Chapter 5

102 4 0
                                    

Chapter 5

Fall


Imbes na sa silid ang tungo ko'y, pinili kong maglakad nang maglakad sa farm. Hindi ko na alintana na tirik na tirik ang araw. Kung babalik ako sa silid ko'y iyon lang din naman ang matatanim sa aking isip.

And I don't want to think about how confusing it could be.

Sa harap niya'y, pinapakita kong wala akong interes sa kan'ya. Pero kapag nariyan na sila Senyor Anselmo, I would have to act that I like him..that I really like him.

Nagtatakbo ako sa kung saan. Hindi ko tinungo ang likod-bahay dahil nanatili na sa aking memorya ang narinig ko roon. I couldn't afford to go to the stables for the assumption that Jake was there. Kung sa bahay nama'y naroon si Senyor at si Yaya at mas lalo lang nila akong aasarin kay Jake.

Sumuot ako sa bukirin. Pinagmasdan ang mga punong siguro ay ilang dantaon nang nakatayo. The place was so serene. It was so peaceful. Ang nakikita ng mata ko'y malawak na lupain na kinatatayuan ng iba't ibang pananim at puno.

Palatandaan na nasa probinsya talaga ako. I was wandering around and clearing all my thoughts.

"What have I done?" nahahapong sambit ko.

Hanggang sa dinala ako ng hangganan ng bukirin na iyon sa isang ilog. Umupo ako sa damuhan at pinagmasdan ang pagdaloy ng tubig na sa tingin ko ay papunta na sa dagat. Huminga ako nang malalim at binaon sa aking kamay ang aking nag-iinit na mukha.

Hangga't patagal nang patagal ang pagtatago ng kasinungalingan, mas lalo iyong nakamamatay.

You couldn't stand pretending that you like that Jake kung ang natanim na sa isipan ng mga taong nandito ay patay na patay ka sa lalakeng iyon. That was already the constant idea na hindi mo basta mababago.

Jake knows something about Jade Villalobos that I don't. Patunay na iyon ng mga sulat na pinapadala nito sa kan'ya. She would have been happier if she was here with him.

"Nasaan ka man ngayon, Jade, I just hope that you are safe. And I'm sorry.."

Tumingin ako sa kalangitan. I knew that Senyor Anselmo wouldn't look for me dahil siguro ang akala nila ay magkasama kami ni Jake.

"Mangyayakap tapos bigla na lang babawiin. Ganoon ba gumawi ang galing sa ibang bansa? Lalo na kapag sa taong mismong nagsabi na nasasabik siyang makita ako?"

Napabalikwas ako at nanlaki ang aking mata sa boses na iyon.

I got up in a second. My instinct told me to get something that I could use for defense. At iyon ay ang isang matulis na kahoy. Tumayo ako, ang aking mga kamay ay nakaamba na sa panganib. Only to relax a bit when I have realized that it was only Jake..

"What are you doing here? Sinusundan mo ba ako?"

"Hindi kita sinusundan, Senyorita. Nagkataong patawid kami ni Alvar sa ilog."

"Alvar?"

Pinuntahan niya ang kabayong tahimik na nakatali sa puno. Oh, that's it. Ang pangalan ng kabayo ay Alvar.

"Forget about the hug," I said formally.

Ngali-ngali kong sabihin na kalimutan na rin niyang gusto ko siya but then again kapag ginawa ko iyon, isang kasinungalingan na naman ang magagawa ko sa katauhan ni Jade.

"Bakit ko gagawin iyon?" mababa ang boses niyang sinabi.

Napawang ang labi ko. "Because it doesn't mean a thing," giit ko.

"Anong laro kung ganoon ang ginagawa mo, Senyorita?" panunubok niya.

He was towering over me given my height and he has this aura, both intimidating and amusing. Why are you intimidated, Jade?

Lost in the Pastel Hues (Sunset Avenues #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon