Chapter 3

127 4 0
                                    

Chapter 3

Prejudice 


"Jade?"

Bumangon ako mula sa pagkakabaluktot sa kama at iginala ang mga mata sa paligid. The lies that I made brought me to a new dimension, to a world that is new to me.

"Nandiyan si Jake sa ibaba, hija! Akala ko nga naghahanda ka para sa pagdating niya."

Nanuyo ang aking labi. Hindi ko pwedeng sabihin na nagbago na ang nararamdaman ko sa kan'ya kung una pa lamang ay hindi ko naman talaga siya kilala o kahit ni minsan ay hindi ko pa naman siya nakikita.

"Si D-daddy po ba gising na?"

"Oo, hija. Dinala ng nurse malapit sa dagat."

Tumango ako. Iyon na lang ang tinanong ko nang sa ganoon mawala ang usapan tungkol kay Jake. O kung sino bang Jake iyon.

Yaya Ope's eyes lit up. "Ang bilin sa akin ni Senyor ay hintayin natin siya bago ka raw ipakilala kay Jake. Baka ang mangyari'y ikaw pa ang mismong manligaw doon. Baka payag na ang Senyor Anselmo at tiyak ko ring si Jake ang napipisil niya para sa iyo."

Lumakas ang takbo ng puso ko dahil sa kaba. Anong si Jake ang napipisil para sa akin ni Senyor Anselmo? What if hindi iyon ang nararamdaman ko?

Again, we are not pertaining to your feelings, Jade!

"Nasa ibaba na po ba si J-jake ngayon?"

So this is how it feels like to utter a name that I have never met before or have little background knowledge about.

"Bakit bababa ka na ba? Ang sabi ko kasi kanina ay maghintay siya nang kaonti dahil baka kako natutulog ka pa."

"Maaari po bang ipagpaliban na muna?"

I don't think I could fool myself this time. Lalo na't hindi na lang si Yaya, Senyor Anselmo ang lolokohin ko. This is not what I have expected when I came here. I opted to have peace. Pero sa klase ng paraan na ginawa ko, makakamit ko ba iyon? Karapatan ko ba iyon?

I mean..hindi pa po ako nakakapag-ayos. I don't think I could face the one I adore without any..any make-up." Napangiwi ako sa kasinungalingang iyon.

Ngumiti ang matanda at tumango. "Sabi ko nga, hija. Sige!"

Pinagpapasalamat ko na lamang na ang huling pagkikita nila kay Jade ay noong sanggol pa lang ito.

I spent the whole day inside the room. Hindi ako miminsang lumabas. Ang nasa isip ko'y baka kakailanganin kong magkunwari bilang isang taong hindi ko naman nakilala.

Kung gaano ko katagal na gagawin iyon ay hindi ko na alam. Humarap ako sa salamin at hinawi ang aking maikling buhok. I couldn't feel the need to go out kahit nga ba'y ang lugar ay maaliwalas at tahimik.

My kind of place. But I don't want to get attached to this place, kung maaari. Temporaryo lamang ang pananatili ko rito.

Bumaba na ako sa hapon pagkatapos kong maligo nang ipatawag ako ni Senyor Anselmo. Kumain kami sa lilim ng punong mangga kung saan tanaw ang malawak na bukirin at ang farm ng mga Villalobos.

Kahit hindi nakakakita ang matanda ay naroon pa rin ang kapayapaan sa kan'yang mukha. Perhaps, his heart could feel the tranquility of the place.

Then and then, at first glance, I have realized that it is really his home. Walang duda sa bagay na iyon. Ang mga ibang tauhan sa bahay ay nakisalo na rin sa amin at nakilala ko rin sila.

Pansin ko ang kalituhan at pagkamangha sa kanilang mga mata. Pero siguro'y naisip nila na galing ako sa America at naimpluwensyahan na ako roon ng kanilang kultura.

Lost in the Pastel Hues (Sunset Avenues #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon