Chapter 50 Sulsol para sa kinabukasan
Angel's POV
Isang buwan ang lumipas at ngayon naghanda kami ng isang simpleng salu-salo sa bahay para ipagdiwang ang ika-one month old ni Baby Sam. Samantha na talaga ang ipinangalan namin rito kagaya ng gusto ni Pol at pangalan ko ang sencond name niya.
Inimbitahan lang namin ang mga magulang ni Pol at syempre ang mga walang hiya naming kaibigan, hindi na mawawala ang mga iyon kapag mga ganitong ganap. Nandito rin ang barkada ni Pol na kinuha niyang ninong ng anak namin, gaganapin ang binyag ni baby sa ikalawang buwan nito.
Abala pa ang dalawang matanda sa pakikipaglaro sa apo nila habang kasamang nilalaro rin si Khian. Hinayaan ko na muna sila sa may sala habang hindi umiiyak si baby.
Bumalik ako sa labas para balikan ang mga kaibigan ko, nasa bakuran kasi kami naghanda kasama na ang ilang table kung sakaling marami kaming bisita na dumating.
"Si baby, love?" tanong ni Pol ng lumapit ako sa kanila habang nag-iinoman sila ng mga kaibigan niya.
"Hinayaan ko muna kina Mama, mukhang tuwang-tuwa pa silang laruin ang apo nila. Si Renzo ba dumadating na?" sunod kong tanong, sinundo pa kasi nito ang jowa niya dahil hindi alam ng bahay namin.
"Ayan na oh." sabay turo ni Pol sa may gate at nakita ang mag-jowa na sabay na pumasok sa bukas na gate.
"Hi, ate Angel. Happy one month old sa baby mo." bati ng jowa ni Renzo sa'kin saka nakipagbiso.
"Salamat, Chin. Sige tumuloy na kayo tapos na kasi kami kumain kaya kunti na lang ang nandito sa labas, Renzo ikaw na bahala kay Chin tumuloy kayo sa kusina andoon si Lola." agad namang sumunod ang dalawa sa sinabi ko.
"Love, enjoy kayo jan ah, doon muna ako kina Mia." Tumango naman si Pol saka ako dumiretso sa kabilang mesa kung saan naroon sina Mia habang nag-uusap.
"Blinock ko na 'yun para tumigil na sa pangungulit." dinig ko ang sinabi ni Audrey habang papalapit ako sa kanila.
"Sinong blinock mo sis?" takang tanong ko naman saka ako naupo sa bakanting upuan paharap sa kanila.
"Sino pa edi si Kim." si Mia ang sumagot sa'kin.
Pinandilatan ko ng mata si Mia na mukhang naunawaan ang ibig kong sabihin, tamang-tama ang sandaling ito para sulsolan sina Raf at Audrey na magpakasal na.
"Alam mo Drey, isang madaling paraan lang ang magagawa mo para tantanan ka na niyang ex mo eh, pakasal na kayo ni Raf."
Biglang nabilaukan na lang si Raf sa iniinom nitong juice dahil sa sinabing iyon ni Kyle.
"Anak ka ng tite momsh, anong pake naman ng ex niya? Kasal ba talaga ang solusyon?" naghehestiral na saad ni Raf na dinuro pa si Kyle.
"Kasal talaga ang solusyon sis," sabat ni Lyn.
"Kasi alam na ni Kim na ikakasal na kayo, pero hindi siya naniniwala kaya patuloy ka niyang kinukulit dahil alam niyang magkaibigan lang kayo ni Raf," ani ko naman.
"Paano naman niya nalaman na ikakasal kami ni Raf?" tanong ni Audrey.
"Pumunta siya sa bahay at nagpapatulong sa amin na magkaayos kayo, pero sinabi namin na hindi na p'wede dahil ikakasal ka na, alam nina Mia at Kyle 'yon nakausap namin si Kim noong nakaraan."
"Tama, sis," sang-ayon ni Mia.
"Eh bakit niyo naman sinabi?" halos tumaas na ang boses na saad ni Audrey.
"Kasi wala kaming maisip na idadahilan, anong gusto mo tulungan namin siya na magkabalikan kayo gusto mo ba 'yon." buntong hininga ang natanggap kong tugon dito.
"At alam din ni Kim na mahal na mahal ninyo ang isa't isa simula pa noon kaya kayo magpapakasal," saad pa ni Kyle.
"Mahal na mahal? Naknangpotsa naman saang lupalop niya nahagilap ang kasinungalingan na iyan mga walang'ya." napapakamot sa ulo sa inis si Raf.
"Anong idadahilan namin, wala na kaming maisip na sasabihin para lang paniwalaan niya kami at tigilan na niya sa si Audrey," ani Mia matapos noon ay nagkatinginan kami sabay ngisi.
"Kaya ang magagawa mo na lang ngayon Drey, madaliin niyo na ang kasal doon din naman mapupunta iyon," sulsol ko pa.
"Tulungan mo na rin si Aydrey, Raf, hindi niyo na kailangan maghintay pa na umabot kayo ng treynta tumatakbo ang oras mga sis, kisa hintayin ang araw na iyon gawin niyo na ngayon para kapag umabot kayo sa ganoong edad malay ninyo may supling na kayo."
"Yuck!" sabay na napasigaw pa sina Raf at Audrey at mukhang diring-diri dahil sa sinabi ni Lyn. Kasabwat namin si Lyn sa plano, masasabi kong kapag may plano ang isa damay lahat ang pinagkaiba lang sina Raf at Audrey ang napagkaisahan namin.
"Aba ayos! Diring-diri kayo sa isa't isa kala mo naman ang lilinis. Sisikmuraan ko kayo pareho sa oras na magkaanak kayo sinasabi ko sainyo sa una niyo lang masasabi 'yan," saad ni Kyle.
"Ano Kyle based on the experience ba kaya mo nasasabi 'yan, diring-diri ka rin namang magustuhan si Mia noon pero tingnan mo naman ngayon may Khian na." sabay na natahimik sina Mia at Kyle dahil sa sinabi ko saka naman ako humagalpak sa tawa na sinabayan na ni Lyn.
Sina Raf at Audrey hindi na magawang makatawa pressure na buhay ang mga walang'ya. hahahaha.
"Huwag mo nga iniiba ang usapan, tungkol ito kina Raf, animal ka!" napasinghal pa si Kyle, ayaw lang aminin ang totoo eh. Naalala ko pa nga noon na halos balatan niya ng buhay si Mia sa pagkainis niya, pero nilunok niya rin ang mga sinabi niya at sila pa rin nagkatuluyan. Ang LT kaya ng endearment nila dati na 'bading at loka-loka'.
"Doon na tayo sa point na tama kayo pakakasalan ko si Audrey, pero hindi naman katulad ng mga magulang ni Mia ang magulang ni Audrey na tatanggap ng bakla sa pamilya, like you know alam nilang bakla ako at alam din natin na pamilya sila ng mga babo-"
"Sige, ituloy mo isang letra na lang ang kulang at grigripuhan talaga kita sa tagiliran." pagbabanta ni Audrey habang mahigpit na niyang hinawakan ang tinidor sa mesa kaya hindi na naituloy pa ni Raf ang sasabihin.
"Edi kapag hindi pumayag, magtanan kayo," suhistiyon na ni Mia.
"At talagang pagtatanan ang naisip mo, loka-loka ka talaga eh hindi nga nila mahal ang isa't isa baka pag hindi sila pinayagan na magpakasal baka ikatuwa pa nila," sagot ni Kyle sa asawa niya.
"Ikatutuwa ko talaga iyon, sagad!" nagdidiwang nang saad ni Raf.
"Kilala ka ng pamilya ko, huwag kang paka-kampanti," ngising saad ni Audrey rito.
"Paano pag hindi talaga pumayag, sigurado naman akong totoong lalaki ang gusto nilang manugang," pagtataray pa ni Raf.
"Aba, hindi rin kami papayag doon. Dapat pumayag sila kahit anong mangyari," malakas ang loob kong sabi na tila ako na ang nagdesisyon para sa mga magulang ni Audrey.
Isang malakas na batok ang natanggap ko kay Audrey dahil nakaupo lang ako katabi niya.
"Ikaw kahit kailangan talaga hindi na nagtino iyang utak mo, inamo ka." pinagmumura pa ako nito.
"Tulong ang ginagawa namin sa inyo, para sa kinabukasan. Pero kung gusto mong bumalik na lang kay Kim wala kaming magagawa, sabihin mo lang at kakausapin na namin si Kim para tulungan siya na magkabalikan kayo."
"Gago, salamat na lang naka move on na ako." tanggi nito saka kami nagtawanan.
BINABASA MO ANG
Castillo-Vera (Book 3)
RandomAngel Castillo living her dream life with the man she chose to marry. A perfect life had not yet an happy ending. One day they plan a vacation to celebrate their 2nd wedding anniversary, they had an accident and her husband Apollo Vera suddenly disa...