Chapter 40 ang tahanan ko
Apollo's POV
"Mia!!!" umalingawngaw ang malakas kong sigaw na iyon matapos akong makarating sa tapat ng rest house nina Mia sa tagaytay. Halos liparin ko ang agwat na pagitan ng pinto na kinatatayuan ko para lang magmadali.
Bago pa ako makakatok ay kusa nang bumukas ang pinto mukhang nadinig na nila ang malakas kong sigaw mula sa loob. Gabi na at masyado nang tahimik ang paligid kaya siguradong sa ingay ko talaga namang aagaw sa pansin nila.
"Relax, aba makasigaw ka naman tukmol walang bingi rito!" bulyaw ni Mia sa akin matapos nitong mabuksan ang pinto.
Gustong-gusto ko siyang sapakin dahil sa pangti-trip niyang hindi naman nakakatuwa ngunit marami pang oras para sa bagay na iyon, kaya sa susunod na lang.
"Nasaan ang asawa ko?!" agad kong tanong rito habang nagniniig ang ngipin sa galit.
"Nagpapahinga na siya kaya tigilan mo ang kakasigaw."
"Akala ko ba ay manganganak na siya bakit hindi niyo siya dinala sa hospital?"
"Nandito na ang mga doctor kailangan pa ba namin siyang dalhin sa hospital?" taas kilay na ani nito saka nabaling ang tingin ko sa dalawang babaeng doctor na pareho pang naka uniporme na naka upo magkaharap sa malawak na sala sa loob ng bahay, sunod na lang akong napabuntong hininga upang pagaanin ang loob ko.
"Calm down Kuya Pol." biglang sulpot ni Kyle sa harap namin ni Mia. "Hindi pa naman pumuputok ang panubigan ni Angel kaya safe pa, medyo kunting oras pa siguro bago lumabas ang anak mo, 'wag ka mag-alala maayos si Angel."
"Nasaan siya?" agad kong tanong, hindi na ako makapaghintay na makita siya.
"Nasa taas, umakyat ka at ang unang pinto na makikita mo, wala siya do'n hahaha." humalakhak na ng tawa si Mia.
"Sumusubra ka na, pag hindi ako nakapagpigil babangasan ko na talaga 'yang mukha mo, napaka sira ulo mo."
"Nasa dulong pinto Kuya Pol nandoon si Angel binabantayan ng lola niya." si Kyle na ang sumagot ng matino sa'kin.
Mabilis ko na silang nilagpasan at hindi na nag-aksaya ng oras para batiin manlang ang dalawang doctor na kasama nila, maiintindihan naman na siguro nila iyon.
"Teka." Natigil ako sa biglang pagtawag ni Mia nakakatatlong palapag pa lang ng hagdan ang naaakyat ko.
"Ganyan ka ba ka-excited at kahit pares ng sapatos mo hindi mo manlang nakita kung tama, anong style 'yan?" nagtataka akong napatingin sa sapatos ko dahil sa sinabi niya.Tangina! Hindi ko manlang nahalata sa sobrang pagmamadali ko kanina ay kahit anong sapatos na lang ang nasuot ko ni hindi ko manlang napansin na magkaiba ito ng design. Lintik hayaan na nga, hindi na iyon importante sa mga oras na ito ang mahalaga na lang sa'kin ngayon ay ang makita ko ang asawa ko at mayakap na ito ng mahigpit.
Narinig ko pa ang patuloy na pagtawa ni Mia ngunit hindi ko na iyon pinansin saka ako dali-daling umakyat sa hagdan upang tunguhin ang kwarto kung nasaan ang asawa ko.Gulat ang sumilay sa mukha ni Lola Nancy ng hindi nito inaasahang makita.
"Pol, apo mabuti at nahanap mo kami." sinalubong niya ako ng mahigpit na yakap.
Hindi ko nagawang makatingin ng diretso sa mga mata niya dahil sa hiya na nagawa ko sa apo niya, sobra akong nahihiya kay lola Nancy. Habang yakap ako nito nabaling na ang tingin ko sa himbing na natutulog na asawa ko.
Sunod na akong humingi ng tawad kay Lola. "La, sorry sa lahat ng nagawa ko. Hindi deserved masaktan ng apo ninyo ng dahil sa'kin."
"Naiintindihan ko ang lahat ng pinagdaanan mo, apo. Hindi mo kailangan humingi ng tawad sa akin, ang mahalaga na lang ngayon ay bumalik ka na." Marahan pa nitong hinaplos ng likod ko habang yakap ako.
"Bumawi ka na lang ngayon kay Angel, mas kailangan ka niya ngayon." Nakangiti na nitong sabi matapos humiwalay sa pagkakayakap sa'kin.
"Opo, babawi ako sa kaniya pangako. Maraming salamat po sa lahat, La at hindi niyo pinabayaan ang asawa ko."
"Walang anuman apo, pero kung may dapat ka mang pasalamatan si Mia iyon siya ang tumulong at gumastos kay Angel sa ilang buwan na pagbubuntis, huwag kang magagalit kay Mia, dahil inilayo niya si Angel sa'yo hindi para pahirapan ka kun'di para maisip mo kung anong mangyayari kung sakaling hindi mo na makita sila ng anak mo, kung may nais kang dapat pasalamatan iyon ay ang kapatid mo." ngiting saad nito. "Maiwan na muna kita, ikaw na ang bahala jan." Nag-iwan pa siya ng isang matamis na ngiti sa'kin bago ako tinalikuran.
Pinanood ko siya hanggang sa tuluyang maglaho sa paningin ko ng marahan na nitong isara ang pinto ng k'warto.Marahan na akong humakbang papalapit sa kama kung saan himbing na natutulog ang asawa ko, tuluyan na akong naluha habang pinagmamasdan ang maamo nitong mukha habang natutulog, nakatagilid ito ng higa na sa tingin ko sa paraang iyon siya kumportable dahil sa malaki na niyang tiyan.
Sana sa pagkakataong ito magawa ko pang ayusin at itama ang lahat, hindi ko na hahayaang umiyak ulit ang asawa ko ng dahil sa'kin.May isang silya akong nakita kaya hinila ko iyon papalapit sa kama para makaupo ako.
Sa loob ng k'wartong iyon ay nakita ko pa ang ilang mga gamit sa isang mesa na karaniwang nakikita lang sa hospital, nakita ko rin ang isang tangki ng oxygen sa may gilid. Mukhang pinaghandaan na nga nila ang panganganak ng asawa ko dahil lahos puro gamit sa hospital ang nasa loob ng silid na ito kasama na ang mga gamit pangbata at mga towel.Bago ako naupo ay naagaw ng atensyon ko ang kulay pink na guwantes ng sanggol na kasama ng mga gamit sa lamesa, halos lahat ng gamit pangbata ay kulay pink. Alam ko na rin naman na babae ang baby ko dahil naroon ako noong araw na mag-gender reveal sila.
Naluluha ang mga mata ko sa sobrang saya habang pinagmamasdan ko na ang maliit na guwantes na iyon na hawak ko sa palad ko. 'I can't wait to see you my baby girl.' saad ko sa isip habang ubod ng tamis ang ngiti sa labi.Marahan kong ibinalik ang guwantes na iyon sa ilang gamit na kasama sa mesa, saka ako bumalik sa may kama at naupo.
Marahan kong hinawakan sa kamay ang asawa ko gamit ang kaliwa kong kamay habang ang kanan kong kamay naman ay marahan kong hinaplos sa tiyan niya. Ramdam ko ang halos sobrang panginginig ng kamay ko sa saya na sa unang pagkakataon nahawakan ko ang baby ko sa loob ng tiyan ng mommy niya.Sa sobrang saya ay hindi ko na napigilan ang pagragasa ng mga luha sa mata ko. Sunod ko nang dinampian ng halik ang tiyan nito.
"Nandito na si Daddy, baby ko." lumuluhang kinausap ko ang baby ko kahit impossible na naririnig niya iyon mula sa loob ng tiyan ng Mommy niya. "Lumabas ka na jan, hindi na makapaghintay si Daddy na mayakap ka, huwag mong pahirapan si Mommy, anak." mahinang pagkausap ko parin habang nakatitig sa malaking tiyan ng asawa ko kasabay ng marahan ko pang paghaplos rito.
"Baby girl, naghihintay na kaming lahat sa'yo. Alam kong hindi ako perpekto bilang Daddy mo, ngunit gagawin ko lahat para mabigyan kita ng masaya at maayos na buhay, kayo ng Mommy mo."
Bigla akong nagulat ng bigla malakas na pagsipa ang naramdaman ko sa tiyan ni Angel na kanina ko pang marahan na hinahaplos. Walang paglagyan ang saya sa loob ko na sa unang pagkakataon na iyon naramdaman ko ang pagsipa niya. Nagsimula na namang mangilid ang luha ko sa tuwa dahil doon.
Kung sana lang mabilis akong nakaalala sana matagal ko na itong nagagawa, sana matagal ko nang nararamdaman anh madalas na pagsipa ng anak ko sa loob ng tiyan ng Mommy niya.
"Baby, naririnig mo ba si Daddy?" tuwang-tuwa kong tanong habang bahagya ko pang nilapit sa tiyan ni Angel ang mukha ko. Muli kong naramdaman na tila sumusipa ulit ito.
"Ahhh..." mahinang napadaing si Angel na tila may nararamdamang sakit. Sunod na gumalaw ang kamay nito saka hinaplos ang tiyan na mukhang dahilan ng pagdaing niya ng sakit at mukhang gising na rin ito.
Sunod ko siyang tiningnan habang kita sa mukha nito ang labis na gulat ng makita akong nasa harapan niya.
"L-love?" nauutal pang sambit nito saka pilit na bumangon mula sa pagkakahiga niya, agad ko siyang inalalayan paupo at saka mahigpit ko na itong niyakap.
"Nandito na ako, love." sambit ko sa kabila ng mahigpit na yakap na iyon.
Ang yakap na matagal ko nang pinakahihintay na maranasan ulit, ang yakap niya na nagsisilbing tahanan ko. Sobrang sarap sa pakiramdam na tila napunan lahat ang wasak kong puso.
Sobrang sarap sa pakiramdam na matapos ang lahat ng pagsubok nandito pa rin ako at patuloy na uuwi sa mga bisig niya, ang tahanan ko.
BINABASA MO ANG
Castillo-Vera (Book 3)
RastgeleAngel Castillo living her dream life with the man she chose to marry. A perfect life had not yet an happy ending. One day they plan a vacation to celebrate their 2nd wedding anniversary, they had an accident and her husband Apollo Vera suddenly disa...