Chapter 7
Unmask
"Wala ka bang sasabihin, Senyorita?"
"Didn't I tell you that you should stop calling me that?" I blinked when I realized that I'm going too far. "O-okay. T-thank you."
"Hindi iyan ang ibig kong sabihin."
If he's pertaining to what happened earlier, ayokong magsalita. It is all about me and the monsters chasing after me. So hindi ko na dapat pang sabihin iyon sa kan'ya at hindi na rin niya kailangang malaman pa iyon.
"Paano mong maipapaliwanag ang mga gasgas mo sa braso kung ganoon?"
"Aksidente iyon dahil sa biglaan kong pagbaba!" giit ko.
"Aksidente? Ang ginawa mo'y intensyonal, Senyorita. Paano iyong sinabi ng driver na bigla ka na lang sumigaw?"
"Bawal ba akong sumigaw?" I said to counterpart.
Isang buntong-hininga ang pinakawalan niya. Nagpapasalamat ako dahil madilim na at hindi kami masyadong hagip ng ilaw na nanggagaling sa patio. Kung siguro'y nakita niya ang pamumuo ng luha sa aking mata.
It's getting me frustrated. This is frustrating but I couldn't tell anyone. Ang nakakatakot ay..I am slowly unfolding that mask I am wearing. Sa isang taong hindi naman dapat. I am slowly gaining trust in someone I shouldn't.
"Boy ka lang naman ni Daddy, hindi ba? Let it stay that way," sambit ko.
He clenched his jaw and his grip on my backpack loosened. Napapikit ako nang tuluyan na akong makaalis doon at iwanan siya. Like what I always do.
I'm sorry, Jake. I had the chance to tell it right away but I didn't.
Nginitian ko pa si Yaya Ope nang makasalubong ko siya sa patio bago ako nagmamadaling umakyat sa aking silid. Napahinto ako sa pinto at doon ay binaon ko ang aking mukha sa aking mga palad at doon naglandas ang aking mga luha.
When am I going to tell them the truth, then? Kapag katotohanan na mismo ang kumatok sa kanila? And it would be harder on their part to forgive..
My schedule for the following day is just a three-hour class in the afternoon. Medyo na-late na rin ako ng gising kinabukasan. At sinabihan na pala ni Yaya Ope si Senyor Anselmo na pagod na pagod na ako kagabi kaya hindi na ako nakasabay sa kanila sa hapunan.
Sinabi ko rin kalaunan na nagtungo kami ni Jake sa bahay nila at nakilala ko na ang kan'yang lolo at lola.
"May dapat ka bang sabihin sa akin, hija?" si Senyor.
"Uhm, tatlong oras po ang klase ko ngayon, Daddy."
"Pinakilala ka raw ni Jake sa amang at inang niya?"
Muntik na akong mabilaukan. And speaking of Jake..I feel remorse for what I have said that night pero hindi ko na iyon mababawi.
"Hindi po kagaya ng iniisip niyo, Dad. I just met his grandparents, that's all. Dahil na rin sa kahilingan nila na makilala po ako."
Sabay silang tumawa ni Yaya sa biglaan kong pagdepensa. It sounded as if I am trying to contradict something.
"Si Jake ba Openg, hindi pa dumadating?"
"Hindi pa, ho. Senyor. Baka naroon pa po sa ilog pero nariyan po ang pick-up baka narito lang sa farm pero hindi pa pumaparito sa bahay."
"Bakit kaya? Kadalasang nagkakape iyon dito ah?"
Napakagat ako ng labi. Naisip ko ang mga salitang binitiwan ko kagabi. Did I go beyond that? Did I step on something?
"Baka marami lang pong ginagawa," sambit ko.
BINABASA MO ANG
Lost in the Pastel Hues (Sunset Avenues #3)
Roman d'amourSunset Avenues #3 : Completed "Where is home for someone who is lost?" Paige Legacy, the controversial supermodel who longed to be heard and found, the girl who once deceived everyone for her own survival and stood in a different name in a place w...