Chapter 25
Escape
Napatigagal ako sa aking nakita. Lalo na nang umangat ang gilid ng labi ni Uncle. Ang kan'yang mukha'y may bahid ng pakikidalamhati at lungkot pero iba ang sinasabi ng kan'yang mata. It felt like I have seen my end.
"Hindi na ako nakaabot sa burol dahil marami akong inasikaso pero narito ako para ipahatid ang aking pakikidalamhati, hija. Kumusta ka na..magmula nang namatay ang iyong ama?"
I held Yaya Ope's arms tightly. Ipinatong naman ni Yaya Ope ang kan'yang kamay doon. She looked at me with pity in her eyes.
"Hindi pa kasi tuluyang nakakarekober si Jade sa nangyari sa kan'yang ama. Kaya ganito ho siya gumawi ngayon. Jade, si Mr. Delphin, isang malapit na kasosyo at kaibigan ng Daddy mo."
"Naiintindihan ko ang bata lalo at mahirap ang mawalan ng magulang," makahulugang sambit ni Uncle. "Alam kong mabuting tao ang iyong ama, hija. Maraming hindi makalilimot sa kan'ya kahit ngayon nga ay wala na siya," dagdag nito.
"Osiya, kausapin mo muna si Mr. –"
"Delphin na lang ho."
"Si Delphin. Maghahanda lang ako ng meryenda. Jade, hija? Ikaw na muna ang bahala?"
Nang makaalis si Yaya Ope ay kaagad ang pagbabago ng ekspresyon sa mata ni Uncle Delphin. Mula sa pakikidalamhati at lungkot ay napalitan ito ng mabagsik at nang-uuyam na ekspresyon.
Nanlilisik ang mga mata nitong tumingin sa akin at sa isang iglap ay mariing hinila niya ako sa braso. Napaigik ako at napaigtad.
"Hindi kita kilala," sambit ko. I forced myself to see him in his eyes and pretend that I don't live in that kind of fear anymore.
"Pinahirapan mo ako sa paghahanap sa'yo, Jade. Ilang libo na rin ang nagastos at binayaran ko para lang hanapin ka. Hindi mo alam kung saan-saang panig kami ng bansa naghanap sa'yong putangina ka at nandito ka lang pala.." His smile was demonic.
"Ibang-iba na ngayon ang buhay na mayroon ka, Jade. Hindi ka na rin gusgusin at batid ko ay kumakain ka na dahil nagka-hubog ka na?"
Hindi ako umimik. Kinakabahan akong lumabas si Yaya Ope at makita ako sa ganoong kalagayan.
"Itong pag-alis at pagtakas mo ay kayamanan pala ang kapalit. Sino ba namang makakahindi sa naghihintay na pera?" Muli niyang pinasadahan ang bahay at nagtagal ang tingin niya sa mga antigong bagay.
"Kunsabagay, mayaman pala ang kumupkop sa'yo at siguradong tiba-tiba tayong lahat sa yaman niya."
I gritted my teeth and I held my breath. "Ang sabi ko hindi kita kilala. Isa akong Villalobos. Jadelayza Villalobos ang pangalan ko."
Tumawa si Uncle Delphin at ngayon nama'y hinila niya ako upang lumabas sa may patio.
"Ikaw si Jadelayza Villalobos? Pinapatawa mo naman ako. Anong pumasok sa kokote mo? Gusto mo bang malaman ng lahat na nagpapanggap ka lang bilang Jadelayza Villalobos? Huh?"
"Hindi ako nagpapanggap bilang siya. Ako si Jadelayza Villalobos," mariing wika ko. "At ikaw. Wala akong kilalang kaibigan ng Daddy ko na nagngangalang Delphin."
"Matapang ka na pala ngayon at hindi lang iyon, huh? Pinagpapatuloy mo ang kahibangan mong pagpapanggap."
"Dahil totoong hindi ko kayo kilala!" I almost screamed.
"Hindi mo ako kilala? Ganoon ba, hija?"
"Ikaw ba iyong sumigaw, Jade? May naulinigan akong sumigaw."
Natahimik ako nang lumabas si Yaya Ope. Si Uncle Delphin ay kaagad na nagbago ang hilatsa.
BINABASA MO ANG
Lost in the Pastel Hues (Sunset Avenues #3)
RomanceSunset Avenues #3 : Completed "Where is home for someone who is lost?" Paige Legacy, the controversial supermodel who longed to be heard and found, the girl who once deceived everyone for her own survival and stood in a different name in a place w...