Chapter 27
Alone
"Paige, I need you." It was the barest of whispers.
Bumangon kaagad sa akin ang kaba. Sa kaloob-looban ng aking puso, namamatay na ito sa takot na nararamdaman. I was trembling so bad. I don't know exactly what time is it dahil hindi ko na inisip pa ang oras. The time is running, indeed.
"I'll be there in a minute, okay? Don't hang up the phone," natatarantang sambit ko.
Ayokong patayin niya ang tawag. I was so afraid that the moment he would hang up the call would be the end of everything.
"Please?" I almost begged.
Binilisan ko ang pagpapatakbo ng sasakyan. Tuloy-tuloy lamang iyon na kagaya ng isang ambulansya. At nang marating ko ang pakay, ang kan'yang condo towers, at nang mapunang hindi pa niya pinapatay ang tawag, nakahinga ako nang maluwag. I could still hear him breathing.
Sa elevator pa lamang ay nanginginig na ang aking kamay. I couldn't really imagine what would happen at paano na lamang kung tulog na ako sa oras na iyon at tumawag siyang ganoon?
He needs me..
Bumalandra ang pinto nang tuloy-tuloy ako sa pagpasok. I have the keys. And my heart leaped when I saw him lying in the dark. Magulo ang kan'yang silid na parang dinaanan ng bagyo. Binuksan ko ang ilaw ng kan'yang silid at bumungad sa akin ang kalagayan niya. He was in his worst.
"Mace," marahang bulong ko.
Nakadukdok ang kan'yang ulo sa kan'yang nakatuping tuhod. Nanginginig ang aking kamay na inabot ko iyon sa kan'ya.
"Mace, it's Paige," dahan-dahan kong sinabi upang makuha ko ang kan'yang atensyon.
I almost crawled to sit beside him. Isinandal ko ang aking likod sa kan'yang kama at umupo rin ako sa paanan kagaya niya. He was silent but I thank God that it wasn't the silence that I fear the most.
"Mace," ulit ko.
"Paige?"
Sa wakas ay nag-angat siya ng tingin. Kinapa niya ang aking mukha sa dilim. I smiled painfully when I get to see his face. Lumapit pa ako lalo sa kan'ya, mahigpit pa rin ang aking pagkakahawak sa kan'yang kamay.
"I am here. I won't leave and that's a promise," sambit ko.
Hinawakan ko nang napakahigpit ang kan'yang nanlalamig na mga kamay. I intertwined my hand with his then I held his head to take a rest on my shoulder.
"Calm down now, I am here okay? I won't leave," marahang sinabi ko. "I won't ask you what's wrong and why did you call but I just wanna tell you that no matter what time it is, I will come running, okay?"
Tumango siya at tahimik na sinandal lamang ang kan'yang ulo sa aking balikat, as if he was seeking space to calm himself. Mula sa tahimik na paghikbi ay napalitan iyon ng katahimikan. Nagpakawala ako ng buntong hininga.
"Mace, I will tuck you in bed so you will rest comfortably, okay?"
Tinulungan ko siyang makatayo upang lumapit na sa kama at doon ay makapagpahinga. Inayos ko ang kan'yang higaan at onti-onti ay inakay siya papunta roon.
I pulled the blanket and carefully wrapped his body. He purred from his sleep and drowsily mentioned my name. Naamoy ko rin sa kan'ya ang alak. He has been drinking for hours now, probably.
"I won't leave," I assured. Tahimik kong hinawi ang kan'yang buhok. It was blonde. Then stared at his angel face.
Mace, what have you been doing in the past days? Sumandal din ako sa headboard ng kama at hinintay na tuluyan siyang makatulog. Nang maramdaman na kumalma na ang kan'yang paghinga at tuluyan na nga siyang hinila ng antok, dahan-dahan ko nang tinanggal ang kan'yang pagkakasandal sa akin.
BINABASA MO ANG
Lost in the Pastel Hues (Sunset Avenues #3)
RomanceSunset Avenues #3 : Completed "Where is home for someone who is lost?" Paige Legacy, the controversial supermodel who longed to be heard and found, the girl who once deceived everyone for her own survival and stood in a different name in a place w...