May we all find the home that we are hoping for. May we all be courageous enough to serve as someone's home in their darkest times as we also seek for our own breather. May we be patient enough to wait for something rather than succumbing to our fears, doubts and struggles. May we all remember all those moments of being lost and find strength in choosing to be and not to be found.
Here's to every brave love, the love that we found in the times of uncertainties and gave us the moment of truth. Jake Alejandros and Paige Legacy are bidding their goodbyes with this final note. Thank you for giving their story a chance to be heard. 'Till the next sunset avenue!
—
Alam mo, Senyorita, dumadaan din ang pag-ibig na parang sa isang pagtatanim ng palay. Isang proseso na kailangan mong alagaan, kailangan mong pagtiyagaan at kailangan mong hintayin.. hanggang sa panahon ng pag-ani.
Kailangang paglaan ng oras, pawis at pagpapahalaga. Sa paglinang ng lupa.. sa mismong pagtatanim.. sa pagbabantay sa mismong pananim... hanggang sa mismong pag-ani. Iyon ang naaalala kong palaging sinasabi sa akin ng Tatay.
At kapag may pangarap sa buhay, hindi lamang titigil ang mundo sa isang lugar. Maaaring nasasabi mo ngayon na wala ka nang hihingin pa sa buhay, maaaring kontento ka na nga sa mayroon ka.. pero hindi maiiwasan na may isang taong magiging dahilan at doon mapagtatanto na handa kang harapin ang lahat at humakbang palayo sa nakasanayan para lamang sa isang pag-ibig na hindi mo aakalaing darating.
Pag-ibig na handa kang alagaan, paglalaanan ng panahon at pag-ibig na hihintayin.
"Marami ang naitutulong ng pagsasaka sa buhay ng isang tao, Alejandros." Itinuro ni Tatay ang mga lupaing naaabot ng aking mata. Palay.. mais.. gulay.. mga puno.
Totoo ang kantang nakalaan sa pagtatanim. Hindi ito biro. Kaya paglaki ay nagtataka ako kung bakit ilan sa mga taong aking nakasasalamuha ay mababa ang pagtingin nila sa trabahong ito. Kung bakit sa mata ng ilan ay mababa itong uri ng propesyon o ang malala pa nga, hindi ito itinuturing na isang propesyon.
"Nakikita mo ang naaabot ng iyong mata, Alejandros? Balang araw ay ikaw ang mangangasiwa ng mga iyan. Ikaw ang magbabantay sa mga lupaing iyan. Ikaw ang magpupunla ng mga pananim. Pangangatawan mo ang mga tao. Kaya ngayon pa lamang ay dapat magsanay ka na, dapat matutunan mong mahalin ang lupang iyong sinasaka.."
"Tay, bakit mas pinili niyo ang pagiging pulis kaysa sa pagiging magsasaka?"
"Walang masama sa pagiging magsasaka, Alejandros.. at hindi ko kinakahiya. Hinangad ko lamang ang mag-aral nang sa ganoon ay matustusan ko ang pag-aaral mo at magkaroon ka ng bukas."
"Pero hindi po ba ay mayroon ding kurso sa agrikultura? Bakit hindi ho iyon ang kinuha niyo? Balang-araw, Tay, iyon ang kukunin ko."
"Ano ang pinag-uusapan niyong mag-ama?"
Dumating ang Nanay at kasama namin siyang pinasadahan ng tingin ang malawak na lupain ng probinsya. Sa batang isip ko, walang magiging dahilan para iwan ko iyon o walang magiging dahilan para umalis ako ng probinsya. Dahil hindi naman ibig sabihin na kapag pinili mong nandito ay wala ka nang ambisyon sa buhay at wala ka nang gustong marating.
Madalas pa akong utusan ni Tatay na pumunta ng parola upang buksan ang ilaw doon. Sa dami ng kan'yang naituro sa akin ay tumatak na rin iyon sa aking batang isipan. Kaya nang mawala silang pareho ni Nanay ay maaga rin akong namulat sa reyalidad ng buhay. Doon unang pumasok sa isip ko na piniling mag-aral ni Tatay nang sa ganoon ay hindi mababa ang tingin sa kan'yang anak, sa akin.
"Huwag niyong kunin ang apo ko, Donya Rebecca. Hayaan niyong palakihin namin siya ni Siony."
"Patay na si Anton at Vien, hindi siya magkakaroon ng magandang bukas dito sa probinsya. At ano ang gagawin ng bata dito? Kagaya rin ng ama niyang magsasaka? Hindi maaari! Alejandros!"
BINABASA MO ANG
Lost in the Pastel Hues (Sunset Avenues #3)
Storie d'amoreSunset Avenues #3 : Completed "Where is home for someone who is lost?" Paige Legacy, the controversial supermodel who longed to be heard and found, the girl who once deceived everyone for her own survival and stood in a different name in a place w...