalasingan Lola Nans." sagot ni Kyle.
"Abay mga pasaway na mga bata talaga kayo, tirik na tirik ang araw ay talagang nag-inoman kayo?"
"Si Angel po hinamon si Audrey mahina raw uminom ayon pinatunayan na malakas, bagsak," tawang-tawa nang saad naman ni Raf.
Sunod na tawanan na ng mga ito ang nagbigay ingay sa paligid.
BINABASA MO ANG
Castillo-Vera (Book 3)
RandomAngel Castillo living her dream life with the man she chose to marry. A perfect life had not yet an happy ending. One day they plan a vacation to celebrate their 2nd wedding anniversary, they had an accident and her husband Apollo Vera suddenly disa...