Chapter 42

100 4 0
                                    

Chapter 42

Tense


"Jade?"

Parang tumigil ang mundo ko sa binigay na bouquet. Lalo na nang banggitin ko ang pangalan na iyon.

Jade. Jade. Tumaas ang balahibo sa aking katawan at nanghihinang napasandal sa kotse. Sino ang magbibigay sa akin ng ganito? At bakit Jade ang nakalagay na pangalan?

Report it to the police station, Paige. You report it.

Pero sa huli ay umuurong din ako dahil sa takot. Parang nagdudulot ang pangalan na iyon sa akin ng takot. Takot na mas lalo pang lumukob sa aking sistema. The North knows what you have done before, Paige. Maliban pa kay Jake.

Is it possible that this came from Uncle Delphin?

Sa huli ay itinapon ko na lamang sa basurahan iyong bouquet na iyon. Sinubukan kong kalimutan dahil punong-puno na ang iniisip ko at ang makatanggap na naman ng threat ay parang hindi ko na yata kaya pang isipin.

You've been living with threats for all those years, Paige, one almost has succeeded, ngayon ka pa magugulat?

But the name 'Jade' scares me the most.

"Paige, still there?"

"Yeah... Yeah, I am on my way. I'll be at the airport, Les."

Nagbyahe ako mula Baguio hanggang sa Manila nang nanginginig. Nagpadalos-dalos akong magtungo ng Baguio mag-isa, upang makapag-isip-isip, disregarding the attempted assassination I faced and that bouquet that gave a cryptic note.

Nagkita kaming dalawa sa airport. Kasama na niya ang kan'yang team at ganoon din si Mr. Luciano.

"You sure you are okay, Paige?" si Les. Napatingin silang lahat sa akin.

Napatingin din ako sa naghatid sa kan'ya, si Jake. My heart clenched. Para akong nabagsakan ng isang mabigat na bagay pero pinili ko pa ring huwag pagtuunan iyon ng pansin. He was holding the luggage. I don't want to ask him about it or bother the two of them, dahil masyado na akong maraming iniisip.

"Paige, see you in New York, babe!" aniya at niyakap ako. "I enjoyed the Philippines. And to you too, Mr. Alvarez, thank you," wika niya sa lalakeng naghatid sa kanila.

Hindi ko siya nilingon. Nasa isip kong nasa kan'ya iyong cellphone ni Les kaninang madalang-araw. I shouldn't.. I shouldn't dwell on that anymore. Hinintay ko na lamang na makaalis si Les upang bumalik ako ng condo.

Tinignan ko pa mula sa salamin ng sasakyan si Jake. Napailing na lamang ako. Wala na dapat pa sana akong pakialam o wala naman kaming dapat pang pag-usapan. Nagpalit ako sa isang kupas na jeans at isang itim na maluwag na damit. And also I wore a cap and a mask.

I have to.. do something.

Taon na ang lumipas at siguro ay walang makapagsasabi na minsan nga ay sa lansangan ako nakipagsapalaran. That I have learned to survive here alone. Bumalik iyon sa aking alaala habang nilalakad ko ang pamilyar na lansangan. Ganoon pa rin ang lugar at parang walang nagbago.

Tinungo ko ang pwesto ni Manay kahit hindi man ako nakakasiguro kung kilala pa kaya niya ako sa paglipas ng mga taon. Nang daanan ko kanina ang bahay nina Uncle Delphin, wala na iyong naninirahan doon. Which I thought..Uncle Delphin is perhaps just around the corner.

At sa kan'ya galing ang rosas na iyon.

His name speaks for danger. It's obvious that Uncle Delphin is someone whom I should really fear. Sa kagustuhan na malaman ang kasagutan sa lahat, I want to dig for information about him.

Lost in the Pastel Hues (Sunset Avenues #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon