Chapter 17

63 4 0
                                    

Chapter 17

Suitors


I got my heart broken for the first time when my father died. It was unbearable and the pain of my younger self couldn't be forgotten the day after his passing.

That's the thing about losing your father at a young age. You'll long for safety as the walls he built around you collapsed when he passed away. Until such time, you'd learn to be independent. And I think that first heartbreak prepared me..

For phases like this.

I pretended to be asleep because of the alcohol pero ramdam ko ang matinding pagpiga sa puso ko. I knew I shouldn't entertain that kind of emotion dahil alam ko naman na una pa lang, and that he did all those out of Senyor Anselmo's orders. I knew his reasons pero pinipilit ko pa rin ang nararamdaman ko.

Ano na nga ba iyong sinabi niya? 'Nabulag ang daddy niyo, kung nakakalimutan niyo'.

Gusto kong ilubog iyong sarili ko sa kahihiyan at sana'y huwag na siyang harapin. Hindi ko man inamin na gusto ko siya, sa paraan ng pagsagot niya'y, para ngang alam na niya at wala siyang balak na suklian iyon.

Because it wasn't right, Jade! You knew it wasn't right!

Mabuti na nga iyon hindi ba? Dahil ang pagtutuunan mo ngayon ng pansin ay ang paghahanap sa kapatid mo at ang pagsasabi ng totoo kay Jigs, Beth, Yaya Ope at kay Senyor Anselmo. Then..you'll have your way out.

Kung sana nga ganoon na lamang kadali iyon.

"Jade, anak? Wala ka bang klase ngayon?"

Nagmulat ako ng mata nang marinig ang boses ni Yaya Ope roon sa labas ng pinto. Pupungas akong tumayo. Ganoon na lamang ang panlalaki ng aking mata nang mapagtanto kong isang oras na akong late sa pang-umagang klase. At anuman ang gawin ko hindi na ako makakahabol doon.

Napatampal ako sa noo ko. My head was aching and I smelled really awful. Naalala kong matapos akong..well pagalitan ni Jake ay kaagad niya akong inihatid sa villa.

Tuloy-tuloy lang ako n'on sa pag-akyat na hindi ko namamalayan na ngumangawa na pala ako. Isa pang nakakahiya ay halos gumapang na ako roon sa hagdan upang makarating sa pangalawang palapag. Kung nakita iyon ni Jake ay hindi ko na alam.

"Hindi na ho ako papasok, Yaya Ope! Masakit ho ang ulo ko."

"Sige kung ganoon. Sasabihin ko na lang sa daddy niyo. Gusto mo bang dalhan kita riyan ng gamot upang maibsan?"

"H-hindi na ho. Idadaan ko na lamang po sa pagligo. Salamat!"

Humarap ako sa salamin sa banyo. I really looked awful and in distress. Kalaunan ay napasandal ako sa dingding. Then I closed my eyes. Oo nga't nakainom ako ng alak n'on and to think that..that was my first time. Pero naalala ko pa rin ang mga nangyari at nakatatak na sa akin ang sinabi ni Jake.

His words of confirmation just got inked into my consciousness. Na ngayon ay wala na akong mukha pang ihaharap pa sa kan'ya.

Fool, Jade. Wala kang karapatang magkagusto sa kan'ya.

Pagkatapos kong maligo at mag-ayos para sa panghapong schedule, kinontak ko sila Jigs at Beth.

"Jade, teh, umattend ka ba?"

Napahilot ako sa sentido ko. Kailangan ko nga yata talaga ng gamot.

"Iyon din sana ang itatanong ko sa'yo, Jigs. Ikaw pumasok ka ba?"

"Syempre, hindi rin teh! Nagising ako kanina eh tanghali na pala!"

"Si Beth, natanong mo na ba?"

"Naku! Sabog din kagaya natin. Aba, eh tinatawag niya akong boyfriend niya eh wala namang boyfriend ang gaga!"

Lost in the Pastel Hues (Sunset Avenues #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon