Chapter 34

1 0 0
                                    

Chapter 34 Hiding Apollo's wife (Part 1)

Apollo's POV

Nag-unahang rumagasa ang luha sa mga mata ko habang pinapanood ang sasakyan ni Mia na papalayo. Gustong-gusto kong kuntrahin lahat ng sinabi niya at ipaglaban ang karapatan ko sa anak ko dahil sa sinabi niyang iyon ngunit wala akong nagawa kung hindi ang manahimik na lang.

Mukhang siguradong sigurado si Mia sa mga sinabi niya na ilalayo niya sa akin si Angel at ang magiging anak namin. Sobrang sakit na naman sa loob ko ang nararamdaman ko ngayon na kahit hindi ko maalala ang lahat nararamdaman kong hindi ko gusto ang mga nangyayari. Sa mga narinig kong iyon tila ba mawawalan ako ng isang napakahalagang bagay na matagal kong pinaka-iingatan.

Tama nga siguro si Mia, duwag nga yata talaga ako, taliwas sa mga ginagawa ko ang nararamdaman ng puso ko ngunit wala akong magawa.

Sunod na nabaling ang tingin ko sa hawak kong paper bag, medyo magaan lang iyon saka ko sinuri ang laman. Dalawang makapal na photo album ang naroon at mas lalo lamang rumagasa ang mga luha sa mata ko ng isa-isa kong sinuri ang mga litrato. Wedding picture iyon lahat at kaming dalawa iyon ni Angel, walang picture na hindi ko nakita ang masasayang ngiti namin sa labi. Ang masasayang ngiting nakikita ko sa mga larawang iyon ay matinding sakit sa dibdib ang ipinaparamdam sa'kin ngayon.

Ngayon unti-unti ko nang nauunawaan lahat, si Angel ang babaeng gabi-gabing hinahanap ko, ang yakap niya sa gabi ang pinanabikan ko na gagawing panatag ang pagtulog ko. Siya ang babaeng hinahanap ng nangungulila kong puso. Siya ang babaeng dahilan ng pagdaing ko sa sakit, ngunit hindi ko maalala. Siya ang babaeng iniharap ko sa altar. Si Angel ang asawa ko.

Nakalimot man ang isip ko pero ang puso ko ay hindi, kaya pala ganoon na lang ang naramdaman ko ng makita ko siya sa gender reveal party niya na naadaanan ko noon, doon ako dinala ng mga paa ko sa hindi mo malamang dahilan at kahit sa maikling sandaling iyon tila ba nahanap ko ang puwang sa'kin.

Hindi ko alam kung paano ko itatama ngayon ang lahat ng mga nangyayari dahil mas pinili ko ang desisyon na alam kong ligtas siya at ang magiging baby namin. Pipilitin kong alalahanin lahat at pag nangyari iyon hahanapin ko siya kahit anong mangyari at kahit saan man siya dalhin ni Mia, hahanapin ko sila ng anak ko.

Mabilis na akong pumasok ng bahay bago pa bumalik si Marian mula sa pamamalengke, tumungo ako sa silid bitbit ang mga photo album sunod kong itinago iyon sa lugar na hindi makikita ni Marian.

Angel's POV

Ilang linggo na rin ang lumipas simula nang mag stay ako rito sa rest house nina Mia sa tagaytay, hindi na rin naman masama ang naging plano niya dahil nakakahanap ako rito ng katahimikan, sobrang ganda at tahimik ng lugar na ito kung saan mula sa veranda ng kwarto ay natatanaw ko ang lake at taal volcano, pero hindi ko pa rin naman maiwasang maging malungkot wala eh naging hobby ko na ang pagiging malungkutin.

Ilang saglit ang lumipas ay nakarinig ako ng magkakasunod na doorbell sa pinto, mukhang dumating na sina Mia. Nag text ito sa'kin na pupunta sila ngayon dito ni Kyle dahil weekend at wala silang pasok. Hindi ko man masabi kina Mia ng harapan pero sobra talaga akong nagpapasalamat sa mga ito na hindi ako pinapapabayaan.

Marahan akong naglakad upang tunguhin ang pinto. Medyo nabibigatan na ako sa sarili ko dahil sa malaki ko nang tiyan, buti na lang at may katulong na ipinasama si Mia dito kaya may nagluluto para sa akin medyo nahihirapan na kasi akong makikikilos.

"Hello, tita Angel," masayang bungad ni Khian ng mapagbuksan ko sila ng pinto. Tuwang-tuwa ang bata na yumakap at humalik sa malaki kong tiyan saka ko naman siya binati pabalik.

"Oh kasama pala ang mga 'to, saan si Lyn bakit hindi niyo sinama?" baling ko kina Mia na kasama rin sina Raf, si Lyn lang ang hindi sumama.

"May schedule daw ng check up ang Madam Lyn, mag-iisang buwan na rin siguro siyang buntis kaya hindi siya sumama," si Audrey ang sumagot sa tanong ko.

Napatango na lang ako bilang sagot, saka sila pinatuloy bitbit nila ang mga gamit, mukhang dito rin mags-stay ang mga ito magdamag dahil may mga malalaking bag na tila damit ang laman. Kaya pala hindi madalas nagsasa-sama si Lyn sa'min, buntis nga rin pala ito nabanggit niya iyon noong gender reveal party ko na 16 days na siyang preggy, mabuti nga at nasundan pa ang anak niya mga nasa 7 years old na nga siguro ang panganay nito eh.

"Nahihirapan ka ba dito teh?" tanong ni Mia kasabay ng pag upo nito sa sopa. "Isasama namin si Lola Nancy next week para may nakakausap ka naman baka mabaliw ka rito at puro sarili mo kinakausap mo."

"Malapit na nga mabiliw eh, anong klaseng plano ba naman kasi ito tinalo ko pa kriminal na nagtatago."

"Paghindi gumana ang plano ni Mia, siya ang sunod mong ikulong para makaganti ka naman sis." suhistiyon ni Raf.

"Gagawin ko talaga iyan tapos hindi ko siya papakainin ng isang linggo."

"Ang kapal naman ng mukha mo, todo alaga nga kami sa'yo tapos pag ako hindi mo ako papakainin saan ang hustisya do'n?" hestirikal na tumayo ito at dinuro ako.

"Nagtatalo na naman kayo, lagi na lang 'tong dalawang 'to talo niyo pa mga aso at pusa." awat ni Kyle sa'min.

"Asong ulol 'yan si Mia." hagalpak kong tawa.

Sasagot pa sana si Mia pero pinigilan na ito ni Kyle, lagi na lang high blood ang loka-loka, well wala nang magbabago roon naging bonding na namin ni Mia ang pagtatalo simula nang maging magkapit-bahay kami at nagagawa naming magpalitan ng sigaw sa magkabilang bakod. At si Pol ang tanging taga awat sa amin dalawa ng kapatid niya... Bakit ko ba naiisip si Pol, nalulungkot na naman tuloy ako, huwag na nga isipin, tsk.

"Drey ikaw na magluto ng mga pinamili natin para makakain na tayo, iwanan mo na kay Raf ang mga gamit mo siya na bahala jan." pagsasalita ni Kyle.

"Oh teka bakit ako, siya na mag-ayos ng sarili niyang gamit." reklamo ni Raf na napapairap pa.

"Ikaw na mag-ayos tutal sa isang kwarto lang naman kayo tutuloy," sagot ni Kyle.

"At sinong may sabi na magsasama kami sa isang kwarto ni Bakla?" sabat na ni Audrey.

"Apat na kwarto lang meron itong rest house namin sis, kayong dalawa sa isang kwarto dahil 'yung isang kwarto sa katulong," sabat naman ni Mia. Nasa isang kwarto nga tumutuloy ang isang katulong na kasama ko, sigurado sa isang kwarto naman sina Mia kaya wala silang magagawa kun'di magsama sa isang kwarto.

"Sa kwarto na lang ako ni Angel." protista pa ni Audrey mukhang ayaw talaga nito na magsama sila ni Raf.

"Malaki ang tiyan ko ayaw kong may katabi sa pagtulog hindi ako kumportable." mabilis kong saad rin para sabihing hindi siya p'wede sa'kin.

"Huwag na kayo umangal, magtatabi rin naman kayong dalawa kapag kinasal na kayo kaya anong masama 'di ba." ngising saad ni Kyle.

Palihim akong napangisi na rin dahil siguradong sinasadya naman talaga ni Kyle na pagsamahin ang dalawa.

"Sige na Raf ayusin mo na ang mga gamit n'yo tutulong na 'ko sa pagluluto." Inaya ko na si Audrey na agad naman sumunod sa'kin at dinala ang isang malaking eco bag na may laman ng mga pinamili nilang lulutuin. Wala rin naman silang magagawa panigurado dahil puro matitino ang mga kaibigan nila wala silang choice. Kung gugustuhin nga namin na may mangyari sa kanila baka kami pa mismo ang gumawa ng paraan, pero saka na mangyayari din 'yun. BWAHAHAHA.

Castillo-Vera (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon